chapter :21 Regrets

10 1 0
                                    

Gabi na pero hindi parin MA kontak ni vaniesza si jin, kanina nag re ring pa ang phone nito pero ngayon naka off na  kaya hindi mapakali si vaniesza at walang tigil ito sa kaka dial nang number ni jin hanggang sa nilapitan na siya nang Lola at kapated niya..

Lola Lita: apo ok kalang ba?  Kanina kapa hindi mapakali dyan sa kaka pindot nang cell phone mo..

Vaniesza :pasensya na po Lola, pero si jin kasi hindi kona MA contack.

Gel:ate relax baka naman na lowbat lang hindi imposebleng mangyari yon.

Vaniesza :pero gel nag promise siya na kapag dumating siya nang Seoul tatawag agad siya sakin, for sure naman naka rating na siya nang Seoul..

Gel:ate baka naman may inasikaso lang, wag ka ngang paranoid dyan..

Lola Lita:tama ang kapated mo apo wag kang mag isip nang Kong ano ano at hindi nakaka buti yan, ang isipin mo ang mga susunod na araw ang pag balik niya..

Vaniesza :sorry  po lola pati tuloy kayo nadadamay sakin, hindi ko lang talaga mapigilang mag alala..

Gel: ok lang yon ate kami nga nag aalala sayo masyado ka kasing worried Kay jin..

Vaniesza :ok fine hindi na.. 

Agad na nilapag ni vaniesza ang phone at pumasok sa kwarto..

Hating Gabi na hindi parin tumatawag si jin kahit text wala pilit na sinusobokang tawagan ni vaniesza si jin pero naka off talaga ang phone nito..

Napilitang bumangon si vaniesza dahil sa hindi talaga siya maka tulog hanggang sa mapa daan siya sa resthouse na tinuloyan ni jin.

Pumasok siya sa rest house at nilibot ang paningin sa bawat sulok nang bahay ,hindi mapigilang mapa ngiti ni vaniesza habang inaalala ang masasayang alala nila ni jin sa loob nang bahay .

Hanggang sa makarating siya nang kwarto, dahan dahan na humiga si vaniesza at niyakap ang unan na ginagamit ni jin.

Maya maya pa ay bigla nalang siyang Napa iyak dahil sa sobrang lungkot na bumabalot sa loob nang kwarto..

Vaniesza:I'm sorry jin Kong ito na naman ako umiiyak sobrang na mi miss na kita..

Hindi na pinigilan ni vaniesza ang bawat luha na kanina pa gustong pumatak sa mga Mata niya.

Dahil sa kakaiyak niya hindi na namalayan ni vaniesza na naka tulog na pala siya..

Kinabukasan...
Naka rinig nang mahihinang katok si vaniesza kaya dahan dahan siyang Napa dilat..

Maya maya pa ay narinig niya ang boses nang kapated na si gel kaya agad siyang Napa bangon at binuksan ang pinto nang kwarto..

Pagka kita ni vaniesza Kay gel agad niyang napansin ang seryusong mukha nito..

Vaniesza :gel bakit?  Ang aga pa, inaantok pako...

"spring day"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon