I was running..
Tumatakbo ako ng mabilis
Tumatakbo palayo sa bagay na humahabol sa akin.
Ang problema hindi ko alam kung ano iyon.
Nagising nalang ako na ang bumungad sa akin ay isang puting kisame.
Mayroon akong benda sa ulo at kung may anong nakalagay sa kamay ko.
Nakita ko sila. Lahat sila nagkakagulo.
Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit hindi mahulugan ng karayom ang lugar kung nasaan ako ngayon.
Magtatanong sana ako. Kaso parang wala akong lakas para bumigkas ng kahit anong salita. Na parang bawat parte ng katawan ko ay biglang nawalan ng gana na mabuhay pa.
"Loren"
May narinig akong tumatawag ngunit walang sumasagot.
"Loren"
Isang tawag pa ulit. Tumingin ako sa tumatawag at nakita ko ang isang babaeng nakaputi. May magandang mga mata at pulang labi.
"Loren"
Tawag pa niya ulit. Ngunit sa pangatlong pagkakataon ay wala paring sumasagot sa dami ng taong nandito.
Pero nung pagkatingin ko sakanya ay sa akin siya nakatingin.
Maraming sinasabi ang kanyang mga mata. Na para bang may hipnotismo na nangyayari sa sakin ng dahil sa kanya.
Walang bakas ng kahit na anong ekspresyon ang mga mukha niyang mas maamo pa sa tupa. Ngunit ng tumingin ako sa kanyang nga mata. Parang maraming kwento na sino man ay hindi pa nakakakita.
"Loren"
At sa pang apat na pagkakataon na pagtawag niya sa pangalang iyon ay nakatingin na mismo ako sa kanya.
"Loren,kamusta kana?".
Mahihimigan sa kanyang tinig ang pag-aalala. Pero nananatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha. Pero maraming sinasabi ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga mata.
"Sino ka? Sino si Loren? Asan ako? Sino kayo?"
Ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Napalitan ng gulat ang ekspresyon niya. Na para bang nagugulat sa mga tanong ko.
"Loren,ako to. Si louis."
"Wala akong kilalang louis."
Biglang nagtubig ang kanyang mga mata. At may luhang biglang tumulo. Na kahit ako ay hindi inasahan. May luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Ngunit ang ekspresyon ng kanyang maamong mukha ay wala talagang ipinapakita.
"Anong nangyari Loren?. Paano ka napunta dito? "
Tinig niyang nagtatanong. Humihingi ng sagot. Pero kahit anong pagtatanong at pagmamakaawa niya ay hindi ko talaga alam kung ano ang aking sasabihin. Dahil pati ako ay nagugulumihanan sa lahat ng aking nasaksihan mula ng idilat ko ang aking mga mata.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyari. Hi-hindi ko din alam ang pangalan ko."
"Loren"
Pagtawag niya sa akin.
"Bakit ka napunta dito?. Wala ka bang natatandaan na kahit ano? " pagtatanong niya nanaman.
"Wala. Walang kahit ano" sagot ko.
"Loren. Natagpuan ka nila sa tapat ng bahay ko. Anong ginagawa mo ron?. Sugatan ka at walang malay. May naaalala ka na ba?." mahihimigan ang pag-aalala sa tinig niya. Ngunit kahit ganoon ay wala parin akong maalala. Walang kahit ano.
Biglang bumukas ang pinto, may lalaking nakaputi na pumasok at may takip ang mukha, kasama niya ang isang babaeng may katamtamang kulay ng balat at hindi ganoon katangkaran.
"Louis, kailangan niya munang magpahinga. Baka maubos ang lakas niya. Hayaan muna natin siyang makaalala. "
Lumapit sila sa akin. May inilabas na isang bagay at tinurok sa akin.
"Wag. Wa-wag."
Ngunit huli na ang lahat. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. At parang unti unting binalot ng kadiliman ang aking mundo. Ito na ata ang epekto ng itinurok nila sa aking kung ano.
-
A/N
First chapter done! Thanks for reading! Dont forget to vote and comment. Follow me. Thankies mga beshies! xx.
YOU ARE READING
The End
General FictionThey say that everything will end in the right time. Ang sabi nila walang permanente sa mundo. Na kahit ano ay pwedeng magbago sa isang pikit lang ng mata mo. Pero paano kung ayaw kong matapos ang lahat ng to?. Paano kung gusto ko walang katapus...