Marianne

2 0 0
                                    

"Yanny, gising na!" paggising sa kanya ng kanyang kapatid.

Kanina ginigising ni Pim dahil maghahapunan na ay wala pa rin siyang makain. Istorbo sa tulog kasi nagpapaluto ng dinner.

"Mamaya na kasi Pim! Hintayin mo na si mommy!" Sigaw ni Yanny at bumalik sa pagtulog.

"Ate gutom na ako!"

Hindi na sumagot si Yanny.

****
Yanny's point of view

Tama ba to?

Tama bang nagising ako sa kagubatan? Nandito ang kama ko, ang side table, at lahat ng laman ng kwarto ko yung walang dingding. Puro puno. Mistulang inilipat ang mga furnitures ko sa gubat na ito.

"Nasan na ba ako?" Tanong ko sa sarili.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Siguro, ay magpapanic ang iba kung sila ako pero hindi ko rin alam bakit parang kumportable ako sa lugar na to. Pakiramdam ko ay nasa kwarto pa rin ako.

Bumangon ako at naglakad lakad sa gubat. Kung saan saan lang ako mapadpad.

Lakad dito lakad doon hanggang sa mapagod at mainis dahil malayo na yata ang narating ko.

Pero wala akong makitang kunsinoman. Hinahanap ko si Pim pero wala rin siya.

"Where am I? Darn it!" I shouted in frustration.

Sinubukan ko ring humingi ng tulong mula sa messenger pero peste, walang signal. What did I expect? It's  a forest!

Biglang may lilac na paru-parong dumapo sa manggas ng damit ko at tinitigan ko ito ng mabuti.

Ang ganda mo naman.

Hindi ako gumagalaw dahil baka lumipad ang paru-paro. Ang sarap kasing titigan ng pakpak nitong kulay lilac at may kahalong asul.

"Wag ka munang aalis-- what the!"

Nagitla ako sa isang malakas na pagbagsak mula sa likod ko. Dahil doon, lumipad ang paru-paro.

Balak ko pa sana itong habulin ngunit nang lumingon ako sa likod ay nakita ko ang isang babae.

Nakahiga at mistulang natutulog.

Ngunit hindi mo aakalaing natutulog ito kapag nakita mo na ang dugo na umaagos mula sa kanyang ulo.

Hindi ako makapagsalita ni makagalaw.

Saan ito ng nanggaling? Patay na ba siya? Sino siya? Bakit siya nandiyan?

Natulala na lang ako sa aking nakita. Ang daming tanong sa utak ko pero...bakit may hagdan sa likod niya.

Doon ba siya galing?

4 WallsWhere stories live. Discover now