"And now, may we call in the beautiful, kind, and fabulous girl who will shine the brightest tonight!" The emcee announced from the stage.
"Ms. Victoria Lauren Chua, the debutant!"
At mula sa tuktok ng isang puting hagdan, ngumiti si Tori suot ang kanyang dark violet na gown at may kahalong asul.
She is stunning and pretty.
She started walking down the stairs and the spotlight was making her shine like a diamond.
Ngunit, medyo nahirapan yata si Tori dahil masyadong malakas ang contrast ng ilaw. Para itong nasisilaw kaya yumuko ito habang nakangiti pa rin at humawak sa sa railings.
"Victoria,ang ganda mo!" Sigaw ng isang guest.
Inangat ni Tori ang kanyang ulo para sana tignan kung sino ang sumigaw ngunit nasilaw siya sa ilaw.
At nawalan ng balanse.
*****
Victoria's point of view
Naalala kong gumulong gulong ako sa hagdan kanina. Pero wala akong naalalang dinala ako sa gubat matapos ng pangyayaring iyon.
Bumangon ako kahit nasasaktan ang aking ulo.
Kinapa ko yun at pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo.
"-what the?!"
Nilingon ko ang babaeng nagsalita. Mistula ito nakakita ng multo at hindi ito makagalawa.
Sabagay, mukha nga naman akong multo. Mukha nga kong gumising mula sa crime scene eh.
"Hey, who are you?" I just asked her.
"M-me?" Parang kinakabahan niyang tanong.
"It's just the two of us here and I'm obviously talking to you." Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo. "Who are you?"
Napataas rin ang kanyang kilay at mistula nagising mula sa daydream.
"There's no need to be rude. I'm Marianne." Malamig niyang sabi at tumalikod.
Is she leaving me? How heartless.
"Iiwan mo ako dito? Help me, Marianne. I cannot go home with this condition." Pagpapakumbaba ko dahil masakit talaga ang bungo ko.
"Be nice, then. walang maitutulong sayo yang kasungitan mo sa sitwasyong to."
Lumapit siya sakin at inilahad ang kanang kamay. "Stand up. Let's find someone to help us."
Tinanggap ko yon at sumunod sa kanya. Kung saan man siya magpunta ay nakasunod ako. Natural, siya na lang ang makakatulong sa akin eh.
Habang naglalakad ay nagsalita ako.
"I'm Victoria, by the way." I said in unison. "Taga rito ka ba?"
"No. Mahirap ipaliwanag kung bakit ako nandito. Ikaw saan ka galing?"
"I don't know. All I remember was I slipped at the stairs. At nagising akong nandito, sa baba ng hagdan na nakita mo kanina."
"I'm from my bedroom. I know, nakatulog lang ako. At paggising ko, nandito na ako."
"This is so strange. Lahat ng nangyayari at lahat ng nandito sa gubat na to, parang nakakatakot. But I'm not really scared. Parang kumportable pa nga ako dito eh."
"It's....unexplainable. But I have something creepy mind."
"Me too. Ineengkanto kaya---whats that?"
Natanaw ko ang isang hospital bed malapit sa may puno. May dextrose na katabi at side table.
"Sino kaya siya?"
"Maybe she can help."

YOU ARE READING
4 Walls
Fanfiction5 women, lost in 4 walls. A mystery on how they got there and an adventure on how to get back. Are they out of the world? Or was it just a dream?