Cryed

113 0 0
                                    





"Teka lang Anya ha, ano ba kasing pinaglalaban mo?"

Nandito siya ngayon sa pastry shop ko. Nangungulit nanaman. Sa pagkaka-alam ko kasi busy dapat ang mga doctor. Nakuha pang manggulo nito, iniisip ko minsan na nag-doctor lang talaga ang babaitang 'yan para sa mga oppa-oppa niya.

Oppa-kan ko nga siya diyan.

"Take this Ish, mas pinili mong magchef-"

"Pastry –"

"Mag-luto ins-"

"Mag-bake"

"Oo na, basta ito. Mas pinili mo 'to kesa doon sa pangarap mong mag-Liberal Arts which means talagang iniiwasan mo siya at hanggang ngayon-

"Hindi ka pa rin nakakamove-on " sinabayan ko siya sa huling linyang paulit-ulit kong naririnig mula sakanila.

It's been what? 9-10 years? Sabi pa nga sa kanta ni Quen Taylor, that's once upon a time a few mistakes ago.

A few mistakes that paved my way to pessimism. Nagmahal, minahal, hindi minahal pabalik, nagmamahal, magmamahal ulit, iiwan, mang-iiwan, iniwan, nakahanap ng bagong kahuhumalingan, nabigo, nabasted, nakalimot, kinalimutan, pinabayaan, nagpabaya, nagpaubaya, nanindigan, nagmamahal, at marami pang iba.

The problem is that I'm not one of those people. Call me heartless and insensitive, but he made me like this. Naliwanagan. Come on, it's not their fault they don't love us. Baka ikaw ang may problema kung ganoon.

Some flowers only ever bloom for the sun. And what can the moon do when all it ever is to the flower is a shard of glass in the sky whose light is only a reflection of the star it could never become?

I was neither the moon nor son. Not even the pity flower that blooms. Absolutely not the star he could never reach. I was me.

I was my own reflection. And some days you'll realize, you are always worth it. Wag na wag mong gawing basehan ang iisang tao lamang para masabing mahalaga ka, kung siya ang taong magpapasaya sa'yo at sinabihan ka niyang mahal ka niya then that's it. Great love.

Kung siya naman ang taong magpapasaya sa'yo at sinaktan ka lang niya. Wake up, we don't need a man- at least for me.

"Nabalitaan kong bumalik na siya galing Cebu" malakas na impit at may kasamang hampas pa ang natamo ko kay Anya.

Napairap na lang ako sa kawalan.

"E ano naman?"

"Anong ano naman! This is your chance babaita, kaonting pa-walk lang 'yan tapos bibigay din afterwards"

Sinimangutan ko lang siya at bumalik na sa pagtatrabaho. I remove the meringue from the oven and let it cool down for a few minutes.

Pina-diretso ko na si Anya sa office at sinabing kumuha na lang din siya ng instant maiinom sa ref. Bakit daw kasi hindi kami nagbebenta ng drinks dito, nanumbalik nanaman ang debate naming patungkol sa pagiging pastry chef ko at baristang tinutukoy niya. Kaparehas lang daw 'yon.

Napailing na lang ako. What I like most about this cake is the sponge like texture of the meringue that literally melts in my mouth. The light flavor of the meringue is balanced by the flavor of the rich custard filling. Brazo de Mercedes.

I specialized in Filipino delicacies, rice cakes. Mga kakanin mula sa iba't-ibang parte ng Pinas. That's why.

Medyo patok din sa masa ang Bilao. Madalas dito na rin sila nag-oorder ng mga sari-saring kakanin. Could be wholesale o 'yong mga Bilao Espesyal. In just one flat round basket tray, you'll get the rice cakes you want. Made to order.

CryedWhere stories live. Discover now