Chapter Four

0 0 0
                                    

Siguro nga kaboses lang niya yung lalake na yun.

Tumango lang ako bilang tugon sa tanong ng aking nakabangga.

"Mabuti naman, sige miss I need to go. Excuse me." Sabay ngiti ng lalake sakin.

Juskopo ang pogi niyaaaaa waaaaaaahhhh mamamatay na ako neto yun lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ako ay sobrang kinikilig sa lalaking iyon.

Nakangiti pa rin ako habang pinagmamasdan ang likod ng poging lalaking aking nakabangga.

"Hoy! Tanga!! Bat di ka humingi ng paumanhin. Napaka tanga mo talaga." biglang sabi ni Jason sakin.

"H-ha? B-bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo ba yun kilala? " tanong ni Jason.

Umiling naman ako dito.

Napahilamos ng kanyang mukha si Jason gamit ang kamay nito.

"Haaaay naku! Batang probinsya ka nga talaga. Siya si Sir Jaggo Javier. Di ka man lang humingi ng paumanhin. Haaaaay." Inis na sabi ni Jason.

"J-Javier?." Naalala ko ang pangalan ng kompanyang ito 'JAVIER COMPANY' nanlaki ang mga mata ko at ...

"Siya yung may ari ng kompanyang ito?." Gulat na sabi ko.

Binatokan naman ako ni Jason at bumulong..
"Tanga. Hindi. Pero parang ganoon na nga. Ang totoo kasi niyan siya ang anak ni Mr. Allan Javier. Si Sir Allan yung may ari ng buong kompanya." Paliwanag ni Jason.

Tumango lamang ako dito. Ay oo nga! Naalala ko siya mula kay Carlos.! Siya yung Bachelor na lalake na tinutukoy sa TV noon. Yung na feature ang pamilya nila. Omagaash ang gwapo niya pala talaga. Lalo na sa malapitan.

Maya-maya nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang kami ay nakarating sa Head Office ng kompanya.

"Pagkapasok natin yumuko ka kaagad ha. Bilang paggalang yun kay sir Allan." payo ni Jason. Tumango lang ako dito.

Pumasok kami sa opisina ng Head at yumuko.

Nakatalikod ang may ari ng kompanya habang pinagmamasdan ang ganda ng buong syudad.

"Sir, may pinadala po dito sainyo ang Applicants Quarter. Dala ko po yung requirements niya." Maggalang na sabi ni Jason.

Lumingon sa amin ang may ari. Hindi ko naman makita ang kabuuan ng mukha nito dahil kami'y nakayuko pa rin. Ang habang paggalang naman nito ah.

"I can manage this. Thank you Jason. You may now go." Sabi ng may ari habang ini-scan ang folder ko.

Umalis naman si Jason at tinap ang likod ko bilang 'Goodluck'.

"Sit down." Utos ni Mr. Allan saakin. Umupo naman kaagad ako.

"You are Bea Cortes right?" Tanong nito.

"Yes sir." Tugon ko naman.

"When I'm talking to you, pwede mo nang iangat yang ulo mo. So that, we can really understand each other."

Inangat ko naman ng bahagya ang aking ulo para sundin ang utos ng aking soon-to-be amo. Kung sakaling ako'y palarin na ma-hire.

"Yes sir, pasensya na po." Panghingi ko ng paumanhin.

Ini-scan pa ng may ari ang folder ko at tiningnan ng maayos ang mga achievements ko. Sa tingin ko'y namangha ito dahil sa angkin kong galing at talino. Matataas ang grades ko kung kaya't parang nasiyahan si Sir Allan.

"I am really happy because of your achievements in life. Base on your folder, it is clearly stated that you are more than a qualified applicant." Masayang sabi nito.

Ngumiti naman ako dahil dito.

"But, I'm sorry to say this; we don't have any vacancy for a secretary position. I'm sorry Miss." dagdag pa nito. At isinara ang folder ko at ibinigay sakin.

Nanlumo ako sa sinabi nito. Sayang. Tinapay na sana naging bato pa.

"S-sir kahit anong trabaho po okay lang saakin. As long as may trabaho ako. Sir I badly need this, kailangang kailangan lang po kasi ng pamilya namin. Matagal ko na din po kasing pangarap na makapag-trabaho sa isang kompanya." Pag mamakaawa ko.

Nasiyahan naman ang lalake dahil sa sinabi ko.

"Okay, right now; we don't have any vacancy. But right now, I am guiding my son to manage the company. Can you help me train him well?." Tanong nito.

"Yes sir, kahit ano pong ipagawa ninyo gagawin ko po." Nakangiting sagot ko.

"Well, as you can see I am training my son to be the next President/CEO of the company. And I will hire you to be his secretary and assistant."

Nanlaki ang aking mga mata sa sobrang saya at napatalon sa upuan na para bang ako'y nanalo sa lotto.

Parang nagulat ang aking boss sa ginawa ko kung kaya't hiyang hiya akong bumalik sa upuan.

"Maraming salamat po sir, hinding hindi po kayo magsisisi sa inyong desisyon. Gagawin ko po lahat para ma train ng maayos ang inyong anak." Masayang-masayang sagot ko.

"Okay, I want you to start your job tomorrow. You can get the informations you needed about your job to Jason. Be here at exactly 7am. Maaga pumasok ang anak ko dahil marami rin siyang pinagkaka abalahan kaya't agahan mo na lang ang pagpunta dito. Is that clear?." Instruction nito.

"More than clear po sir. Hehehehe salamat po."

Nagpaalam na ako at masayang umuwi sa aking apartment.

*****

Note: Si Jaggo Javier po ang featured pic. Ang pogi kong asawang si Zak Henri❤

Like A FairytaleWhere stories live. Discover now