Chapter Three

0 0 0
                                    

Namangha ako sa sobrang ganda ng mga naglalakihang buildings na nakikita ko ngayon sa labas ng bus kung saan ako nakasakay.

"Ang ganda pala talaga ng Maynila. Balang araw, mag ta trabaho rin ako sa isa sa mga kompanyang iyan." Kompiyansang sabi ko sa sarili.

Napatigil si ako sa pagsalita ng may narinig na boses..

"Miss excuse me, may nakaupo ba dito?" Isang lalakeng nakasalamin, nakasuot ng tshirt na pula at pants na itim, mahaba rin ang buhok nito at may bigote.

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong kaya't umupo na ang lalake sa tabi ko.

"May problema ba?" Tanong ng lalake. Kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa misteryosong lalaking ito.

Napansin ko kasi ang dugo sa damit ng lalake kahit naka pula itong shirt ay mapapansin mo sa malapitan na dugo nga ang nasa kanang bahagi nito. Bat may dugo? Imposible namang nag reregla ang lalake 'di ba? At kung regla nga yun, ano yun? Ipinahid niya sa tshirt niya? Yuckss nakakadiri isipin.

"W-wala naman, parang kilala kasi kita eh. Hehehe peaceyow." palusot ko.

Kumunot lamang ang noo ng lalake at maya-maya'y nagpara.

Bumaba na ang lalake at napansin ko na may sugat nga sa braso ang lalake. Parang daplis yun ng baril. Sino kaya yun? May daplis pa ng baril ah?.

Napatigil ako sa kakaisip ng makitang may kwintas sa gilid ng aking upuan.

"Hala, naiwan yata nung mama." Sabi ko. Hindi ko na nakita yung lalake dahil umandar na ang bus.

Isang kwintas na gold ang aking nakuha. Mayroon itong isang maliit na pendant na bilog. Nabubuksan iyon at may isang maliit na litrato sa loob, isang babae at sa kabila ay isang litrato ng napaka-gandang espada.

"Espada? B-babae?." nagtataka kong tanong.

Kapag makita ko ulit siya ay isasauli ko kaagaf itong kwintas. Pero sa ngayon, itatago ko muna.

Inilagay ko iyon sa loob ng bag na dala-dala ko.

-----

Dumating na ako sa tutuluyan ko.

Nakakuha ako ng maliit na apartment, sarili ko ang apartment na ito kaya't sapat na yun para sa akin kahit maliit pa ang apartment na ito.

Pag bukas mo pa lang ng pintuan ay makikita mo na kaagad ang kabuuan ng bahay. May maliit na mesa sa gilid nito at may dalawang upuan. May isang maliit din na sofa sa gilid, may maliit din na tv doon. Di naman yun flatscreen ang imporante ay gumagana at makakanood ako ng mga pelikulang gusto kong panoorin. Sa dulong parte ng bahay naro'n ang lutuan at C.R. katabi ng C.R. ang kwarto. Maliit lang din ang kwarto. Isang maliit na katre at kama ang nandoon at sa tabi ay mayroong cabinet na katamtaman ang laki.

Mabuti nga't may mga gamit na dito. Di ko na kailangang bumili ng gamit. Kumpleto naman na. Ang bait naman ng may-ari nito. Pinagkatiwala niya yung mga gamit sa magrerenta ng bahay niya.

*knock knock*

Binuksan ko ang pinto ng aking apartment at bumungad sa akin ang isang matandang babae.

"Hija, ako si manang tikya. Ako ang may ari ng apartment na ito. Kung may kailangan ka magsabi ka lang. Katabi lang naman ng apartment mo yung tirahan ko. Dumating kana pala, 'di ka man lang nagpasabi. Narito yung susi ng bahay." Iniabot saakin ng matanda yung susi. Mabait naman pala siya, mabuti naman. Naisip kong gamitin ang pagkakataon na humirit na bawasan ang renta sa apartment. Medyo malaki kasi eh. Di pa kaya ng budget ko. Lalo pa't wala pa akong trabaho. Mahihirapan ako nito.

Like A FairytaleWhere stories live. Discover now