CHAPTER 1

8.1K 146 16
                                    

Dedicated to Awesome723. Siya unang nakahula ng title! HAHA.

COMVO

==============================

CHAPTER 1: Average ‘Zac’

ZAC'S POV:

“Zebastian Ablasa Clark! Hindi ka ba kakain?!” rinig kong sigaw ng Mama ko sa ibaba.

“Ma?! Hindi po!”

“Ay nako. O, sige, bahala ka. Goodnight, anak!”

“Opo! Goodnight, Ma!” sigaw ko nalang pabalik sakanya.

Tinignan ko yung phone ko. 8:40 pm. Tumayo ako sa kama ko at binuksan yung TV ko para manood.

“Let’s welcome the birthday celebrant! We’re all waiting for this to happen, Yay! The Queen herself, Queen Adreanna Lopez Andrada!”

Napakunot noo ako. Kelan pa nagkaroon ng reyna sa Pilipi—Ah. Ito yung heiress ng mga Andrada. 17 na siya. Mas matanda saakin ng isang buwan. Mag 17 pa lang ako sa April 26, eh. March 26 ngayon kung hindi n’yo maitatanong.

Nakatitig lang ako sakanya. Maganda... pero baka masama ugali. No offense sakanila, ah, pero kasi nababalita na mga tagapagmana ng mayayamang pamilya, eh, kadalasan... medyo sablay sa paguugali.

“Grabe lang, nag 17 lang siya ipinamalita na sa buong mundo.” kumento ko habang pinanonood siyang ngumiti ngiti sa lahat ng tao sa birthday party niya. Parang debut na rin ‘to, eh.

Pero, sabagay... dapat sanay na ‘rin ako sa mga gan’to. Kasi, sa panahon naten ngayon…. Big deal na ang mga heir at heiress. Well, siguro, sa mundo nila. May sariling mundo ang mga mayayaman saamin. 

Ako nga pala si Zebastian Ablasa Clark. Do’n nagmula ang nickname kong ‘Zac’. Astig ‘no. Ito, uunahan ko na kayo, hindi kame mayaman... pero hindi ‘rin kame mahirap. Sakto lang. Average. At uunahan ko na ‘rin kayo? Ayoko makisawsaw sa buhay ng mga mayayaman na yan. Magulo. Masyadong magarbo. At... gwapo ako. HAHAHAHA.

 “Hi Queen A! Pwede ka bang ma-interview? Kahit saglit lang?”

Syempre papayag yan. Publicity nga naman.

“Ay, sure sabe na eh pwedeng pwede.”

“Ayun, sige, upo tayo dito sa throne mo.”

Tumango lang si Quee—ay Adreanna ba? Oo, ‘yun basta, tumango lang siya’t umupo na sila no’ng nagi-interview.

It Might Be You. (KathNiel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon