The Unwanted Wife V. 02

9.8K 120 108
                                    

Justin's POV

Hindi ko na mabilang kung ilang beses sa isang araw kung aking buksan at tingnan ang bawat pahina ng scrapbook na ginawa mo para sa akin. Ang bawat desinyo at estilo ng pagkakagawa nito ay kakakitaan ng pagmamahal, ng pagmamahal na sana'y sinuklian ko agad.

Hindi ko na mawari kung ilang taon na ang lumipas simula ng iwan mo ako, simula noong umalis ka sa mismong araw kung saan sana ay ipagtatapat ko na sa iyo ang buong katotohanan.

Hindi ko na mabilang hindi dahil pagod na ako.

Hindi ko na matandaan hindi dahil nagsasawa na ako.

Hindi ko na kasi nabantayan ang paglipas ng panahon kasi nakakatulog ako, kasi minsan sa sobrang sakit nakakalimot ako. Pasensya ka na. Isa kasi ito sa mga katotohanang hindi ko naipagtapat sa iyo.

Khriestinne, mahal kita. Mahal na mahal kita. Babalik ka pa ba? Babalikan mo pa ba ako? Tanggapin mo pa rin kaya ako? Mahalin mo pa rin kaya ako ? Mahal po ba ako ?

Pinunasan ko agad ang munting butil ng luha na tumulo mula sa aking mata bago pa man may makakita sa akin na umiiyak.

Sawa na akong kaawaan sa loob ng maraming taon. Sawa na akong makita sila mommy at daddy na umiiyak pag nakikita ako. Sawang-sawa na ako.

Tok. Tok. Tok.

Agad akong napabaling sa pintuan dahil sa mahinang katok at kasabay nito ang pagpasok ng 3 tao na nakaputi.

Napa-pikit na lang ako ng mariin ng mapagtanto ko kung ano ang dala ng isa sa kanila. At kasabay ng aking pagpikit ay ang paglakbay ng aking isipan sa nakaraan ...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"You may now kiss the bride.."

Takot ....

Tuwa ...

Kaba ...

Kalungkutan ...

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Ngayong malapit ng magkadikit ang ating mga labi. Ang labi ng babaeng iniligtas ko, ng babaeng palihim kong minahal.

Takot ... Dahil baka masaktan kita. Masaktan kita pag nalaman mo ang katotohanan.

Tuwa ... Dahil sa wakas akin ka na, asawa na kita.

Kaba ... Dahil di ko alam kung paano ka pakikitunguhan. Hindi ko alam.

Kalungkutan ... Dahil hindi pwede na maging masaya ako, hindi pwede kitang mahalin, hindi pwedeng maging selfish ako.

"I don't want you to be my wife!"

Sana noong sinasabi ko sa iyo ito, sana naniwala ka, sana sinunod mo.
Sana gumawa ka ng paraan para di natuloy ang kasal. Sana pinigilan mo.

Kasi ako? Hindi ko kaya. Naduwag ako dahil ayokong e-disappoint ang magulang ko. Natakot ako kasi baka makasal ka sa iba. Ayaw ko, Ayaw ko rin kasi mahal kita, mahal kita dati pa. Kaso di pwede. Talagang Hindi pwede.

Ginawa ko ang lahat para umayaw ka, para umatras ka sa kasal. Di kita tinulungan. Pinabayaan kitang asikasuhin ang kasal mag-isa. Nagpaka gago ako sa pagpili ng wedding dress mo at nagpaka jerk ako sa ating mga wedding rehearsals. Pero ang tatag mo!

Ang tatag mo kasi di ka sumuko, di ka umayaw, di ka nagreklamo. Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa sa tiyaga mo kaso kasi di talaga pwede, Hindi talaga pwede.

Alam ng Diyos Kung gaano ko kagusto maging asawa sayo. Gusto kitang ikulong sa aking mga bisig. Gusto kong hawakan ang kamay mo. Gusto kitang kantahan. At kahit gusto kitang gawan ng isang daang tula ay talagang di pwede.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now