Author's Note: Nagawa ko po ito dahil sa kagustuhan kong makabasa ng one-shot story na gawa ng idol kong writer dito sa wattpad :) Sana po magustuhan niyo at para po ito sa idol ko. Sana po magka one-shot story na siya *namimilit* XD Oh siya enjoy ! Please play the video on the multimedia while reading this :)Story dedicated to idol, ate _Queensy_ Please do visit my ate Reyna's account, you'll surely love her stories :) Magaling at mabait po siyang author Promise :D
Love,
Been_Soon ❤---------------------------
"I do father .."
Akala ko dati sincere ka talaga ng sinabi mo iyon.
Akala ko hindi ka napipilitan.
Akala ko natutunan mo na akong mahalin, na gusto mo na rin ako.
Mali pala ako. Maling-mali. Dinaya lang ako ng ilusyon ko. Pinaasa lang pala ako ng mga AKALA ko.
Justin Pedragosa.
Marinig ko palang iyang pangalan mo dati naiihi na ako sa kilig. Hindi ko na alam kung anong klaseng pagpolbo ang gagawin ko. Natataranta na ako sa paglagay ng lip gloss. Hindi na ako mapuknit sa kakatingin sa salamin..
4 years. 4 years ako naging patay na patay sa iyo. Ayan iyong mga tititigan kita mula sa malayo. Kukuhanan kita ng mga stolen shots. Actually may ginawa nga akong scrapbook para sa iyo.
At saka iyong mga para-paraan moves ko mapansin mo lang. Mga Pabebeng act at kung ano-ano pang kaechosan sa buhay.. Oh Justin.
Tanda mo pa ba kung paano nag krus ang landas natin ? Siguro hindi na. Ganoon naman talaga ang isang tao, kinalilimutan iyong mga walang halaga na bagay sa kanila.
Maaari sigurong wala lang sa iyo ang bagay na iyon pero alam mo ba para sa akin iyon ang isa sa pinakamemorable na pangyayari sa buhay ko.
Muntik na akong maholdap at mapahamak ng oras na iyon, tanda ko pa August 22, 2011, Friday, 6:42pm. Sabi ko sa iyo eh di ko nakakalimutan ang pangyayaring iyon dahil doon kita unang nakita, nang mga panahong iyon naramdaman ko ang mga animo'y paro-paro na nagsisiliparan sa aking tiyan at iyong biglang paghinto sandali ng pagtibok ng puso ko at ng bumalik ay parang abnormal na sa bilis...
Iyon bang habang binobogbog mo iyong holdaper parang slow motion sa paningin ko, parang napagod sandali ang earth sa pag-inog at nagdahan-dahan ito.