"Sino siya? " Tanong ko sa pinsan ko matapos kong panuorin ang isang video ng mga lalaki sa cellphone niya. Hindi ko maikakaila na ang gagwapo at ang gagaling nilang sumayaw pero mas umagaw sa atensyon ko ang isang lalaking matangkad, gwapo, may malalalim na boses a-at pamatay na ngiti. Di ko maalis ang mata ko sa lalaking iyon. Hindi ako fan ng kpop pero? Nagustuhan ko ang grupong yun.
"Ah? Si Kim Taehyung po iyan ate" Nakangiting sagot sa akin ng pinsan ko. Tahong? Talong? Bagoong? Hindi ko alam
"Pakiulit nga Joy" Nakangiti kong utos sa pinsan ko ngayon. Bahagya naman siyang napatawa dahil sa kabaliwan ko.
"Kim Taehyung po" Pagdidiin niya rito. Ah. Kim Taehyung pala. Akala ko kasi Talong eh.
"Ah. Ang guwapo noh? Ang gagwapo nilang pito" Nakikilig na usal ko sa pinsan kong nagpipigil ng tawa dahil sa ka cornyhan ko. Sensya na mga ate, masyado kasing natamaan ng bala este ni kupido tung puso ko eh
"Oo naman ate. Lalo na si Jimin ko" Kulang na lang maglumpasay itong pinsan ko ngayon dahil sa kilig. Aba! Nandidiri sa akin ito dahil ang corny ko kung makilig pero? Mas malala pa pala itong babaeng ito.
"Jimin? Asan diyan? Yung pinakamataas ba? " Tanong ko rito. Di ko naman talaga kilala sila eh. Nakikita ko lang talaga ang mga pangalan nila sa fb.
"Hindi po ate, Si Rapmon po iyang pinakamataas at Si Jimin iyang hot na pandak na lalaking magaling sumayaw. Ayan naman si Suga ang pinakamaputi sa kanila, Ayan si Jhope ang pinakamagaling sumayaw sa lahay, Ayan naman si Jin ang may malalapad na balikat, Iyan naman si Jungkook ang pinakabata sa kanila at iyan naman si Taehyung ang makulit at asawa mo" Nakangiting usal nito. Ah. Masyadong memorasado ko na ngayon silang lahat. At saka itong taehyung na ito. Binabaliw ako eh.
"Haha. Sige ate alis na ako, baka tinatawag na ako ni mommy doon" Pamamaalam nito sa akin. Tumango nalamang ako at ngumite sa kaniya bago siya umalis ay nag fingerheart pa ito sa akin. Naku! Ang babae. Kung ano anong nalalaman.
Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko at ni log in ang account ko sa facebook.
Isenearch ko ka agad ang BTS sa facebook at agaran namang lumitaw ang litrato ng pitong lalaking nakita ko sa video kanina. Shetness ang gagwapo ng mga lalaking ito! Mababaliw ako rito eh. Mabilis ko namang isinave ang picture nila sa gallery ko at isenearch din si 'Taehyung' agad naman lumabas ang isang litrato ng isang lalaking walang ngipin at maitim. Nakita ko pa ang caption nitong 'Ang Kim Taehyung ng Buhay mo' Anak ng! Yakkkkk! Ewwwwww! Ang layo ng itsura. Kaagad ko namang kinancel iyon bago pa ako masuka sa pandidiri doon at nag search ulit ng bago. Wow. Ang g-gwapo! Isang nakangiting lalaki ang nakita ko ngayon. Matangos ang ilong, mahahabang pilik mata, mapupulang labi at mapupungay na mga mata. Isa lang ang masasabi ko 'Perfect' Ang perpekto niya para sa akin. Agaran ko namang isinave ang Picture niya at tiningnan pa ito ng matagal. Tiningnan ko din ang comment section at puro 'Gwapo ng Asawa ko' Gwapo naman babe' at iba pa. Waw ah? Nahiya ako, Ang lalandi para agawin ang asawa ko tskkk. Nawalan naman ako ng gana dahil doon kaya naisipan kong tingnan ulit ang litrato niya sa cellphone ko. Ginawa ko rin itong Wallpaper ko. Di ko talaga maiwasang di mahumaling sa itsura ng lalaking ito. Pinapangako ko sa sarili ko na makakapunta din ako sa korea pag katapos ng pag-aaral ko at makikita kit sa personal. At iyon ang PANGARAP KO.
A/N. Yahhh! Chingussss! I'm so sorry for lame prologue but still sana nagustuhan niyo. Saranghaeyooo! At salamat sa pagbabasa :)
Always don't forget to leave a vote and comment guyseu!
If you have any Suggestion or feedbacks? Just pm me in my fb account.
Fb acc: Kim Vea Mae Esumadia
Thankyou ulit!
