Chapter 3 : ANOTHER ONE

164 33 11
                                    

=====P.O.V of Violet Schade=====

   Nagvibrate na naman an phone ko. Chineck ko ito at oras na para sa 1 hour nap ko. Mas lalo akong naasar. Paano ako matutulog kung andito sa apartment na tinitirhan ko sina Blue, Red at Gray na sa kasalukuyan ay umiinom ng tsaa. Halatang hindi sila komportable sa kinauupuan nila, well, sila Gray at Red. Sanay na rin si Blue dahil sa lagi naman siya rito.  Sa sahig lang kasi at unan lang ang inuupuan nila. Maliit rin lang kasi ang apartment ko at natutunan ko ang space-conserving na style ng mga Japanese. natuto akong maging independent through the years. Nagtaka nga si manang nang mag inquire ako ng apartment dahil wala pa akong 18 ay mag-isa ko nang namumuhay.

   “so, did you make up your mind yet?” tanong ni Gray na nakangiti nang ibinaba ang cup ng tsaa niya na nagbreak sa moment of silence. Nagbuntong hininga ako.

   “bakit nga pala dapat kami lumipat sa inyo?” bagot na tanong ko.

   “dahil masyadong open sa public ang tinitirhan mong ‘to at sa sitwasyon natin ngayon, hindi dapat tayo basta-basta nalang nagtitiwala sa kahit na sino. At least pumili ka kung sa’min or kina Gray ka titira” seryosong sagot ni Red. Lagi nalang seryoso ang isang ‘to. Ni hindi ko pa siya nakitang ngumiti mula nung nakilala ko siya.

   “pero nag advance ako kay manang at binayaran na ang 2 buong taon!” pagrereklamong sagot ko. Sayang naman ang 2 taong binayaran ko ‘no! “tsaka, hindi ba pwedeng kina Blue nalang ako tumira?”

   “kami bahalang kumausap sa landlord rito at Hindi ka pwedeng makitira kina Blue. Dahil pati siya ay kinakailangang tumira kasama mo at ng kung sinong pipiliin mong tirhan -- ”pagpapaliwanag ni Red.

   “hey! Wait up! Walang nagsabing pati ako, kailangang makitira rin sa inyo!” pagsasabat ni Blue at natigilang isubo ang last na toblerone nito.

   “sorry , Blue pero kailangan dahil nakita ka ng mga babaeng ‘yon nuong nakaraang araw at malamang ay isinumbong na rin nila kay Black at pati ikaw ay targetin na rin nila” kalmadong pagkasabi ni Gray. Tama siya. Kawawa naman si best friend, pati siya nasangkot sa kabaliwang ‘to.

  "Ok lang :) maiintindihan naman nila mama at para rin naman kay Vhai ‘to, hindi ba?” nakangiting pagsasang-ayon ni Blue. “so, saan tayo, best friend? Kina Gray o kina president?”

   “uh, please, call me by my name. ‘wag president”

   Napahawak ako sa baba ko at nag isip. Balik-baliktarin man ay mga lalaki parin ang dalawang ‘to at makakasama namin ni Blue sa iisang bahay. Mapagkatitiwalaan ba namin sila?

   “pano kung lumapit nalang tayo sa mga pulis?”

   “trust no one, Ms. Schade. We did that before too and it didn’t end well. The less people  involved, the better.” Nanatiling walang emosyon ang  mga mata ni Red nang magsalita ito at yumuko nalang. Gayun din ang ginawa ni Gray. Ano kayang nangyari nuon? Pero kung masasaktan rin lang sila sa pagkukwento, baka mas mainam nang wag ko nang taungin. “inisip kong baka pwede ring tumira kami sa’yo pero ngayong nakita ko ang liit ng apartment mo, mas magandang ideya ang pumili ka nalang kung kanino ka makikitira”

   Gra-beh ! mang iinsulto pa! sorry naman kung wala akong gaanong pera para makabili ng isang mansion! Tss! “can we at least see both places na pwede naming tirhan?!” padabog kong sabi at tumayo na. tss! Pag ako, nagging successful, makikita niya!

          ==========

   “Ang Laki at ang lawak naman dito!” pakamanghang sabi ni Blue at natigilan sa sneakers na kinakain nito.

MYSTERIOUSLY (temporarily stopped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon