Louise's POV
Nagovernight ako kila Ena para damayan siya sa issue na kinasangkutan niya dahil sa pagtatanggol niya kay Caleb. Im not against naman sa pagtulong niya, eh ang kaso lang sobrang demonyita kasi yung pusit na yun. haystt, buti nalang at medyo breyni ako and maganda nadin hahaha, nakaisip agad ako ng plan para maiwas siya diyan sa issue na yan. Naisip ko lang naman yun, kasi kung makikita nilang may boyfriend si Ena, eh di hindi na nila gagambalain pang asarin at awayin dahil may magtatanggol na sa kanya, kahit sa social media manlang.
paggising namin, nagready na kami para pumasok. Nagluto na si Ena ng breakfast, and ako naman ang nag-ayos sa pinaghigaan namin. nang matapos na kami, nagpahatid na kami sa driver nila sa school.
pagdating namin sa school, malamang sa malamang ay maraming students na pagtitinginan si Ena, and may mga students na nagbubulungan, haysst. mga crab mental at judgemental talaga tong mga hinayupak na students dito.
"Hi miss beautiful, pwede ba akong makasama sa boys collection mo, i want also to go on the mall with you, hahahahaaha." sabi nung lalaking mukhang alien.
imbis na si Ena ang sumagot, ako ang humarap sa lalaki para sa kanya, ", would you mind, no offense a, pero kelan ka pa bumaba dito sa planet earth? tama bang ganyanin mo tong kaibigan ko? according to what you've just said, you're just proving that you are a trash. grabe ganyan na ba mga tao ngayon. mga cancer sa lipunan!? shoo away, at dalhin mo na rin yung UFO mo."
hinila ko na palayo si Ena, mukhang araw araw na namin maeencounter ang ganitong situation. Habang naglalakad, wala akong narinig Kay Ena kahit na iisang salita. The last time na naging ganyan siya eh nung gr.8 kami nabubully din siya nun. I know she has a bit of trauma that time.
Di ko na siya inabala na kausapin pag dating sa room. Kahit na naririnig niya ang mga classmate namin na pinagbubulungan siya, di niya na pinansin sa halip tahimik lang siyang nakikinig sa Prof. Kawawa naman tong bff ko, sa kagustuhan tumulong ayan, I wonder ano na nangyari dun Kay Caleb.
Ena's POV
Hindi ko na magawang magsalita sa mga naririnig ko, pero hindi naman ako nanahimik dahil naiirita ako sa kanila, I'm just finding a way to fix this mess, napansin ko na nakatitig nanaman si Zai sakin. No wonder alam na din niya yung issue. Haysttt.
Pagtapos ng mahabang araw sa school feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa. Niyaya ko si Louise kumain sa labas ng sa ganun mabawas bawasan yung stress. Palabas na kami ng school, nang biglang...
"Uhmmm, ikaw si Ezra right? Ah, ehh, kasi matagal na tayo magkaklase, baka pwede naman tayong maging magkaibigan?"
Whaaaaaaaaat!? Is this for real!? Yung krass ko gusto akong maging prendship? Aykennaaaat! Ano ba zai! Bat ba lagi mo Kong pinakikilig!?
"Ahhh, oo nga eh, pero bakit mo ko gusto maging kaibigan? Narinig mo naman ata yung issue tungkol sakin."
"Ahmm, wala naman sakin yung issue na yun, tsaka alam ko naman yung nangyari that day." ani ZaiHindi ko talaga expected to, grabe di ko alam pero hindi ko alam kung papayag ba ako or papayag ako maging kaibigan siya hahaha, well, baka tong "kaibigan" na to mapunta sa "kai-bigan" who knows!? Hahahaha libre naman mangarap.
"Ahmm, sige Zai, una na kami ha, you can talk to me, but I'm sorry right now, may lakad kasi kami eh, but we're friends naman na. Talk to you sometime :>"
"Thankyouu, hindii sigee okay lang. Bukas nalang ulit bye Ena,"
He wave as we bid our goodbyes that time, I wave back also at him, haystt, hindi talaga ako makapaniwala, hindi kasi si Zai yung tipo nang tao na unang mag aapproach, the way he talks is so cold and professional, nakakapanibagong makita siya na nakikipagkaibigan lalo na sa kagaya ko pa. Medyo nawala ang stress ko dahil may tao pa pala bukod Kay Louise na nakakaintindi sakin sa kabila ng issue, at si Zai yun. Shemsss. I'm so darn inlove na talaga sa kanya.
YOU ARE READING
The Unsituational Love
Teen FictionWhat if one day, magulat ka nalang na yung alam mong dummy account mo lang sa social media, isang araw biglang dumating at magpabago ng buhay mo? Would you still think na dummy account lang siya at imagination lang lahat? Or will you let him be a re...