Ena's POV
Pagtapos Kong hilain si Caleb mula sa pusit na yon, eh nakahinga na din ako ng maluwag, para akong naghahyper ventilate sa mga titig in Zai, sama mo pa ang pamatay taong tingin nung pusit na yun.
"Bat mo ginawa yun? Hindi ka na dapat nakialam eh, madadamay ka lang." Ani Caleb.
"Eh kung hindi ko gagawin yun? Ano? You will just stand there and do nothing? Come on, stand up for yourself!"
"Kapag ginawa ko ba yan lalayuan niya ba ako? Diba hindi? It will only get worse! Pati si dad, madadamay, baka maexpel pa ako dito sa school." Then she leaves me like a bubble that pops out.
Hindi ko na din inabala pang sundan siya at pigilan, sa halip kumain na kami ni Louise at bumalik na sa room. Unang araw palang, nakakabuset na dito.
After class dumiretso ako sa malapit na mall para bumili ng libro and para kumain, nang biglang may mga lalaking nantitrip sakin at kinukuhanan ako ng picture, mukhang schoolmate ko sila at tropa nung pusit na yun, dali dali akong umalis dun at nagtago.
As I get home, wala pa si mama, umakyat na ako sa room ko at nagpalit nang Pj's. Maya maya nagmessage si mama.
From:Mama
"Nak, Baka mga bukas ng gabi pa ako makauwi, so busy kasi dito sa hospital. Kumain ka na at matulog na. Iloveyou."
Replying Mama
"Okay ma, take care. Iloveyoutoo."
Haystt. So again mag isa lang ako dito sa bahay, I choose to open up my account on Facebook. Bakit parang andami ko atang notifs. Halos 1K na ang like ng picture na nakatag sakin.
Wait? Sh*t, ano to!?
Kailah Carlos posted a photo with- Ezra Nicole Alexandria Miller.
"Pabida ng taon si ate oh! Feeling sosyal, so ganda naman pala, daming boys ahh. HAHAHAHA"
fvck, sabi ko na nga ba ehh. Wtf. Kasabwat netong pusit nato yung mga lalaki kanina. Haystt. Sh*t.
Minessage ko agad si Louise, sobrang naiiyak ako sa kahihiyan, for once again, nainvolve nanaman ako sa issue na hindi ko naman ginusto.To: Jarrah Louise Cruz
"Louuuu!? Come to my housee, overnight ka dito pleaseeee. Huehuehuehue."
From: Jarrah Louise Cruz
"Okay, okay, mukhang alam ko na kung bakit, on my way."
Nagpapasalamat nalang talaga ako sa best friend kong to, kahit na medyo maingay, she knows me, the inner me. Wala akong dahilan para made serve ang katulad niya, but I just thank God for giving me a best friend like her.
Pagdating na pagdating ni Louise I can't hide my feelings, I'm not a cry baby, this is the second time na nakita niya akong umiyak, the first time kasi na nakita niya akong ganto eh nung gr.8 pa kami, that time kasi nabubully ako sa school and she's the one who I can only lean on.
"Shhhh, everything will be okay, matapang lang naman sila kasi marami sila and sikat siya. Don't worry, we can think of the way para ma divert agad ang issue na yan."
Nacurious agad ako sa sinabi ni Louise sakin, pano ko idadivert ang isip ng mga tao mula sa issue na to?
"But how, madadivert lang naman to kung di ako magrereact at lalagay ako sa tahimik na buhay."
"That's right, lalagay ka sa tahimik na buhay, and there's only one thing na makakatulong sayo."
"At ano naman yan? Siguraduhin mong hindi illegal yan ah."
"Ano ka ba!? Hindi noh! Gagawa tayo ng dummy account mo, gagawin nating boyfriend mo yun, and pagganun, madadivert na yung issue about sa pic. And mas magfofocus na sila diyan sa so-called boyfie mo."
Minsan di ko talaga maisip kung matino ba mga naiisip neto ehh, pero she has a point, pag may bagong issue kasi mas ifofocus na nila ang paningin nila dun. Hahahha, I guess I had to work on that one.
YOU ARE READING
The Unsituational Love
Teen FictionWhat if one day, magulat ka nalang na yung alam mong dummy account mo lang sa social media, isang araw biglang dumating at magpabago ng buhay mo? Would you still think na dummy account lang siya at imagination lang lahat? Or will you let him be a re...