dedicated to her :)! thank you po sa Cover! ILabsyusomats! :*
------------------
“Eyan!” sigaw niya.
Tumatakbo ako sa gitna ng ulan papalapit sa kanya.
“James!” sigaw ko. Oras na nagkalapit kami, nagkatitigan muna kami.
Ito na siguro ang pinakahihintay kong sandali. Matagal ko ng pinangarap ito. Ako at si James, mahal na mahal ko sya. Mula noon hanggang ngayon sya pa rin talaga.
“Eyan! Mahal kita. Mahal na mahal kita.”
“mahal na mahal din kita james!” may mga namumuong butil ng luha sa mga mata ko.
Lahat ng sakit na idinulot nya sa akin, lahat yun biglang nawala. Napalitan iyon ng pagmamahal. Muli kaming nagkatitigan. Naramdaman kong hinawakan nya ang bewang ko at unti unting inilapit nya ako sa kanya. Muli kaming nagkatitigan sa mga mata. Kitang kita ko na mahal talaga nya ako. Bumaba ang tingin nya sa labi ko at muling ibinalik ang tingin sa aking mata at unti unti naglalapit ang mga mukha namin. Noo sa noo, ilong sa ilong. Una niyang hinalikan ang noo ko, sunod nyang hinalikan ang ilong ko at ang magkabilang pisngi ko. At unti unti inilalapit nya ang kanyang mukha sa akin at konting maling galaw lang ayan na! konting konti na lang… pumikit ako at inantay na lumapat ang kanyang labi sa akin… nararamdaman ko ang hininga nya… at…
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiingg! Kriiiiiiiiiiiiiiiing!!! It’s 5:45 am! Wake up! Wake up! AY SHUTAENA! PANAGINIP LANG PALA! BAKIT!!!! AYUN NA EH! KONTI NALANG! JAMES REID! Ayun na eh! Konti na lang talaga! >.< tsk!
Kriiiiing! Kriiiiiiiin—“OO NA! GISING NA AKO! BADTRIP KA!” sabay pukpok sa Letcheng alarm clock -_______-
“Anak! Ano ba yan! Ang aga aga nakasigaw ka!”
“Wala po Mommy! Bababa na din po ako pagtapos ko maligo!”
Tsk! Bumangon na ako at kinuha ko na yung uniform at towel ko at naligo na ako…
After 20mins. Oo ganyan ako katagal maligo at minsan ng inaabot pa ako ng mahigit kumulang isang oras sa paliligo. Kaya minsan pinapasok ako nila mommy sa loob ng cr -___________-
“oh anak kumain ka na muna..:)”
“ay mommy si daddy po pala nasaan?”
“maagang pumasok sa company eh. Nga pala oh, eto baon mo.” Grabe ang laki ng binigay sa akin ni mommy. Para sa isang lingo, 1,500?
“ahh, mommy, di ba parang ang laki ng baon ko para sa isang linggo?” sabay abot ko nung sobra.
“hindi. Sakto lang yan.” hinalikan nya ako sa noo.
“ay mommy aalis na po ako. Baka malate pa ako eh!”
“ikaw talagang bata ka! O sya yung sandwich mo nandyan na sa bag mo! Ingat anak!”
At umalis na ako. Walking distance lang naman ang bahay at ang school. Ayoko din kasi malate kasi nga ako ang role model ng school namin.
“magandang umaga Ella ” bati sa akin ng gwardya naming
“magandang umaga din po manong G!” nginitian ko din sya
Lahat ng estudyante dito sa school, ay iginagalang ako. Takot lang nila sa akin XD one time kasi may naabutan akong mga grupo ng estudyante na nagkukumplulan.
FLASHBACK!
“wuhuuu!! Yeah! Dun ako sa gwapo!” sigaw nung isang palaka
BINABASA MO ANG
Summers' Infatuation
Ficção Adolescenteshort story based on real life na nilagyan ko ng konting twist, xD.sana magustuhan niyo :) comment lang po kayo :) ^^v