Chapter 5

6.5K 199 37
                                    

Gabrielle

Pagkagising ko nung tanghali, agad akong bumaba para maghilamos at mag-toothbrush; ang gawain ko sa umaga.

Nag-unat ako habang naglalakad palabas ng kwarto ko at pagkababa ko sa first floor, naabutan ko si Taehyung na nagkakape habang hawak-hawak nanaman ang The Fault in Our Stars niyang libro.

"Mukha kang flappy bird!" ayan. Natandaan ko nanaman ang mga sinabi niya sa'kin noon.

Matagal na yun pero hawak parin niya ang librong 'yan? Ganon ba siya katagal magbasa ng libro?

Napa-rolyo nalang ako ng mata at dumiretso sa kusina at binuksan ang ref.

Talong, saging, tirang halo-halo, at icecream. Iyan ang mga pagkain na nasa loob ng ref. Ni wala mang isang pagkain na matino para makain ko.

Napatingin naman ako dun sa lamesa at napairap. Kumulo lalo ang tiyan at ang dugo ko ng makita na wala ni isaang pagkaing nailuto si Taehyung na para sa umagahan.

Sa sobrang inis at gutom ko, inayos ko nalang ang sarili ko at pumunta sa kwarto ko saka nagsuot ng simpleng tshirt tsaka skirt habang suot ang mga puting sapatos ko.

Tinali ko ang buhok ko sa isang ponytail at dali-dali kong kinuha yung bag ko sa kama ko.

Pagkababa ko muli, ay napansin kong tinignan ako ni Taehyung pero iniwasan ko ang tignan siya kasi bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi kaya dali-dali akong lumabas ng bahay habang iniiwasan ang mga tingin niya.

Naglakad ako papunta sa McDo dahil sa gutom, at pagkapasok ko sa loob ng fastfood chain, ay sinalampak ko yung pwet ko doon sa upuan dahil sa pagod at stress.

Ilang minuto din akong nanatili doon habang pinagmamasdan ang kapaligiran ng maramdaman ko nanamang kumulo ang tiyan ko.

At dahil nga sa gutom, tumayo na ako at pumunta doon sa cashier.

"Isang Chickenjoy po, ate." matamlay na sabi ko doon sa cashier.

Mukhang naguluhan ata siya dahil napataas ang kanyang kilay at medyo nagulat siya doon sa sinabi ko.

Ilang segundo ang lumipas at nagkatitigan lang kami nung cashier. Magrereklamo na sana ako kung bakit ganun pero nung pagkakulo ng tiyan ko ng isa pang beses, ay bigla kong narealize.

"H-hala!" sabi ko at medyo naalarma.
"J-joke lang yun, ate! Ano pala..hehehehe. Crispy chicken burger po, McFloat, large na fries, and 1pc. chicken. Hehehehe sorry po." natatarantang sabi ko at agad na nag-abot ng Timezone card sa kanya.

Tinitigan ulit ako nung cashier na para bang tinubuan ako ng paa sa noo kaya napaisip nanaman ako dun sa sinabi ko.

"A-ay!" sabi ko at kinuha yung Timezone card ko at inabutan siya ng 500 pesos.

"Sorry talaga, ate. Lutang ako ngayon eh." pag-explain ko sa kanya at kinuha na yung tray ng mga inorder ko saka naupo.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako ng McDo at naglakad-lakad. Ayoko kasing umuupo pagkatapos kumain. Naiipon ang taba sa tiyan ko.

Habang naglalakad, pinagmasdan ko narin ang kapaligiran ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na grupo sa park na magkakasama.

Nilapitan ko naman sila at nakiupo sa damuhan."Hello!" bati ko.

"Oh Gab! Hello. Ayan ka pala. Sali ka sa'min?" tanong ni Jin oppa.

Tumango nalang ako bilang sagot. "Ano meron?" tanong ko.

"Joke time. Hehehehe." sabi ni Hoseok oppa.

Tumango na lamang ako at naupo. Youngest to oldest daw. So si Jungkook ang una. 

"Okay..Alam niyo yung Theodore?" tanong niya.

"Hindi." 

"DIba yun yung nilalagay sa kili-kili? THEODOREant? HAHAHA!!!" hagalpak niya.

"Corny mo naman Kookie. Haha. Next si Taehyung naman-- ay teka asan si Taehyung?" napatingin naman sila sa'kin.

"Nasa bahay. Wala sa mood." simpleng sagot ko.

"Ah ganun ba..Oh sige ikaw na Jimin." 

"Sige haha..Alam niyo yung In sex?" napatawa naman yung iba maliban sa'kin.

Wala akong alam diyan, promise.

"Hindi." 

"Diba yun yung langgam, bubuyog, ipis, at paru-paro?" tinignan lang namin siya habang sinasabi niya yan.

Lumipat naman sa'kin. "Alam niyo yung grabe teh?" 

"Hindi." 

"Diba yun yung force that causes two particles to pull towards each other? HAHAHA!!!"  

"Omygod! My heart is! HAHAHA!!" sabi ni Hoseok. Haha nakatawa parin sila kahit fail.

Si Namjoon oppa naman. "Alam niyo yung Low feet?"

"Diba yun yung sinasabi pag nakakita ng astig na pangyayari." 

"Ha?"

"Ay ang LOW FEET naman non! Jusko ang slow niyo."

Nagtawanan na lang kami hanggang sa matapos ang araw na 'yon. Jusko andami nilang alam. 

Umuwi ako ng may ngiti sa aking mga labi. Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko si Taehyung nanonood ng TV.

Nang makita niya ako, biglaan niya akong sinimangutan. "Saan ka galing, ha?!" galit na sabi niya.

"Ano ba pake mo? Bitawan mo nga ako." sabi ko at tinulak siya.

Paakyat na sana ako ng hilahin niya ako at tinulak ako sa sofa..

"Ano bang problema mo, Taehyung?!" sigaw ko at nagpupumiglas sa hawak niya.

"Ikaw, ikaw ang problema ko! Saang lupalop ng mundo ka nanaman ba nag-lakwatsa, ha?! 'Wag feeling Dora, oy!" galit na sabi niya.

"Eh ano bang pake mo, Taehyung ha?! Diba wala?!" sagot ko.

"Aba'y sinasagot mo na ako ngayon, ha?!" gigil na sabi niya.

"ANO BANG PAKI MO?! DIBA WALA?! HINDI MO NGA AKO MAHAL DIBA?! HINDI MO RIN AKO ASAWA DIBA?! ANO PA BA TAEHYUNG?! ANO BANG GUSTO MO?! SIGE IBIBIGAY KO. KUNG PERA, PAGKAIN, AT KUNG ANO-ANO PA SIGE IBIBIGAY KO. PARA SA'YO. KASO HINDI KO NA KAYA EH. PAGOD NA AKO. PAGOD NA PAGOD. PAGOD NA AKO SA PAGMAMAHAL SA'YO. PAGOD NA AKO SA PAG-AALAGA SA'YO. FEELING KO NGA MALAPIT NA AKO MAMATAY EH. HINDI KO NA KAYA. GUSTO KO NANG MAWALA SA MUNDONG 'TO. TUTAL WALA NAMANG MAY KAILANGAN SA'KIN..." Ayan na..ayan na ang traydor kong luha..Bumagsak na..

Nanlaki ang mga singkit na mata ni Taehyung at nahimik kaming dalawa saglit. Walang umiimik sa'ming dalawa. Napakatahimik lang namin habang tinitignan ang isa't isa.

Napabuntong-hininga ako at umuwas ng tingin kay Taehyung kasi nakakatakot na talaga yung mga tingin na binibigay niya.

Magsasalita na rin sana ako ng ibuka ni Taehyung ang bibig niya. "Tch. Dramatic. Ewan ko sa'yo, Gabrielle. Bahala ka na diyan." simpleng sabi niya at umirap.

"T-taeㅡ" sabi ko pero biglang naputol dahil inis na tumayo siya at umakyat papunta sa kwarto niya saka ibinalibag yung pinto.

"...s-sorry." nasabi ko nalang.

***

baby shark doodoodooroodooroodoo

Secretly Married  [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon