" Jay naman dapat kumilos ka katulad ni jessa, tignan mo siya napakahinhin kumilos hindi tulad mo na kung maglakad eh tinalo mo pa kuya mo atsaka blah blah blah blah"
yan ang palaging sinasabi sa kanya ng Papa niya, kung sa araw-araw na ganyan na lng palagi ang naririnig niya eh immune na ang tenga niya, hndi na siya nsasaktan sa mga sinasabi ng Papa.
Pagkatapos ng panenermon sa kanya ng Papa niya ay agad siyang pumnta sa kanilang garahe at kinuha ang motor, dumiretso sya sa Park ang lugar kung saan siya ngpapahangin tuwing ganito ang eksena sa bahay nila.
Umupo lang sya sa mga bench doon, maganda ang park kahit gabi dahil maraming ilaw dito, ang lugar na ito ang kanyang outlet sa sakit na nararamdaman niya tuwing pinagsasabihan siya ng kanyang Papa.
Ilang minuto na rin syang nakaupo ng lumapit sa kanya ang isang magandang babae, maputi ito at medyo matangkad sa kanya.
Tumayo siya at naglakad palayo sa babae, pero patuloy pala siyang sinusundan nito, kayat lumingon sya
"Bat mo ko sinusundan, Jessa?"
tanong niya sa babae
Si Jessa ang babaeng palaging ikinukompara sa kanya ng Papa niya, naiinis sya rito pero alam naman niyang wala itong kasalanan kung kinokumpara sya rito ng kanyang Papa, ang gusto lang niya ay huwag itong lumapit sa kanya sapagkat naaalala lamang niya ang mga sinasabi ng papa niya sa kanya.
"ah... ehh"sabi ni jessa na tila naubusan ng mg salita.
"wag mo kong susundan" Cold na sabi ni Jay sa kanya.
Agad na naglakad si Jay patungo sa kanyang motor at pinaharurot ito
Pumunta sya sa Sports Center, at doon na lamang nagpahangin, umupo siya sa mga bleachers doon.
Lingid sa kaalaman ni Jay ay sinusundan pala siya ni Jessa
ano bang problema niya
tanong ni jessa sa isip niya
Tatlong oras na ang nakalipas ngunit nakaupo pa rin si Jay sa bleachers.
ala una na ng umaga, wla ba siyang balak umuwi?
tanong ni jessa sa utak niya
Ilang sandali pa ay tumayo na si Jay at pumunta na sa kanyang motor
hayy, buti naisipan niya ng umuwi
sabi ni Jessa sa sarili niya
Agad namang naglakad si Jessa upang sundan ulit sana si Jay ng aksidente nyang nasipa ang lata ng coke na nagbigay ng ingay na tumawag ng pansin ni Jay
" Bat mo ko sinundan?!"
inis na pagkakasabi ni Jay at naglakad palapit kay jessa
"ah ano kasi..." wala nanaman siyang masabi
bat ba palagi na lang akong ganito tuwing kausap siya?
"umuwi ka na" cold ulit na pagkakasabi ni Jay
"b-bkit uuwi ka n-na rin ba?"
finally may nasabi din ako
hindi siya nito sinagot at hinila na lang siya papunta sa motor nito
"sakay" maowtoridad na sabi ni Jay
"ehh, iuuwi mo k-ko eh"
"sakay" ulit pa nito
"ehh" parang batang pakakasabi ni Jessa
"sasakay ka ba o Isasakay pa kita?"
halata sa boses nito ang inis at nakakunot na rin ang noo nito
Wala ng nagawa c Jessa kundi ang sumakay sa motor ni Jay.
Inisuot sa kanya ni Jay ang helmet atsaka sila umalis
Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harapan na sila ng bahay nila Jessa
"Baba" sabi ni Jay
"Baba ako kapag nangako kang uuwi ka na" mapanghamong sabi ni Jessa
"Baba" ulit na sabi ni Jay
"Mangako ka muna" Jessa
"Bababa kaba o hahalikan kita"
Jay
agad namang bumaba si jessa sa motor
baba rin pala kailangan pang takutin eh
"pumasok ka na"
ang huling sinabi ni Jay tsaka umalis
NapakaCold niya talaga kahit kelan
atska siya pumsok sa bhay nila.
-------------------
Nkarating na rin si Jay sa knilang bahay, hndi na niya inaasahan pang naghihintay ang kanyang Papa sa kanya dahil prang wala namn itong pakialam sa kanya.
Pumasok na siya sa bahay nila, kumain at natulog
--------------
A/N: Thanks for reading
![](https://img.wattpad.com/cover/17026822-288-k405895.jpg)
BINABASA MO ANG
Compared To You (gxg)
RomancePano mo pakikisamahan ang taong palaging ikinukumpara sayo? Na dapat siya ang tularan mo Na dapat maging katulad ka niya Na dapat umasta na katulad niya Pano kung makasama mo siya sa isang bubong Anong gagawin mo?