⚠Death 9⚠

12.2K 202 85
                                    


O l d   M e m o r i e s

Jocelyn's P🚫V∞

Maaga kaming dinismissed ng Professor namin dahil may meeting sila ngayon, mga 10 o'clock pa naman ngayon kaya nagpasya muna akong maglakad-lakad sa paligid, syempre sinama ko si Lexa na maglakad-lakad and she agree naman.

"Lexa, okay ka lang ba kahapon? Anong story, kwentuhan mo naman ako kung ano ang nangyari kahapon while wala ako sayong tabi." paninimula ko rito, nag-open ako ng topic kasi nga ang boring hindi ba?. Hindi mainit ngayon kaya ang presko ng hangin.

"It's long-long story." aniya.

"Mas maganda para pampalipas oras narin kaysa parati tayong nakatotok kung saan-saan, kwentuhan mo na ako total ang bored ngayon kaya handa akong makinig sa long-long story mo na'yan." akala mo ha, Ms. Talkative yata 'to.

Tignignan niya ako ng nakakaloka at tumingin lang ako sa kanya na may tanong na 'What?'  Kaya a'yon na nga, kinuwento niya na sakin ang lahat, iwan ko kung lahat na ba'yon.

Ang lucky niya, ka dormmate niya pa si Crush Bryson ko, naiingit tuloy ako sakanya. May inis rin pero dapat akong magcontrol sa sarili ko baka mag-away pa kami ni Lexa dahil lang sa isang lalaki at ayokong mangyari 'yon no! Hindi rin ako tulad ng iba diyan na makipag-away para sa lalaki. 

Sana naman mapansin rin ako ni Bryson, para kasi akong isang multo na hindi niya makikita at mapapansin.

Kinuwento niya rin 'yong hinahabol sila ng babae, lagot may po-problemahin na naman siya. Hindi magsitigil ang mga babae dito kapag hindi nila makuha ang gusto nila but except me dahil transferie rin ako noong Grade 9 at nakapasok na ako sa ibang school na ang mga asal ay hindi ganito. Nakapag try narin ako na may kaibigan na katulad ni Lexa, pero iniwan niya lang ako namatay siya sa depression niya.

Natagpuan lang siyang patay sa Dorm niya, iwan ko ba kung ano ang denidepress niya dahil sabi naman ng Mom niya na wala naman silang masamang ginawa sa kanilang anak kaya ayon para naring nababaliw ang kanyang Mom dahil hindi makatanggap na nawala ang nag-iisang anak niya, ako rin no'n ay tulala lang at hindi makapaniwala. Pero may napapansin ako sakanya noon, araw-araw parang may binabantayan siya kaya kapag lumapit siya sakin ay tumatakbo na lang siya palayo.

Kaya nakaramdam ako ng inis no'n kasi hindi niya ako papansinin imbis na pumansin at ikwento kung ano ang problema niya ay lumalayo pa siya sakin, kaya araw-araw no'n hindi ko na rin siya pinapansin at may isang pagkakataon na lumapit siya sakin at nanghihingi ng tulong, may mga malalaking eye bugs na siya, parang walang tulog kaya nagtaka na talaga ako sakanya.

Nanghihingi siya ng tulong sakin na parang iiyak na, handa akong makinig no'n pero bigla na lang siya may tinignan at pumormal na parang walang nangyari, at sinabi na agad niya sakin na wala at tumakbo na siya. Kainis man pero 'yon na ang last word niyang sinabi sakin pero kina-kalimutan ko na 'yon.

"Are you okay Josh?" Natauhan ako dahil sa boses ni Lexa, nagtataka yata siya.

"I'm okay why?" Sagot ko naman dito, may pinahiran siya sa pisnge ko gamit ang kamay niya.

"Umiiyak ka, bakit? May malungkot ba sa mga sinasabi ko na kailangang iyakan?"

"No, may nagflash-back lang sa isipan ko... Those memories when I'm Grade 9." pinahiran ko ang mga luha ko, hindi ko kasi napansin 'to.

High School Death: Who Are You?✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon