One

1 0 0
                                    

Troy's POV

After 1 year.

Gumuho ang mundo ko nang mangyari ang hindi ko inaasahan.

Hindi inaasam na sa isang pangyayari ay mangyayari.

Wala na akong parents. Nandito ako ngayon sa puntod nila umiiyak. Kasabay kong umiyak ang langit na para bang malungkot din.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Na-bankrupt ang negosyo nila Mama at Papa.

Nag-iisa nalang ako ngayon at walang karamay. Walang kaibigan na hihingian ng tulong.

May konti akong naipon dito at satingin ko para lang iyon sa pang-upa ng bahay.

"Ang daya niyo talaga." Sabay yuko mo sa maleta ko.

"Dapat isinabay niyo na lang ako para di ko maranasan ang maghirap." Sumbat ko sakanila.

Halos isang oras kong iyak sakanila napagdesisyunan ko ng maglakad dahil lumalakas na ang ulan.

Maghahanap pa ako apartment para sa sarili ko at maka hanap ako ng trabaho.

Sakto may nakita akong malapit na apartment na para bang hulog ng langit.

"Miss for rent?" Sabi ko sabay punas ng mukha ko.

"Yes Sir." Nakangiti niyang sabi.

"Isa nga Miss please."

"500 down payment and kada buwan 3 thousand." Sabi niya.

"O-okay." Naguguluhan kong sagot.

Sana magkasya tong pera ko. Kinuha ko na ang susi at nagtungo ako sa 3rd floor dahil doon ako inasign.

Paglapag ko ng maleta ko binuksan ko na agad itong laptop ko dahil napag-alaman kong free wifi dito sa apartment na to.

Maganda naman yung apartment. May bintana na may kurtina na agad na pwede kang magemote kung gugustuhin mo.

May kama na pwedeng pang dalawahan at sobrang lambot nito.

May sarili ring comfort room at ang ganda ng ambiance kahit mag-isa ka lang.

Overall clap clap champion tong apartment na nakuha ko.

At buti na lang at marami akong gamit pang hanap ng trabaho.

At buti gumagana tong laptop na to.

Ina-attached ko na tong name ko sa may resume ko at tinype Troy Greyson.

Halos dalawang oras ko inayos tong resume ko dahil sa sobrang dami kong awards. Halos ten papers ang resume ko.

Naghanap ako sa isang website na pwede ko munang pagtrabuhan pansamantala.

Itong Burger Queen naghahanap sila ng crew. Pinindot ko yung apply then submit ng resume ko.

Ito pang Moonbucks naghahanap sila ng taga cashier. Nag-apply din ako.

Ito pang TG coffee shop. Ang ganda lang ng name kasi acronym siya ng name ko. Troy Greyson, well buti naghahanap din sila ng crew. Dali dali kong pinindot ang apply.

Biglang may nagnotif sakin na ang Burger Queen at Moonbucks ay dinecline ako, pero ang TG coffee shop ang nag-iisang tumanggap sakin.

Nakatanggap ako ng email nila na pinapapunta nila ako sa main branch nila at i-interviewhin daw ako ng boss nila.

"YEEEEEEEEEEES!" Sigaw kong malakas at nagtatalon sa sobrang saya.

"ANG SWERTE KO MOM AND DAD I LOVE YOU PO!!" Sigaw ko pa.

Marami palang branch tong TG coffee shop at sikat siya sa buong Pilipinas kaya di ako makapaniwala sa nangyayari.

Siguro mataas ang sweldo ko dito. Sa interview pa malalaman ang mga tungkol sa trabaho ko.

Excited na ako para bukas dali dali akong naligo para matulog na.

Pinatay ko na yung laptop ko at sabay hinalikan ito.

"Thank you din laptop." Itinabi ko siya sa may malapit sa may desk katabi ng kama ko at pinatay ko na ang ilaw.

Nagsign of the cross ako. "Sana swerte pa din ako bukas at magpakailanman."

Fighting!

Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon