Two

0 0 0
                                    

Troy's POV

Maaga akong nagising dahil excited ako sa unang interview ko with my boss.

Bumangon ako ng 6:00 dahil 8:00 pa naman ang interview ko sakanya. Buti na lang may stock na itlog dito sa refrigerator dahil ganun daw sa apartment na to.

Nagligo muna ako pagtapos kumuha na ako sa maleta ko ng damit na ipang aawra ko sa boss ko. Joke lang!

Kinuha ko yung longsleeve na pang formal na kulay puti at pantalon na pinarehasan ko ng sapatos.

Awrang awra na ako today hahaha.

Tinuloy ko na ang balak kong magluto para sa umagahan ko. 7:00 na matapos kong maligo at magluto at ready to eat na ako.

'Yumerz kain tayo' sabi ko nalang sa isip ko. Adik kasi ako sa vlog ni Ate Charon na pinapanood ko sa youtube.

Nakakaingget nga dahil nakakapunta siya ng Japan at South Korea na gustong gusto ko ring puntahan.

Pagtapos kong kumain naghugas na ako ng pinagkainan ko at nagsimula ng maglakad.

Umalis ako ng bahay exactly 7:30 so I have 30 minutes more to go to the interview.

Sana lang hindi ako malate para hindi bawas points at para matanggap na rin ako.

Sumakay ako sa bus papuntang TG coffee shop dahil isang bus lang naman yun sa bahay ko.

Buti nga malapit lang para hindi dagdag pamasahe dahil gipit ako ngayon lalo na wala pang kasiguraduhan tong trabaho ko.

7:45 na at pawis na pawis na ako dahil sobrang kinakabahan na ako. Baka ma late ako.

Baka magaya ako sa mga teleserye na nalelate sa trabaho tapos matatanggal. Naku! Wag naman sana mangyari sakin yon.

Nakahinga ako ng maluwag nang bumaba ako sa bus dahil 7:55 na. Nakita ko na agad ang main branch ng TG coffee shop at agad pumasok.

May lumapit na babae sakin. "Hello Sir what can I do for you?" Ngiti niya ng sobrang laki.

"Ummm I'm Troy Greyson. I'm the one who sent the resume." Aba, di ako papatalo sa english niya ah.

I graduated with flying color kaya. Hmp!

Nilibot ko ang paningin ko sa buong coffee shop at sobrang ganda nito.

Pagpasok mo palang ang ganda na agad ng ambiance na pupuna sayo.

Yung aroma ng kape na nangangamoy sa buong paligid sobrang bango na kumulo nga stomach ko dahil sa bango.

Pagpasok mo dito sa shop litaw na litaw agad ang naglalakihang chandelier at sobrang kinang nito na para bang nililinis kada araw.

Hindi ko mapigilang mamangha ng biglang may tumapik sakin. "I'm sorry to say that na maghihintay muna kayo ng 30 minutes because our big boss is on the meeting." Sabi nung babae sabay turo nung sofa na paghihintayan ko.

Nginitian ko nalang siya ng bahagya at umupo na sa sobrang lambot na couch. Grabe pati ba naman itong sofa napaka ganda at lambot.

Sobrang yaman siguro ng may-ari nito at ganito kabongga ang mga materyales na ginawa para sa shop niya.

Hindi ako magkandamayaw sa isang tabi at nilibot ko pa ang mata ko. Habang naglilibot ako may nagsalita sa gilid ko.

"Hello again Sir, sa loob daw pala kayo maghintay sa big boss namin." Yung babae nanaman.

"Saang loob?" Takang tanong ko.

"Ummm sa loob po ng office niya." Sabi niya sabay walk out.

Ito na ata papunta sa office niya. Nasa harap ako ng magandang hagdan at aakyat na ako para makapunta sa office niya.

"Big Boss Room." I said out of nowhere. So eto na nga. Eto na yung room ng big boss ng TG coffee shop.

Dahil wala pa naman yung big boss pinihit ko na ang pintuan at pumasok na.

Ang ganda ganda ng buong kwarto. Parang mansyon siya sa sobrang lawak.

Dahil masyado akong curious nag-ikot ikot ako sa buong kwarto ng big boss at pinagtitignan ang mga picture frames na naka display doon sa desk niya.

Para familiar sakin tong taong to. Para nakita ko na siya. Pero hindi ko lang alam kung saan ko na siya nakita.

Baka artista ang may-ari ng coffee shop na to or di kaya hollywood superstar?

Titingin pa sana ako kaso "Hello.. Troy."

Paglingon ko sa may bandang pintuan kung sino ang nagsalita.

"I-IKAW?!" Sabi ko at lahat ng nangyari nung isang taon ay bigla kong naalala.

"Yes darling." He wickedly smiled at me.

Fvck!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon