Kabanata 4 - new vampire student in school

16 2 2
                                    

Alexander Pov

Ting...! Ting....! Ting...! Time na. kaya mabilis na akong pumasok sa silid aralan namin. As usual pagkapasok na pagkapasok ko ang iingay ng mga kaklase ko. Wala pa kasi ang guro namin. Kaya na upo na lang ako sa tabi ng transferee student na kinaiinisan ko.

"hey guys. Narinig nyo ba ang balita kahapon sa t.V.? na my isang bampirang kinagat sa leeg ang isang patay na lalaki kaya muli itong na buhay?.. tanong ng isa kong chinitang kaklase na si veronica

"uo. Nanood ako ng balita kahapon. Nakakatakot talaga ang mga bampira. Sagot naman ng isang baba-e kong kaklase.

"uo nga nakakatakot. Kaya nga hindi na ako pinapayagan ng mommy kong lumabas sa bahay namin kapag gabi. Sabi naman ng isa ko pang babaeng kaklase

"hey ! guys nakakatakot talaga ang mga bampira. Pero pa-ano kaya natin malalaman kong ang isang tao ay isang bampira? Diba ang mga bampira ay nag didisguise bilang isang normal na tao.? Grabi nakaka takot. Pa ano kaya kung my kasama tayong bampira dito sa ating silid aralan at nag disguise lang bilang isang normal na tao at kaklase natin.sabi naman ng isa kong matabang kaklase na si anica.

"hoy ! huwag naman sana. Dahil kong hindi sigurado ikaw ang una nyang kakainin. Kasi ang taba taba moh. Hahahhahah sagot naman ng isang lalaki kong kaklase

"hey ! huwag ka ngang mag biro ng ganyan. kung my kaklase man tayo ditong bampira. Mag tatransfer ka-agad ako. Ayoko pang mamatay noh.

Nag tawanan naman ang buo kong kaklase. Ngunit na pansin ko na ang katabi ko sa upo-an na si Mysterius girl. Mysterius girl na ang tawag ko sa kaklase kong transferee student na si shanaiah rhain ericin Rivera kasi ang weird nya. at ngayon tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ng kaklase namin. At wala man lang siyang kareareaksyon.

"hey! Mysterius girl. Anong masasabi mo sa balita kahapon? Nanood ka ba ng news? Tanong ko sa kanya.

Ngunit deadma lang siya. Hindi man lang nya ako tinitigan.

"Hey girl! Tinatanong ka ni alex? Hindi ka man lang ba sasagot?abah hindi pweding hindi ka sumagot. Class president natin si alex at Top 1 sa klase si alex. Kaya nga tinawag siyang Mr. Genius at walang kahit sinuman ang pweding man deadma sa kanya. sabi naman ni chloe fuentes ang top 2 ng klase namin. Na patay na patay sa akin

Pero deadma pa rin siya

"uo! Nga. Hoy babae. Sumagot ka. Bingi ka ba? O nag bingibingihan ka lang. alam nyo ba my kasalanan pa siya ky alex. Sinabihan nya si alex nong isang araw sa canteen na mabaho. Akala mo naman kong sinong maganda at mabango. sinipa naman ang upo-an nya ng kapatid ni chloe na si Samantha.

"ay!uo nga. siya nga yon. nakita ko rin yong ginawa nya kay alex sa canteen nong isang araw. Feeling naman ng babaeng toh kabago bago akala mo kung sino kung makapanglait ky papa alex. napansin ko kanina pa siya tahimik at nakikinig lang sa usapan ng mga kaklase natin at wala man lang siyang ka reareaksyon siguro isa siyang bampira. Sagot naman ni andrea bestfriend ni chloe

"uo nga baka bampira siya.kaya hindi siya nag rereact. At saka sobrang tahimik nya bagay nga sayo ang tawag ni alex na mysterius girl. I check nga natin baka bampira siya. Sige tayo. Hinawakan naman siya ni chloe sa kamay at pilit pinapatayo.

Tatayo na sana ako sa kinauupo-an ko at akmang aawatin sana si chloe ng my bigla na lang sumolpot sa harapan ko at ang ikinagulat ko ay kilala ko ang lalaki. si kenuri. Pinsan ko. Ay hindi pala. Kasi hindi ko naman tunay na ama ang husband ng mommy ko ngayon. Anak si kenuri ng kapatid ng stepdad ko.at hindi ko alam kong bampira din siya o hindi dahil lumaki siya sa amerika. at isang beses ko lang siyang nakita dito sa pilipinas nong ikinasal si mommy sa stepdad ko. Akala ko nga nasa amerika siya ngayon at ang ipinagtataka ko kung bakit nandito siya ngayon sa school namin. At hinila nya pa palabas ng classroom si mysterius girl. Hindi ko alam kong bakit magkakilala sila. Maybe dahil pareho silang galing sa amerika.

Narinig ko namang nag bulong bulongan ang mga kaklase ko.

"sino yon?... enfairness ang gwapo nya ha.

"baka naman boyfriend ni Mysterius girl.

"hindi siguro. Ang Mysterius girl na yon my boyfriend? Pero yong lalaki ngayon ko lang siya nakita dito sa school.

"baka freshmen kaya hindi natin napapansin. Pero ang gwapo nya ha.

Tumayo ako at sumigaw. Pwedi bah tumahimik nga kayo. Ang ingay ingay nyo. Hindi ko alam kong bakit ako nagagalit at sumigaw ng marinig ko ang bulong bulongan ng mga kaklase ko na baka boyfriend ni mysterius girl si kenuri na bigla na lang sumolpot kanina sa harapan namin. Sakto namang dumating ang teacher namin.

"Good morning class! Nga pala my bago kayo ngayong kaklase. Mr. Buenavista pls. come-in and pls. introduce your self.

Sabay namang pumasok ang lalaking biglang sumolpot kanina sa harapan namin na si kenuri at si Mysterius girl. Umopo naman si mysterius girl sa tabi ko. At nag paiwan sa gitna si kenuri para mag pakilala.

"Good morning guys. I'm Jeaven kenuri Buenavista. You can call me kenuri.Transferee student from University of Amsterdam. Pamangkin ako ng may-ari ng school na toh na si aridorn buenavista. Nice to meet you all.

Nice to meet you kenuri. Ang gwapo mo. Nga pala girlfriend mo ba si Mysterius girl ahmmm I mean ni shanaiah rivera? Tanong naman ni chloe.

"hindi. Manililigaw nya ako. Sagot naman ni kenuri, na ipinagtataka ko. Kung bakit sila magkakilala

Nag bulong bulongan naman ang mga kaklase ko. At hindi ko alam ba't naiinis ako sa sagot ni kenuri

"okay class tahimik. And Mr. buenavista pwedi kanang umopo dito sa harapan.

"maam okay lang ba. Don ako umopo sa likuran ni Ms. Shanaiah Rivera?

"okay please sit down.

At nag simula na ang klase namin.

My Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon