Kenuri POV:
Maaga akong pumasok sa school namin para makita si shanaiah. At eksato namang pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin bagong dating rin si shanaiah. Nag madali akong lapitan siya nang tahimik at inilagay ang dalawa kong kamay sa mata nya.
"Guess it! Kung kilala mo ako. Sabi ko sa kanya at iniba ko ang boses ko para hindi nya ako makilala
"Kenuri? Hahahha..
"pa-ano mo na laman na ako toh? Kinuha ko naman ang dalawa kong kamay na nakatakip sa mga mata nya
"hoy! Kahit takpan mo pa ang mga mata ko at ibahin mo man ang boses mo. Malakas kaya ang pang-amoy ko kaya makikilala at makikilala pa rin kita. Kilalang kilala ko na yang amoy mo hahahha
Natawa naman ako sa sinabi nya. hinawakan ko ang kamay nya.
"talaga ha. Kilala mo na ang amoy ko. eh ikaw.. subukan nga kitang amoyin at para makilala ko rin yang amoy mo. Ahahah. At akmang aamoyin ko na sana siya sa leeg nang my biglang mag salita.
"Bitawan mo ang girlfriend ko. sabi ni alex sa ma awtoridad na boses at mabilis na hinila si shanaiah palayo sa akin.
Gulat na gulat ako sa sinabi ni alex at eksakto namang nakapasok na lahat ng mga kaklase namin sa loob ng classroom namin nang sabihin ni alex ang relasyon nila ni shanaiah. Nag bulong bulongan naman ang mga kaklase namin sa narinig nila kay alex. Tinitigan ko si chloe na nandoon din nang sabihin ni alex ang tungkol sa relasyon nila ni shanaiah. Gulat na gulat din si chloe at nanlolomo ang mga mata. Mabilis akong lumabas nang classroom namin para pumunta sa ground ng school namin. Sinundan naman ako ni shanaiah.
"Kenuri...! Wait...! Kenuri sandali lang... Hintayain mo naman ako oh... magpapaliwanag ako sayo.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si shanaiah.
"magpapaliwanag? Bakit ano pa bang dapat mong ipaliwanag shanaiah? Eh alam ko naman na sa simula pa lang na gusto mo na si alex. Diba inamin mo pa nga yan sa akin kahapon. Gusto mo si alex at gusto ka rin nya kaya hindi na yan Malabo na magiging kayo. Ang kina-iinisan ko lang. shanaiah, kaibigan mo ako tapos ky alex ko pa malalaman na kayo na. at isa pa shanaiah ilang araw mo pa lang nakikilala si alex. Hindi mo pa nga siya lubosang kilala at hindi ka pa nga rin nya kilalang mabuti, maliban na lang kong pati ang toto-o mong pagkatao ay ipinagtapat mo na sa kanya. Bakit shanaiah alam na ba ni alex na isa kang bampira at bawal kang umiibig sa isang mortal? kaya pumayag kang maging girlfriend nya?dahil pakiramdam ko hindi pa alam ni alex ang tunay mong pagkata-o at batas ng mga bampira. pa-ano na lang kung malaman ni alex na isa kang bampira at hindi nya matanggap at bigla ka na lang nyang iwanan sa ere. Makakaya mo ba? Shanaiah ayaw kitang masaktan dahil sa alex na yan. At saka shanaiah handa ka na ba sa maaring mangyari sayo kapag nalaman ito ng punong ministro na umiibig ka sa isang mortal?
"kenuri..oo tama ka hindi pa nga nya alam na isa akong bampira. pero kenuri mahal ko si alex kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala at kapag nalaman man ito ng punong ministro gagawin ko ang lahat para ma protektahan at maging Masaya ang relasyon naming dalawa. Nag hahanap lang ako nang tyempo para sabihin sa kanya ang toto-o kong pagkatao. Basta ang importante sa ngayon Masaya ako sa piling ni alex at susulitin ko ang lahat nang oras habang nasa tabi ko pa si alex dahil baka balang araw hindi nya na ako matanggap at tuloyang lalayo-an kaya sana kenuri intindihin mo na lang sana muna ang nararamdaman ko ngayon para kay alex.
"o sige ikaw ang bahala kung yan ang decision mo.wala naman akong magagawa naka pag decision kana. Pero subukan lang nang alex na yan na sakatan ka at hindi ako magdadalawang isip na pagbayarin siya. Sige na bumalik ka na sa classroom at magpapa hangin lang ako.
Pagkatapos kong sabihin yon kay shanaiah umalis na ako. Hindi na ako pumasok sa klase ko.
Lumabas ako nang school namin at pumunta na lang ako sa isang tindahan ng mga cellphone. Para bumili nang bago kong cellphone.pagkapasok ko sa tindahan ng mga cellphone tumingin tingin ako sa mga cellphone na naka display at nang may makita akong isang latest at magandang cellphone akmang hahawakan ko na sana nang my biglang kumuha nito. At nang tingnan ko ang kumuha nang cellphone titig na titig ako sa kanya.
"Chloe? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko kay chloe Fuentes ang kaklase kong hinahanga-an ko. maganda kasi si chloe kahit mataray ito at type ko siya kahit lagi nyang inaaway si shanaiah at kahit my gusto siya kay alex.
"bumibili nang cellphone. Bakit bawal ba akong pumunta dito? Bakit sayo ba tong store na to? Ikaw bakit ka nandito.?sunod sunod na tanong nya sa akin.
"syempre bibili rin ng cellphone. Pero teka huwag mong sabihin yan din ang cellphone na bibilhin mo.?
"oo bakit? My problema ba?
"oo meron eh ako ang unang naka kita nyan eh.
"eh. Ako naman ang unang naka hawak nito. So akin toh. Atsaka wala na akong cellphone na magamit dahil sinira ng shanaiang yon. diba kaibigan mo si shanaiah?
"uo. Kaibigan ko siya. Ok sige ibibigay ko na lang sayo ang cellphone na yan at ako na ang magbabayad. Diba sabi ko sayo gusto kita kaya regalo ko na yan sayo. Hahahha. Sabi ko sa kanya at halatang namumula naman siya
"ha?ahmmm okay thanks.
"nga pala. Yong toto-o ikaw yong my gawa nong about sa nangyari sa cellphone mo ano? Kayo nang kaibigan mo at si shanaiah lang ang pinag bintangan nyo. Umamin ka. Masama akong magalit lalo na't isa akong bampira.
"ha? Uo sige aaminin ko sayo pinagplanohan yon namin ng kapatid ko at bestfriend ko. pero pls. huwag mong sabihin ky shanaiah pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa kanya at promise magpapakabait na ako. Hindi ko na sya aawayin. Huwag mo lang akong saktan
hinawakan ko naman ang kamay nya at niyakap siya at nagpanggap na parang kakagatin ang leeg nya.
"huwag... huwag mong gawin sa akin toh. Takot na tako siya
"hahaha...natatakot ka? "natawa ako sa naging reaction nya
'huwag kang mag-alalala hindi kita kakagatin, kahit bampira ako hindi kami sumisipsip nang dugo nang isang tao kahit ga-ano pa ito ka bango para sa amin. Atsaka sabi ko diba sayo gusto kita.
"huwag mo nga akong biru-in nang ganyan. At hindi ako natatakot sa'yo.
Matapos kong bayaran ang cellphone na ibinigay ko ky chloe. Sabay na kaming umalis ng store. Nang biglang tawagin ako nang may-ari nang store.
"ahhmm. Excuse me sir!
Sabay kaming lumingon ni chloe sa may-ari nang store
"bakit? Tanong ko sa may-ari
"Sir naghahanap kami dito nang part-timer bilang model sa mga products naminbaka gusto mo mag apply. Ang gwapo mo kasi. Sabi nang may-ari
"sandali lang ha magpapa-alam muna ako sa girlfriend ko. sagot ko sa may-ari at tinitigan si chloe. Namula naman si chloe.
"sabihin mo sa kanya na bampira ako. Bulong ko ky chloe.
"ahmmm okay payag ako para ma idisplay naman tong mukha nang boyfriend ko sa store nyo. Natatawang sabi ni chloe sa may-ari
Inis na inis ako sa sinabi ni chloe. Pero hayon tinanggap ko na rin yong offer sa akin nang may-ari at mag sisimula na raw ako bukas. Naka ngiti naman kaming dalawa ni chloe na lumabas sa store.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Girl
VampireThis story is about a girl who is hiding her true identity as a Vampire. Her goal in life is to finish her study and to live as a normal person. But everything change when She fall inlove to a guy who is a campus heartthrob at kilala bilang si Mr...