A/N: hi guys! Yung story pong ito ay medyo naka-focus kay Grae at Avery. Pero wag po kayo magalala, meron rin naman po sa iba :-) Thank you nga rin po pala sa mga nagbabasa! Sana po magustuhan niyo!
_____________________
"Grabe talaga yun! Ilang beses kumaway sakin si Nash!" Fame
"Wala ka, nag-flying-kiss sakin si Brace!" Brianna
"Nayakap ko si Joaquin! Wala kayo!" Mitch
Napaharap naman sila sakin na para bang hinihintay nila ako magsalita. Eh yun nga, magsasalita na sana ako pero bigla naman nila akong inunahan
"Omygosh! Nakapartner ko si Grae kanina!" Brianna
"Waaah! Inakbayan niya ko!" Mitch
"Nag-heart heart kami ni Grae kanina. Grabe! Kakilig noh?" Fame
Natawa naman silang lahat kaya tinarayan ko. Inunahan ako sa lahat ng sasabihin ko eh. Nandito kami sa Mcdo ngayon. Tambay, kain at kwentuhan lang.
Bigla namang nag-ring yung phone ko, "Si mama" sabi ko sakanila sabay sagot
"Oh ma?" pambungad ko sakanya
"'Nak, kwento mo na. Tapos na ko sa greenhouse" kinwento ko halos lahat kay mama at pinagtitinginan na ko ng mga tao dito dahil sobrang ingay ko. Sila Fame, nahihiya pa dahil sila rin pinagtitinginan pero sus! Ganyan rin naman sila eh. Haha!
"Nako anak, ganyan na ganyan rin ako sa mga idolo ko dati!" sabi ni mama sa kabilang linya
"Wala eh, mana mana lang ma!" tumawa kaming dalawa ni mama pero may bigla bigla na lang sumigaw sa may entrance ng Mcdo.
"NANDUN SI JOAQUIN" tapos tinuro niya. Nagsigawan naman ang mga tao at nagtatatakbo sa labas
"ANO DAW? SI JOAQUIN?" tumakbo naman si Mitch sa labas habang sumisigaw. Bigla namang tumakbo rin sila Brianna at Fame, kaya naiwan ako mag-isa
"Teka anak, ano nangyayari diyan?! Ba't nagsisigawan?!" sabi ni mama na may halong kaba ang boses
"Eh, ma, mamaya na lang. Bye, love you!" hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at tumakbo palabas
Ay, teka! Mga gamit namin! Hindi ko alam kung papasok ba ko para kunin ang mga bags namin, pero napagpasyahan kong wag na lang at tumakbo papunta kay Brace. Nagpapicture ako sakanya, pati na rin kay Joaquin
Nagpaalam ako kung pwede ko ba sila yakapin, um-oo sila kaya niyakap ko nang sabay yung dalawa. At hinatak rin ako ni Brianna at Mitch nang sabay para mapahiwalay sa yakap. Natawa naman si Brace at Joaquin, at umakto ako na parang sasapakin sila Mitch at Brianna, kaya mas lalong natawa si Joaquin at Brace
"GRAE" sigaw ng isang fan at nakita ko siyang tumakbo papunta kay Grae at nagpapicture
"WAAAAH!" sigaw ko at tumakbo papunta kay Grae
"AVERY!" sigaw nila Mitch, Brianna.. Brace at Joaquin? Teka, kilala nila ako?
Napaharap ako sakanila at biglang may nag-*beep beep* na di ganun kalakas na tricycle
Bigla namang may humila sakin, at ngayon lang nag-sink-in na muntikan na ko masagasaan ng trike na yun!
"Hoy! Bumalik ka dito! Muntikan mo na ko mapatay! Bumalik ka!" lumapit sakin si Fame pati narin si Nash, shems! Na parang kinakabahan
"Okay ka lang ba?" Nash
Tumango ako bilang sagot sakanya at itong si Fame, hinarap ako sakanya at kinapa-kapa ako kung okay lang ba daw ako. Tumango lang ako at humarap kaynila Brianna na mukha ring kinakabahan, pati rin sila Joaquin at Brace. Pero di ko maalis sa isip ko yun eh. Alam kong narinig ko boses nila na tinawag pangalan ko pero isinang-tabi ko na lang yun
"OKAY LANG AKO" sigaw ko nang malakas at nag-thumbs up. Bigla kong naalala si Grae. TEKA, SI GRAE!
"GRA---" tatakbo palang sana ako nang nauntog ako sa may medyo malapit sa baba nung isang tao
Napahawak ako sa noo ko na natamaan, nakita ko naman siya na nakahawak sa baba niya. Nagulat ako nung hawak niya ko sa may pulsahan ko, at tinanggal ko iyon. Umangat naman ang ulo niya at nakita ko si Grae na nakahawak sa baba niya.
Teka... "GRAE!" sigaw ko at humakbang nang malaki para makalapit sakanya
"SORRY T---"
"Okay ka lang ba?! Sa susunod kasi tumingin ka muna bago ka tumawid!" sabi niya sakin habang hawak ang magkabila kong braso. Bakas sa mukha niya ang sobrang pagaalala kaya di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin
"O-okay lang ako. So-sorry.." sabi ko at yumuko
Bigla naman niya kong hinila at inakbayan, tapos kinuha ang phone ko. Pinindot niya ang unlock, at natawa naman siya nung nakita niya ang wallpaper ko na picture niya kanina habang nasa stage siya.
"Ano password?" tanong niya at napa-'ha?' naman ako. Natawa siya at inulit ang tanong
"Sabi ko, ano password?" ulit niya at humarap sakin habang nakaakbay pa rin
"Ah-eh.. b-birthday mo.." sabi ko habang nauutal-utal. Hindi ko rin alam kung bakit kasi talagang lumilipad ang isip ko
"Birthday ko?" lumaki ang mga ngiti sa labi niya habang nakatingin sakin
"Este 1107 pala" sabi ko ng diretso. Pinilit ko talagang masabi yun kasi di talaga matanggal sa isip ko ang mga nangyayari ngayon
Nakangiti siyang inunlock ang phone ko at pumunta sa camera. Nag-picture kami, at siya ang may hawak ng phone ko. Nag-wacky siya at nag-wacky rin ako pero talagang lutang pa ang isip ko. Ibinigay niya sakin yung phone ko at kinuha ko yun
"Grabe" bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hindi dahil sa iniisip ko na kilala ako nila Brace at Joaquin, kundi dahil si Grae ang humila sakin nung muntikan na ko masagasaan, ang nag-unlock ng phone ko, ang humawak habang nagpipicture kami, at unang nag-wacky kahit wala akong sinasabi!
Nakalagay naman ang dalawa niyang kamay sa bulsa at bigla siyang ngumiti nung tumingin ako sakanya
"KYAAA! I LOVE YOU!" sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit. Wala siyang response sa sinabi ko pero niyakap niya rin ako nang mahigpit. Okay na 'to noh!
Napabitaw naman kami sa isa't isa nung may mga lumapit na fan at nagpapicture. Bigla rin siyang hinila nung ewan ko kung ano niya yun. PA siguro?
Niyakap siya isa isa nung mga babae at tuluyan na siyang hinila. Humarap naman siya sakin at nagbigay ng look na sinasabing 'bye'
Nakatitig lang ako sakanya hanggang sa makasakay na siya sa sasakyan nila. Napatingin naman ako kay Fame na kasama ko ngayon at nandun na si Nash, nakaakbay sa isang babae at pinipicture-an sila
Muli, napatingin ako kay Fame sabay sigaw ng, "WAAAAH!" at pinagpapapalo siya sa kilig

BINABASA MO ANG
Wishes & Dreams • Gimme 5 fanfic
Ficção AdolescentePaano kung yung taong hinihiling mo makasama.. ay pangarap ka na rin pala?