"Aaaaaaah" sigaw ko ng maramdaman na unti unti akong nilalamon ng liwanag. Hindi ko alam kung anong nangyayare o kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon pero ang alam ko lang ay takot ako.
takot na takot.
Akala ko ako lang magisa dito kaya laking gulat ko nalang ng makakita ng isang lalaki. Matangkad. Katamtaman lang ang kulay ng balat at gwapo.
Sa di maipaliwanag na dahilan nawala lahat ng takot ko nung makita ko siya. Ngunit lahat naman ito ay napalitan ng lungkot. Yung lungkot na sobrang bigat sa dibdib.
Gulong gulo man sa mga nangyayari ay nilapitan ko siya pero bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay para namang dinudurog ang puso ko sa sobrang lungkot.
Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay hinaplos ko ang kanyang mga mukha na siya namang ikina-ngiti niya.
Isang malungkot na ngiti.
Hindi ko alam pero mas lalo akong nakaramdam ng sakit sa mga ngiti niya at nagulat nalang ako na tuloy tuloy na pala sa pag tulo ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Sino ka?" takang tanong ko sa kanya. Ngunit imbes na sagutin niya ay agad ako nitong niyakap. Yakap na sobrang higpit na tila ba'y mawawala ako. Niyakap ko din siya gaya ng pagyakap niya sa akin.
Ano bang sumapi sa akin at ginagawa ko ito? Kung tutuusin ay di ko naman kilala ang lalaking ito pero kung makayakap ako ay para bang sabik na sabik ako sa kanya.
Ngunit bigla siyang bumitaw mula sa pagkakayakap namin at marahang sinabi
"Paalam, Blue"
At tuluyan na akong nilamon ng liwanag.
BINABASA MO ANG
When Two Worlds Collide
FantasyPaano kung sa tuwing matutulog ka ay magising ka nalang sa ibang mundo? Mundo na kaparehas ng ating mundo't kapaligiran ngunit iba na ang karakter ng mga taong kilala mo pati narin mga impormasyon at mga lugar na malayo mula sa iyong kinagisnan. Pan...