Unang Kabanata

42 2 1
                                    

Nang maiwan kaming dalawa ay halos hindi ako makagalaw. This is too awkward. I don't even know him that well.

Nilingon ko s'ya. Natawag agad ng pansin ko ang mga mata n'ya na nakatitig sa akin.

Bigla naman akong na-conscious sa aking itsura. Hinagod ko ng tingin ang suot ko. Hindi naman siguro ako mukhang basura?

"Didn't anyone tell you, it's rude to stare?" mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi ko kasi kayang pantayan ang mga tingin n'ya.

I've never been intimidated.

Pero s'ya, it seems as if he has his world figured out. Alam mo 'yung mga taong simula pa ipanganak sila, alam na nila kung anong purpose nila? Kaya kahit anong sabihin mo sa kanya, yung self- esteem n'ya will remain as it is.

To top all of that, Biniyayaan pa s'ya ng magandang lahi. His jaw, mukhang matigas. Lalo lang itong nadedepina sa tuwing tumatawa s'ya.

"I didn't know you were virtuous." Nang-uuyam n'ya akong tiningnan na para bang kilalang kilala na n'ya ako.

Inirapan ko naman s'ya. "Was that supposed to be an insult?" Balik sagot ko sa kanya habang itinaas ang isang kilay.

"Oh no, baby." Nakangisi n'ya akong nilapitan. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang braso sa aking balikat.

"I'm not capable of finding any flaw in you." Dinig na dinig ko ang tawa n'ya dahil nakatapat ang kanyang labi sa aking tenga.

Nag-init ang pisngi ko at bahagya akong natigilan. Tumikhim ako upang maibalik sa pagkaseryoso ang aking mukha.

Hindi dapat ako magpadala sa mga salita n'ya. He's probably up to no good. Alam ko ang mga tipo n'ya.

Siguro para sa kanya ay isa akong challenge. Napaismid naman ako sa aking naisip. I'll show him how to win this game. Hindi ako basta- basta.

"And I'm not even moved by anything you say, Mister." Ibinaba ko ang aking tingin sa aking kuko at tinatamad na ibinalik ito sa kanya.

Napansin ko ang iilan-ilang mga taong napapalingon sa gawi namin. It's not a surprise though. Sa built pa lang ng katawan n'ya ay mapapansin mo na s'ya mula sa malayo.

Sa tangkad kong 5'5 ay tinitingala ko pa s'ya. Malapad din ang kanyang balikat na animo'y kaya akong takpan o itago kung sakali man na gustuhin ko.

Don't even get me started sa mukha n'ya. It's not enough to say na ang gwapo n'ya. Para s'yang isang fictional character. Hindi mo aakalain na pwede pala pagsama-samahin ang mga features na 'yon into one person.

And that's what makes it more unbelievable. I don't deserve this. Impossible.

"Just go on a date with me."

Hinawakan n'ya ang kamay ko at bahagya akong kinabig patayo. I don't know kung anong tumatakbo sa utak n'ya. Which makes it more scary.

Papatayin n'ya ba ako?

Hinila ko ang aking braso. But his grip tightened. Kumunot ang noo ko at agad na sinipa ang bandang likod ng tuhod n'ya. It's a good thing na may background ako sa Taekwando. Mabilis na napabitaw ang hawak n'ya sa'kin.

Tinakbo ko ang layo ng tayo namin hanggang sa may sakayan ng jeep. Ngunit agad din naman n'ya akong naabutan.

"Look, Cyra." Hinihingal n'yang iniharap ako sa kanya. Tutuhurin ko sana s'ya ngunit nailayo agad n'ya ang sarili n'ya. Narinig ko ang mahihina n'yang mura at ang pagsinghap n'ya. He must think I'm gullible enough to believe him.

"Okay, I'll get to the point. I really like you." sabi n'ya.

Nanlaki ang mata ko at agad na natigilan ng marinig ang sinabi n'ya. I feel like nag-buffer ang entire system ko. Why? What I mean is... what's there to like? Hindi pa ako nakakarecover ay nagsaluta na ulit s'ya.

How to FeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon