Ikalawang Kabanata

60 2 4
                                    


"Saan ba tayo pupunta, Salvi?"

Marahan akong lumingon sa gawi n'ya at hinayaang doon maglagi ang aking tingin. Kinindatan n'ya lang ako at saka bumalik sa pag-mamaneho. It seems surreal to me, hindi ko nakilala ang boses kong nanginginig. It's very unlikely na kabahan ako ng ganito. I pushed the button near my arm para bumaba ang car window.

Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko kaya dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko 'yung ganito, driving in the middle of the night. I want to forget the bullshit muna. Gusto ko ng peace of mind. But I don't think dapat na akong mapanatag lalo na when I'm with him. I heaved out a soft sigh bago ulit ako magsalita.

"You need to tell me kung saan tayo pupunta. Dahil bubuksan ko 'tong pintuan ng kotse mo. So, you better start talking."

Nagbabanta ko s'yang tiningnan habang hawak ang handle. Pero para namang 'di n'ya ako sineseryoso.

"Stop joking around, Cyra." He resumed on driving without giving me a glance. Marahan pa s'yang tumawa habang tumitingin sa side mirror. Now, he's pissing me off so I let out a grunt at tumaas ang kilay ko. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung pinoprovoke ako. Kasi I tend to do it lalo. I flipped the unlock button at marahas kong binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mata n'ya at malakas s'yang nagmura.

"Are you crazy?" Kunot noo n'ya akong tinitigan. He's looking at me na para bang hinahanap n'ya sa mukha ko ang sagot sa tanong n'ya. I heard some of the cars were beeping at us. Pero wala akong pakialam. I want to know, I'll get it by hook or by crook.

"Close the fucking door!"

Minwestra pa n'ya ito sa akin kaya umiling lang ako. Nakita ko naman ang pagkafrustrate n'ya kaya agad s'yang napamura. Nanlaki naman ang mata n'ya nang lalo kong binuksan ang pinto kaya agad n'ya pinark sa tabi ng highway ang kotse n'ya at saka humarap sa'kin na para bang hindi s'ya makapaniwala. I got what I wanted kaya isinara ko na ang pinto.

"Now, tell me."

I held my breath, kasi pakiramdam ko'y pag huminga ako ay baka kung anong lumabas sa bibig ko. Pinanuod ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang nakasandal ang ulo n'ya sa car seat. Ipinikit n'ya ang mata n'ya habang hinihilot ang sentido.

Why does he have to be extra attractive ngayon?

"We'll be out for a three-day trip." Panimula ni Salvi.

"Bakit? May trabaho ako. I can't leave just like that." Naiinis akong humalukipkip. Kibit balikat n'ya akong hinarap at ngingiti-ngiting nagsimulang magstart ng kotse. It's as if nakalimutan na n'ya agad ang nangyare kanina. He locked the doors para hindi ko na ulit 'yon mabuksan.

"Bago pa lang ako, Salvi! What would the management think kung biglaan na lang akong hindi pumasok para mag-three day trip elsewhere? Hindi pa nga ako nagsisimula?" Mahaba kong pag papaliwanag sa kanya. Pero he remains unmoved.

"But I'm the management." Nakita ko kung paano n'ya pigilin ang kanyang ngiti sa pamamagitan ng pag-nguso. Inemphasized pa n'ya 'yon sa'kin. How can he freaking act so cute? Legal ba 'to?

"What are you talking about?Kahit ifollow man 'yung logic mo, Business does not work that way, Salvador. Even if ikaw ang boss you need to be articulate pa din towards your employees." Panimula ko. Hinayaan n'ya naman akong magsalita habang tahimik lang s'yang nakikinig sa mga sinasabi ko. Hindi ko lang talaga alam kung pumapasok lang ba 'yon sa tenga n'ya.

"Ang kikitain ko sa tatlong araw na 'yon, it'll be deducted while were here. Ano na lang pwede kong gawin to earn it back? Isa pa 'di pa nakakaltas 'yung tax ko. Do you even understand ku.." Itinigil ni Salvi ang kotse malapit sa isang building. Bago n'ya ibaba ang bintana ng kotse n'ya ay mabilis n'ya akong hinalikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to FeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon