CHAPTER TWENTY TWO: NO MORE? :(

351 22 13
                                    

*Christine’s POV*

Eto ako, kasabay ko si Neil pumasok sa school, last day na namin ‘to. very unsual noh? Sa totoo lang, ayoko naman ng pumasok, hindi naman na ko interesado para sa Summer Splash, hindi naman kasi ako sasali dun eh. Required lang kasi pumasok, sayang yung complete attendance ko! ^___^  Bago pa kami naka-alis ng bahay, nakapag sulat pa ko ng letter para kay Yael.

“Sana maging masaya ka na kay Raine, wag kang mag-alala, kaya ko ‘to, ang gusto ko lang maging masaya ka na, nga pala ako yung secret admirer mo since grade 4, galing noh? FAVOR? Can we still be friends?

I MISS YOU! T__T

<3 Christine

(Kitty)”

(eto po yung mismong penmanship ni Christine, medyo malabo eh, pero sana nababasa niyo padin. :D -------------->)

9:05 on the dot, ang andito palang sa classroom, ako, si Neil, si Oz, si Shao at si Apple, bakit parang late sila? Hmmm? Siguro kasi tinatamad na dahil nga last na, pati si Ms. Becky wala pa. WHHHY? :O

*EENNGGK*

Paulit ulit akong sinasampal ng mahapding katotohanan, ang taong pinangarap kong maging boyfriend, ay nawala na, may kapiling na ng iba. T^T

Naramdaman ko yung akbay ni Neil sakin sabay bulong ng  “Andito naman ako, wag kang maingget sakanila.”

Napangiti ako at parang nabawasan ang dinadalang sama ng loob, tinignan ko ulit sina Yael at Raine, masaya nga sila, buti naman, kahit papaano, matatanggap ko din na hindi kami para sa isa’t isa. BATA PA KO! ANU BA NAMAN YAN. -_____-

Tumingin ulit ako sa direksyon nila pero nagulat ako, papalapit si Yael sakin? Siguro nabasa na niya yung letter ko. sana maging friends padin kami kahit anung mangyari. ^__^ umalis na muna sina Neil at Oz, para naman may konting privacy kami, at para magkalinawagan na ang lahat ng issues namin ni Yael.

“Tine. . ” inabot niya sakin yung letter ko.

“Bakit Gi?” tanong ko sakanya.

“Don’t call me GI, Yael ang pangalan ko.”

“Hah? Anung problema Gi~~Yael?”

“Madami, anung ‘tong sinulat mo dito? Gusto mo padin makipagkaibigan? Para saan pa? diba tapos mo na kong gamitin? Ang kapal ng mukha mo Christine!” teka teka? Panaginip ba ‘to? bakit ganito? *SLAP!* muli akong sinampal ng katotohan. -___-

“ginamit? Kailanman that never popped into my mind! Bakit mo naman iniisip na ginagamit kita? Yael, magkaibigan na tayo even before we discovered that we can sing!” pag-eexplain ko sakanya, bakit niya pinagbibintangan ng ganito? @________@

“Mahal mo ba ko?” nagulat akong tinanong niya sa akin.

“Mahal kita!” for the first time kong sinabi sakanya yun. Mahal kita. .

“SINUNGALIN! Akala ko din nung una mahal na kita eh, kaso niloko mo ko! ginagamit mo lang ako para sumikat ka sa Rocks! Diba alam mo na mas magaling ako sayo?! Kaya ayan! Taon taon, puro kasinungalingan lahat ng pinapakita mo sakin! Para lang ianggat mo yung sarili mo? Nakakahiya ka! Hindi totoo yang sinasabi mong mahal mo ko! ginagawa mo lang yan para paniwalain mo ko!” naiiyak na ko, hindi ko na kaya yung mga sinasabi niya, ang sakit. -____-

“HINDI KA NA SI YAEL NA KILALA KO! bakit ka ba nagkakaganyan? Anu bang pumasok sa manhid mong puso at utak na niloloko kita! HINDI KITA NILOLOKO! MAHAL KITA KAHIT ALAM KONG HINDI MO KO MAHAL! MAHAL KITA KAHIT ALAM KONG SI RAINE ANG MAHAL MO! Siya lang naman ang importante sayo diba? Puro ka RAINE! Ang sama sama mo sa akin!” umiiyak na ko, nilapitan na ko ni Neil, at lahat na ng tao sa room ay nakatingin samin.

“don’t you dare na isama si Raine dito, kung hindi pa dahil sakanya, hindi malalaman na niloloko mo ko! na ginagamit mo lang ako! Mahal niya ko! alam ko yun at napatunayan ko na yun! Tama nga siya, gagawa at gagawa ka padin ng paraan para magamit mo ko! you still want to be my friend? You miss me? you love me? anu pa bang pangloloko ang kayang mong gawin? Hindi ko akalain na ganyan ka. Nakakadisappoint ka Christine.” Tama na, suko na ko, nag-iba na talaga, my bestfriend turned into my worst nightmare. From this day onwards, Kiity and Gi are no more. :’(

“YOU ARE A BASTARD! I HATE YOU SAGAD SAGAD HANGGANG DORSAL! Alam mong hindi totoo lahat yan, alam mo kung sino ako! And I don’t need to prove myself to anybody! Makonsenya ka sa mga sinasabi mo!”

Palabas na sana kami ng room, nakita kong nakangisi si Raine sa akin, hindi ako nakapagpigil. . .

“At ikaw Raine, hindi ko alam kung anung pinalamon kay Yael para maging tarantado siya sakin, eto ba ang gusto mo? Ang mag-away kami? Well, you got it! Hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa pero I swear to the devils at hell, you’ll reget doing this to me.” dinuro duro ko siya sa sama ng loob ko.

“Aba! Kapal din ng~~” sasampalin sana ako ni Raine, pero pinigilan siya ni Neil.

“Tama na kasi! Manahimik ka! Tara na, Tine.” Hinawi niya ang kamay ni Raine at hinila naman ako palabas ng room. sa mukha lang ni Raine, halatang hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Neil, kahit si Yael walang nagawa.

Three Minutes (ON-GOING)Where stories live. Discover now