Isa ka bang manunulat?
May-akda ng buhay ng mga nilalang na nilikha lamang ng iyong malikot na kaisipan?
Ang galing mo naman. . .
*klap klap klap*
Eh paano pag ikaw naman ang napag-tripan gawan ng istorya ng kapwa mo manunulat?
Babasahin mo ba?
O higit pa doon, isasabuhay mo ba ang ginawa niyang istorya?
------★------★------★------★------★------
One Shot story.
Dedicated to my kids: @ashleysingko and @chanchanofficial
"And they lived happily ever after."
I smiled as I typed my last six words sa ginawa kong one shot story. Nakakatuwa. Ano kayang magiging reaksyon nila pag nai-post ko na to sa wattpad? ahihi. . excited na tuloy ako.
Bago kayo mag-react, oo alam kong cliche ang ending. Aminin niyo na. Yan naman talaga ang inaasam-asam niyo sa lahat ng istorya. Kahit pa sa katotohanan, hindi lahat nagiging masaya, pero pagdating sa kwento eh lahat ganyan ang gusto.
Pero yung kung paano sila nagsimula, alam niyo na ba?
Di ba hindi pa?
Eh ano, babasahin mo pa ba kahit alam mo na na happy ending naman pala?
Aba siyempre no!
Ipa-follow ko lahat ng magbabasa, magkokomento, at boboto sa istorya kong ito.
Dapat i-follow niyo din ako ah!
cheb27
-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----
Kyle's POV
"Aaaaaaargh! Sabi mo may tinatapos kang report! Tapos makikita kita dito, may pa-report report ka pang nalalaman, DOTA na naman pala yang inaatupag mo! Aaaargh! Nakakainis ka! Napakasinungaling mo! Break na tayo!" sigaw ni Bea sa gitna ng tournament namin.
Tss. Oo, tournament. Ng dota. Nandito ako ngayon sa mall dahil may 'tournament' nga kami ng buong team ko. Siyempre ako ang captain kaya hindi ako pwedeng mawala. Dahil ako ang pinakamagaling mag-dota sa lahat.
"Oh, captain! Di mo ba susundan yun?" tanong ni Mark. Teammate ko.
"Bakit pa? Di ba she said we're done?" sagot ko habang busy na ako ulit sa nilalaro ko. Aba! Hindi ako pwedeng matalo! Sampung libo din ang pusta ko! One week allowance ko ang nakataya dito.
"Tsk! Tsk! Tsk! Para ka namang bago kay Captain eh. ." singit ni Angelo. Ganda ng pangalan, mala-anghel, pero siraulo din yan. Pumapangalawa yan sa galing ko. Siyempre, ako nga ang pinakamagaling sa lahat. "Kapag ang babae sinabing tapos na, tapos na! Saka pag naglalaro siya ng dota, walang pakialam sa iba!"
Nag-concentrate na lang ako sa nilalaro ko. Totoo ang sinabi ni Angelo. Hindi ko ugaling maghabol ng babae, lalo na kung babaeng hindi kayang tanggapin na mas mahal ko ang dota kaysa sa kaniya. Kahit sino pa siya.
"Yeah!" sigaw ni Mark.
"Ayos!!!" Hiyaw ni Blade.
"Ang laki na naman ng panalo ko!!" bulalas ni Kiko.
"Balato ko ah!" hirit ni Joco.
Kami ang Team Darklords.
Kaming lima ang pinakamatinik sa larangan ng dota.
Pero siyempre, ako ang pinakamagaling sa lahat.
"Oh pano? Una na ko sa inyo ah!" sabi ko matapos kong makuha ang napanalunan ko.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH BRO (Wattpad Authors In Love)
RomansIsa ka bang manunulat? May-akda ng buhay ng mga nilalang na nilikha lamang ng iyong malikot na kaisipan? Ang galing mo naman. . . *klap klap klap* Eh paano pag ikaw naman ang napag-tripan gawan ng istorya ng kapwa mo manunulat? Babasahin mo ba...