My Ultimate Crush is a Cosplayer [One-shot]

1.2K 55 20
                                    

Cosplay event sa isang mall, nasa CR ako para magbihis.

Ang tanging kasama ko lang ay si Eliza, pinilit niya kong sumali dahil sa hilig niya sa Anime. Err, first time ko 'to, kung hindi lang ako pinilit ni Eliza e, hindi ako sasali.

"Kylie, dalian mo aayusan pa kita.!"

"eto na.! sandali lang." naku, kung hindi ko lang mahal 'tong babaeng 'to di ako papayag eh. lumabas ako ng cubicle wearing my costume na ginawa ni Eliza.

"sabi ko na nga ba babagay sayo yan eh. halika para maayusan ka." 

Hinila niya ko papalapit sa kanya, at inayusan. Kinakabahan ako! Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako mahilig sa ANiME at hindi ko din kilala ang character na pina-Cosplay niya sa akin. At ang weird ah? Sa dami-dami ng costume na pwedeng ipasuot bakit ito pang maid outfit? Hay.

"Wag ka ngang sumimangot. hindi bagay sayo!"

"Ano ka ba Eliza, alam mo namang first time ko 'to eh. kinakabahan ako."

"Sus, kahit ano naman ang salihan mo kayang-kaya mo eh. ikaw pa!"

"Iba naman 'to e." ang kulit niya talaga. 

"basta tandaan mo si Misaki ang kino-cosplay mo, ok?"

Tumango lang ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin nito. Hindi maiwasan na pumasok sa isip ko na baka mapahiya lang ako nito. arggg! sana matapos na agad 'to.

Hinila niya ko palabas ng CR at pumunta sa event. 

OMG! ang daming tao, ang daming nagco-cosplay! Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Dalubhasa na ang mga kasama ko dito sa Event na 'to. Samantalang ako, first timer lang! 

"Parang pinagsisisihan ko ang pagpayag ko sayo Eliza." sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba.? mage-enjoy ka dito. Trust Me"

Nginitian lang ako ng kupal na 'to? Naku! Nakakainis. 

Pinag dadasal ko na sana walang makakita sa akin na classmate ko dito. 

"Kylie!"

Napalingon ako, naku! Si Lee, ang classmate ko na sobra kung mang-asar sa akin!

"B-bakit?" kinakabahan ako baka kung anong sabihin niya.

"Hindi bagay sayo yang damit mo."

"Eh???" sabi ko na nga ba aasarin nanaman niya ako! grr! ang lakas pa ng tawa niya!

"Anong hindi bagay sa kanya!" 

"Eliza? andyan ka pala."

Ay ang hayup naging anghel dahil nandyan ang iniibig. Tch. Iniwan ko silang dalawa dahil nagtatalo nanaman, ganyan naman sila lagi e. Nag libot ako mag-isa, may lumapit sa akin.

"Miss, pwede ba picture kasama ka?"

"S-sige."  HALA! hindi ka dapat pumayag! naku Kylie!

Hayaan na andito na eh, pumayag na ako at di na pwedeng bawiin.

Matapos ng picture taking kasama ang mga STRANGERS, naglakad-lakad ulit ako.

"WAAH!" nadulas ako pero, may sumalo sa akin. Hala, sino kaya 'to?

"Ok ka lang?"

My Ultimate Crush is a Cosplayer [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon