CHAPTER FIVE

39 2 0
                                    

A/N: Hi po... pasensya na po kung ngayon lang po ako nakapag update.. alam ko pong SOBRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG TAGAL na po netong storyang to, tatlong taon na pero di ko man lang matapos tapos.. Kaya simula ngayon pinapangako ko po sa inyo na tatapusin ko ang storyang to sa taon nato... Naway basahin niyo pa rin po ang storyang sinusulat ko... At sana din po paki vote at comments narin gagawin ko pong inspiration ang mga sinasabi niyo.. salamat po...

THANK YOU 💕💕💕 ..

*****

Kim's POV

Ano naman kaya ang pag uusapan namin netong babaeng to, Halata sa kanya ang sobrang pagka balisa niya..

"Ano kasi...kim pwedeng?".. nakayukong sabi niya habang kinukoskos pa ang kuku ng kanyang mga daliri..

"pwedeng ano?" medyo inis na tanong ko sakanya para kasing ewan to. Ano naman kaya ang sasabihin neto, balisang balisa masyado nahahalata na ehh..

"Ano kasi...pwedeNangAlisinYungMgaTapeNaNakaharangPagitanSaKwartoNatin..." hingal na hingal siya matapos sabihin ang mga linyang yun ng mabilisan. At promise nakakatuwa ang itsura niya hindi mo maintindiihan na parang nahihiya na ewan...hehehe

'mapag tripan nga.... ( ^__^ )

"Baket?!" tanong ko sakanya habang papalapit sakanya...habang patuloy din ang pag atras niya hanggang sa mapasandal siya sa pader at di na maka kilos pa..

"Wala..nakakasawa na rin yung ganun ehh..hirap makagalaw ng maayos.." sabi niya habang naka tanaw sa gilid..hindi siya makatingin ng deretso sakin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin halos isang dangkal lang ang pagitan...

"Bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin diyan sa utak mo? Inuntog ka kaya na alog yang ulo mo?".. natatawang sambit ko sa kanya..

"hindi ahh...basta sinabe ko na sayo ang dahilan nahihirapan lang talaga ako kaya yun yun.." naiilang paring sabi niya..

Hinawakan ko ang dulo ng baba niya at pinihit paharap sakin, ngayon konti na lang ang pagitan ng mga mukha namin maling kilos ng isa siguradong mahahalikan ko na siya..

'ang pula ng mga labi niya, pero hindi parin pwede kim...

"ok..sabi mo ehh!" tsaka ko binitawan ang baba niya sabay pihit patalikod at naglakad paalis..

Ano kayang nakaen nung babaeng yun bigla na lang nagbago ang utak. parang may sapak, paiba iba ng mood, BIPOLAR din ehh.. Dumeretso na ako sa unit ng dorm ko at itulog nalang ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip ang ginawa niya sakin, ang sakit ay nanunuot dito sa puso ko. Sobrang sakit hindi ko matanggap na iniwan nalang niya ako ng ganito. 

Pumasok ako sa loob at pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama ko. feeling ko sobrang nakakapagod ang araw nato. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko gusto kung umiyak ng umiyak hanggang sa ma wala to..

'dalawang taon kitang pinaglaban bakit sumoko ka?'

At tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko sa naisip kung yun. wala na akong pakialam kung makita ako ni pie na umiiyak dito sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko kakayanin to.  'Bakit ? bakit mo ako iniwan ng ganun na  lang? akala ko ba ipaglalaban mo ko hanggang huli? pero pinili mo parin ang kagustuhan nila.' alam kung wala akong karapatan dahil alam kung bawal, Oo babae ang kasarian ko pero lalaki ang puso ko. umiyak ako ng umiyak hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..

****

Pie's POV

Nandito parin ako nakatayo sa harap ng building ng dorm na tinutuluyan namin.Hindi ako makapaniwala sa ginawang yun ni kim sakin, anong akala niya madadaan niya ako sa paganun ganun niya. Nakakainis naman kasi kung hindi lang talaga dahil sa bestfriend ko hinding hindi ako makikiusap sakanya. hindi ko pag mumukahaing tanga ang sarili ko sa harap niya, Ano nalng iisipin ng tibong yun? gagawa ako ng rules tapos ako rin ang mag aalis. At ako pa ang nagkaroon ng punishment ehh kung hindi lang siya iyak ng iyak dun hindi namn ako mag aalala sa kanya no!

Nang mahimasmasan ako ay pumasok narin ako sa loob at umakyat sa unit namin. Alam kung nandun na siya sa kwarto namin, habang naglalakad ako patungo dun ay di ko mapigilang kabahan, kinakabahan akong makikita siya dahil nahihiya ako sa ginawa niyang paglapit kanina, bakit namn kasi kailangan pang gawin yun pwede namn akong kausapin ng hindi gnanun kalapit ahh..kahit kailangan ka talagang tomboy ka. kung hindi lang talaga dahil sa kanya hindi ko gagawin to.. hindi ko namanlayan nandito na pala ako sa tapat ng pinto ng kawarto namin.. kinakabahan talga ako, ano ba tung nararamdaman ko?

nag inhale, exhale pa ako tsaka pinihit ng dahan dahan ang doorknob ng pinto namin.dahan dahan akong pumasok at dahan dahan akong naglakad papunta sa kama ko.NBilingon ko siya sa hinihigaan niya at dun bumungad sakin ang isang kim na natutulog at halatang mugtong mugto ang mata kakaiyak. Nakaramdam ako ng konting konting awa sa kanya kaya nilapitan ko siya ng dahan dahan at inayos ang kumot niya tsaka ko tinitigan ang mukha niya..

'kawawa ka namn, wala kang magagawa sa sitwasyon niyo ng pinsan ko, sana simula palang inalam mo muna ang pamilya niya, yan tuloy iniwan ka ng luhaan.. tsk tsk tsk.. Ang ganda mo namn bakit naging tomboy kapa? sayang din ang beauty mo ehh.. wag kang mag alala nandito lang ako para alalayan ka atleast man lang makabawi ako sayo kahit papano diba ?'

(O__O)

Napatulala at nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya ng biglang INIMULAT niya ang kanyang mga mata, natigilan ako at parang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Anong ginagawa mo diyan?". sabi niya habang dahang dahang siyang umupo ng hindi inaalis ang mata sakin na may halong pagtataka, nagtataka kung bakit nandito ako sa harap niya at tinititigan siya..

Hindi ko mgawang magsalita, hindi ko maibuka ang mga bibig ko. ano bang nangyayari sakin bakit hindi ko magalaw ang mga bibig ko hindi ko magawang maka pag react at mkasagot sa tanong niya..

"Hoy..Ano kakong ginagawa mo diyan?". pag uulit ng tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin wala akong makuhang sagot sa sarili ko kung tutuusin napakadali lang ng mga tanong niya.Bakit ako kinakabahan? sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko magawang sagutin ang tanong niya..

'narinig niya kaya ang mga sinabi ko?'  ( O___O )


SUPEEEEEEEER THANK YOUUUUUUUUUU PO !!!!! 

PLEASE CONTINUE READING MPCP AND DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS. ALL NEGATIVE AND POSITIVE COMMENT WILL BE HEARTILY ACCEPTED..SO PLSSSSSSSSSSS PAKI VOTE PO NG STORY KO...

KUNG SINO YUNG GUSTONG MAG PA DEDICATE JUST MESSAGE ME NALNG DITO SA WATTPAD ACCOUNT KO. MARAMIUNG SALAMAT PO SA PAGBABASA WAG  NIYO PONG PAG SAWAAN.. PARA SA UPDATE PO DON'T WORRY BIBILISAN KO PO PARA MAKA UPDATE AGAD..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Prince Charming is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon