TPF1

56 4 1
                                    

"Nandito na po tayo Miss Rhian," ani Mang Joey, my driver.

Kinuha ko ang aviator ko sa bag at mabilis na isinuot. Alas otso pa lang naman ng umaga, hindi naman mainit pero kailangan ko ang shades para itago ang eyebag ko. Kasalanan talaga to ng Angela slash Ugly Face na yon! Dahil sa kanya napahiya ako kahapon sa cafeteria! Dahil sa kanya magdamag akong halos hindi nakatulog kagabi kaya ako may eyebag today! Ugh, i really hate that girl! So much!

Habang naglalakad papasok ng school ay ramdam ko ang tingin ng mga estudyante. Since higschool naman ay ganyan na ang nakukuha kong atensyon sa mga school mates ko until now na college na ako. The attention doubled when i joined pageant and won a title Miss University 2018.

"I cant still believe na ginawa ni NLP yon sa kanya sa cafeteria kahapon."

"Well, that's life.. Hindi naman talaga makukuha mo!"

"Eh ganun naman talaga yong Nash diba, one week lang ata ang pinakamagatal na girlfriend nun."

I stopped walking. Alam kong maganda ako and sanay na kong pinag uusapan pero parang sa unang pagkakataon yata ay hindi ang kagandahan ko ang dahilan kung bakit ako tinitingnan ng mga estudyante ngayon.

I flipped my hair in a dramatic way bago humarap sa side ng mga nagkukumpolang estudyante. I put my aviator to my head.

"Are you, guys, talking about me?" I smiled sweetly to them.

Mabilis na nagsipagtalikod ang iba. Yong iba naman na nasa malapit sakin ay mabilis na umiling iling.

"H-hindi na-"

"Good. Better be not.." i smirked bago ko tumalikod sa kanila.

Hah! Nakakainis! Ang aga aga nastress ako sa paligid. Anong akala nila sakin, deaf? Akala ba talaga nila hindi ko maririnig na pinag uusapan nila ako?Pero buti na rin hindi nila inamin. Uh, well, sino bang aamin? I'm known as a 'Fressmen Maldita'. And im not called by that for nothing.

First week pa lang noong school year ay marami na kong nasampulan sa pagiging maldita ko. Yung iba naman, wala pa kong ginagawa natatakot na talaga. My friends told me na subrang nakaka-intimidate daw ung itsura ko. Or its because of my surname? I dont know, ang ganda ko kaya para ma-intimidate sila. Duh!

Ricardo Ledezma, my father, is a well known businessman. We own a chain of hotel and restaurant. At isa pa, he is one of the school directors. As for my mother naman, she past away when i was two years old, ovarian cancer. Kaya daddy's princess ako. Lahat ng magustohan ko, ibinibigay ni daddy, dress, bags, shoes, vacation, name it.

Kaya naman unang kita ko pa lang kay Nash Lemuel Pressman nung pasokan, kinausap ko na agad si Daddy.

"Dad, do you know Mr. Yuan Pressman?" i asked Daddy, we're having a breakfast.

"The school owner? Yeah, i know him. He's one of my schoolmates back then, why?"

Bingo! Napatuwid ako ng upo. Parang bigla-biglang nagkaroon ng ilaw sa utak ko. I smiled sweetly at him.

"Can you please talk to him and arrange my marriage to his-" biglang nasamid si daddy, "Gosh, dad! Chew your food kasi ng maayos," Mabilis ko syang inabutan ng tubig at hinagod ang likod. "Are you okay na? Give me a number, bilis.."

"What number?" nagugulohang tanong sakin ni Daddy.

"Ano ka ba naman Dad, hindi mo ba alam yon? Sabi nila pag nasasamid daw, may nakaalala.. So give me a number and i will convert it to ABC.. Kung ano matapatan ng letter, dun nagstart ang name ng nakaalala sayo. Dali Dad, give me a number,"

Napapantastikohan na nakatingin saken si Daddy, maya maya ay napahalakhak na sya. Kumunot ang nuo ko.

"Why? You don't believe me? Come on, Dad, i'm not lying.."

"I know, i know.. It's just that.." he burts into laughter again.

I pouted. Why? Ano bang nakakatawa?

Napansin nya yata na nakasimangot na ko kaya pinigilan nya na ring tumawa.

"Who told you that?" aniya habang nagpupunas sa gilid ng mata. Nasobrahan sya sa kakatawa kayat halos maluha na.

"Manang Inday. Nasamid kasi ako one time, ayon yong sinabi nya.. Why? Hindi ba totoo?"

He chuckled, "Sabi sabi lang yon,"

Nanlaki ang mga mata ko at medyo nagulohan.

"What? So, ano yon? She lied?"

"No, hindi.. Hindi sa ganun, kasabihan kasi yon.. We don't really know kung totoo ba yon o hindi."

My mouth form in a O shape.. Ganun pala yon. So its just a belief. Akala ko naman totoo kasi nung nabulonan ako ang bilis ko magbigay ng number and sakto naman yong number sa letter R kaya akala ko naalala ako bigla ni Daddy. Nevermind! Back to the topic.

"Okay, as i was saying earlier..." nag puppy eyes ako kay Daddy, "...can you talk to Mr. Pressman, dad, please.."

"Princess,-"

"Sige na Dad, please, i'm crushing over his son, Nash Lemuel, feeling ko talaga sya na ang destiny ko.."

Napasandal si daddy sa kanyang upuan at mataman akong tinitigan. Para bang inaanalize nya kung nagbibiro ba ako o hindi.

"What destiny are you saying, Princess? You're just seventeen for christ sake."

I pouted. Im really trying my best to act na parang iiyak. I know my Dad well, hindi nya kayang tingnan ako ng umiiyak.

"But Dad-"

"Okay, okay, cut the drama Princess, hindi bagay sayo ang role na yan."

"Promise me first," nakangusong sabi ko.

"Okay, i will try,"

"Dad!"

"Fine, fine.. I promise!"

Yes! Mabilis pa sa alas kwatrong yumakap ako kay Daddy. Sabi ko na nga ba e, hindi nya ko matitiis.

Since then, iniisip ko na na sya na ang future husband ko dahil wala namang ipinangako sakin si Daddy na hindi nya natupad. Although, wala pa namang nababanggit si Daddy, dun na rin naman ang labas nun. Sooooon!

But four months na after nung kinausap ko si Daddy tungkol dun ay wala pa rin syang sinasabi. Nainip na ako kaya ako na mismo ang lumapit kay Nash Lemuel Pressman and asked him to be my boyfriend. It turned out okay at first. Kaya lang, may umeksenang babaeng hindi kagandahan. Ugh! Kainis! Nalala ko naman!

But wait.. May operation 'Pagselosin si Nash' oplan nga pala ko. I need to talk to Vash Lemuel. Tss! Ano bang course ng soon to be brother in law ko?

"Excuse me," kuha ko sa atensyon sa babaeng nasa may malapit saken. Hindi ko alam kung saan pupuntahan si Vash Lemuel kaya nagtanong na lang ako.

Tumingin tingin pa sya sa kaliwat kanan nya just to make sure siguro na sya ang kinakausap ko.

"A-ako ba?" tanong nya.

I rolled my eyes. Buti na lang hindi kita dahil sa laki ng avaitor na suot ko.

"Yes, you. unless may nakikita kang hindi ko nakikita?"

Napangiwi sya sa sinabi. "B-bakit?"

"Alam mo ba kung anong course ni Vash Lemuel Pressman?"

"Bussiness Add-"

"Copy. Thanks!" i smiled at her genuinely. Madali naman pala kausap.

I laughed at my mind. Just wait Nash, tingnan lang natin kung hindi ka babalik sakin pag nakita mong may gusto na kong iba.

A/N: Pasensya na sa ugali nya. Bukod sa bata pa sya, GGSS din po sya. Isip bata na ewan po kasi talaga ang character nya. Pagbigyan nyo na.

Wag mag expect. Light lang po ang story na to. Dala ng boredom ko. 😊

That Poker FaceWhere stories live. Discover now