Upon walking, narealized kong masyado nga palang malaki ang college of Business usiness para isa isahin ko ang mga classroom dun just to find my soon to be brother in law.
Sandali akong nagdalawang isip kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Pero since medyo malayo na rin ang nalakad ko ididiretso ko na lang. Siguro naman pag nandun na ko ay madali ko na lang sya mahahanap.
Halos mamitig na ang paa ko sa kakalakad. Gosh! sino bang nagpauso na ihiwa-hiwalay ang mga building ng bawat courses. Aish.. Kainis! Ayoko pa man sa lahat ay yong naglalakad ng matagal at pinagpawisan.
"Excuse me," agad kong kuha sa atensyon sa mga nagkukumpulang estudyante ng nasa building na ako ng college of Business.
Halos sabay sabay pa silang tumingin saken.
"Yes, Miss Rhian?" anang isang lalaki na may hawak na cellphone.
"I'm looking for Vash Lemuel Pressman, alam nyo ba kung anong room sya?" matamis akong ngumiti sa kanya.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha nya. Hindi ko alam kung masyado lang ba kong maganda o nagulat sya sa pag ngiti ko. Mataray, suplada at snob kasi ang image ko kaya hindi ko sila masisisi kung magugulat man sila pag ngumiti ako.
"Si VLP daw oy... natulala ka na dyan," anang isang babae.
Nagtawanan ang grupo. Napakamot naman sa ulo yong lalaking unang nakausap ko kanina.
"Si VLP ba? Nanduon yon sa basketball court ng ganitong oras.. Sa pagkakaalam ko ten pa ang pasok nun."
Nairita agad ako sa narinig ko. Ano namang ginagawa nun sa basketball court ng ganitong oras? Besides, ang basketball court ay malapit sa Tourism building. So in other words, kailangan kong bumalik na naman sa kung asan ako kanina. What the hell!
Napansin yata nila ang pagkalukot ng mukha ko kaya may nagbiro pa na ihahatid na lang ako dun. I just faked my smile to them.
"No, thank you, i can manage."
Agad na nabura ang ngiti ko sa labi pagkatalikod sa kanila. Shit! Pag minamalas ka nga naman. Daig ko pa ang sumali sa walkaton sa layo ng nilakad ko. Pinagpapawisan na rin ako. Hay, nakakainis! Remind myself na alamin ang whereabouts ng soon to be brother in law ko na yon para sa mga ganitong pagkakataon. Aish! Ang sakit kaya sa paa maglakad ng malayo lalo na nakasuot ako ng 3inch heels.
Malayo pa lang ako sa court ay rinig na rinig ko na ang tunog ng mga sapatos. Mayroon ding mga babae na hindi ko alam kung nagchi-cheer ba or nagpapansin lang. Like, duh! Kailangan talagang tumili?
Palinga linga akong pumasok. Asan ba yong taong yon? Wala sya sa mga upuan kayat tumingin ako sa mga player na naglalaro sa gitna ng court. And there i saw someone who wear red jersey with the word 'Pressman 06' at the back.
Is he an athlete too like like Nash? Nash Lemuel is a captain ball in football here in YP.
I looked at him while he's running. Sya ang may hawak ng bola. Medyo nahaba yong buhok nya at nagba-bounce kasabay ng pagtakbo nya. Bigla kong napangiti. He really look like Nash. Sooooo handsome!
But wait! Did i just say handsome? Gosh, Rhi, you're praising other man! Pero kunsabagay, identical twin sila ng future husband ko so in other words, it just like Im praising Nash, right? right!
Actually hindi ko pa sya nakaharap ng face to face. Ni hindi ko pa sya nakita, ngayon pa lang. Ang alam ko lang may twin brother si Nash. Hindi ko lang kung may pinagkaiba ba sila o wala. Kahit naman syempre ang kambal merun ding pagkakaiba.
Naghanap ako ng mauupoan. Kahit naman gusto ko syang kausapin agad ay kailangan ko munang umupo.. Ang layo kaya ng nilakad ko at isa pa hindi naman pwedeng basta ko na lang sya tawagin habang naglalaro.
Pagkaupo ko ay napansin kong nagkaroon ng commotion sa loob ng court. Parang saglit na nagkaruon ng gulo.. or baka naman tapos na ang game? Tumaas ang kilay ko ng napansin kong halos lahat sila ay nakatingin na sakin. Yong iba ay tumatawa na parang mga nag aasaran.
Tumaas pa lalo yong kilay ko. What?Ngaun lang nakakita ng maganda? Duh! I rolled my eyes.
Hinanap ko si Vash Lemuel Pressman. Nakatalikod sya saken kaya hindi ko makita kung tumatawa din ba sya tulad ng mga kasama nya. Maya maya ay balik na sila sa paglalaro.
Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro ng Wordscapes para may mapaglibangan habang naghihintay ako matapos ang laro nila. Naglagay din ako ng headset dahil naiirita akong pakinggan ang mga babaeng nagf-fan girl. Gosh, masyadong maiingay! Duh? I don't really get it. Bakit kailangang magingay at magtitili kung pwede namang mag enjoy na lang sa panunuod.
May kalahating oras na siguro akong nakaupo nang mapansin kong tumigil na sila sa paglalaro. Tinanggal ko ang headset sa tenga ko at tumayo.
Nasa kabilang side sila ng court nakapwesto. Kung sa gilid ako dadaan paikot ay mapapagud na naman ako maglakad kaya no choice, sa gitna na ako ng court dumaan total ay pareho lang naman ang kalalabasan nun.
Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga player habang palapit ako sa kanila. Si Vash Pressman ay nakatalikod saken. Kita ko ang pag nguso ng kaharap nya. Siguro ay itinuturo ako kaya naman lumingon sya sakin.
Nagtama ang mga mata namin.
Hindi naman sya nakasimangot, hindi rin mukhang galit, he's just looking at me with a blank emotion. Pwede pala yong ganun? Yong parang... whatever! Mahirap ipaliwanag.
Ako na ang unang nag iwas ng tingin. Inilibot ko ang tingin sa mga kasamahan nya. Parang lahat sila ay nagtataka kung bakit ako nandito.
Muli kong tiningnan si Vash Pressman, nakatalikod na ulit sya saken habang umiinom ng tubig.
Nang may ilang dipa na lang ang layo ko sa kanila ay huminto ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. This it it Rhi, for your future lovelife! Just think Nash Lemuel.. Yeah right! Nash Lemuel.. Nash Lemuel..
Nang lumitaw ang image ng future husband ko sa isip ko ay agad akong napangiti.
Okay! Let's get this over.
"Can i talk to you?" i finally asked.
Halos lahat sila ay amused na nakatingin sakin. Para bang may sinabi ako na nakakawa. Nagpalitan sila ng makahulogang tingin pero walang ni isa mang nagsalita.
I sighed, medyo nauubusan ako ng pasensya sa mga kapreng to. Kahit may dalawang dipa ang layo ko sa kanila ay nanliliit ako sa height nilang 6 feet and up siguro. But hey, im the famous Rhian Katelyn Ledezma. Sila ang dapat na mailang not me. Kung kanina ay medyo kinakabahan ako, ngayon ay balik na naman ako sa pagigiging maldita. Aba, minsan lang sa sila kausapin ng Dyosa, ayaw pa?
Nagtitinginan lang sila pa para bang sa ganuong way sila nag-uusap. Ayoko sa lahat ay yong feeling na parang pinagkakaisahan.
"You want to talk to who, Miss, you see, marami kaming nandito.." anang isang lalaki na may makinang na hikaw sa kaliwang tenga.
He looked familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko ba sya nakita. Ngumiti sya kayat kitang kita ko ang dimple nya sa tig kabilang pisngi.
Oh! Wala ba kong sinabing pangalan? My bad. Saareee..
"To him," inginuso ko ang nakatalikod pa rin si Vash Pressman habang pinupunasan ng face towel ang mukha.
"Ah si VLP pala e,"
"Tsk, sabi na nga ba.."
"Tangna, Pre, ang lakas talaga ng dating ng mga suplado.."
"Pati ba naman freshmen, dude?"
Kung anu ano pang tuksohan ang narinig ko sa kanila. Maya maya pa'y halos sabay sabay nilang kinuha ang kani-kanilang duffle bag. Patuloy pa rin sila sa pag asaran.
"Una na kami, bro, ikaw pala gusto e.." anang isang lalaki na may mahabang buhok na nakatali.
Isa- isa silang tumapik sa balikat ni Vash bago tuloyang umalis.
"Goodluck, dude," pang aasar nung lalaking may hikaw na makinang, Vash Pressman raised his middle finger and mouthed "Fuck you," to him.

YOU ARE READING
That Poker Face
General FictionRhian Katelyn Ledezma is crushing over Nash Pressman. Okay naman sana. He became her boyfriend. Pero tulad ng kanta ni Emelda na Isang Linggong Pag-ibig, ganun ang nangyari dahil pagkatapos ng isang linggo ay may iba na itong kini-claim na girlfrien...