Ethan's
Papunta kami babalik ng classroom nang makita ko si Taba. Agad naman nag-apoy ang mata kong nananabik maghiganti. Napag-isipan kong mag-abang hanggang sa dumating siya, cool right?
"Pleased to meet you again, Amazonang Taba." I said in a boastful way. Hindi naman siya nagpatalo, "I'm not pleased to meet you." aniya't tinalikuran ako.
"Teka sandali, 'wag mo 'kong tinatalikuran ah! Hindi mo ba ako kilala?! Gusto mo ako pa magpakilala sayo, ha?" I said angrily.
"Oh, sorry. I'm not interested." she said sarcastically, na tinalikuran nanaman ako.
H-ha! At ang yabang naman talaga nito! Akala niya talaga kaya niya ako, sige! Tignan nga natin ang galing mo, taba.
Agad ko namang kinuha ang juice ng babaeng nasa tabi kong dumadaan, at binato sakan'ya. Bigla siyang natigilan at nagkagat-labi na para bang nagtitimpi. Ngunit wala pa rin akong makitang reaksiyon sakan'ya.
Ang taba taba niya talaga. Kadiri! Yuck!
Pagkatapos n'on ay tumawa ako at agad ng tumalikod. Ha! Akala mo ka—
"Ooowwww!" sigaw ng mga lalake na sabay sabay.
Binato lang niya naman sa'kin 'yong spaghetti na nasa malaking container na hawak-hawak ni Aling Sonya. Punong puno ako ng sauce at spaghetti sa buong katawan! Bigla akong namula sa galit at humarap!
"Tabaaaaaa!!!!!" agad naman akong sumugod na nagbabalak na suntukin siya. Ngunit sa isang iglap ay isang kamay lang ang nilahad niya pang pigil sa kamay kong nanggagalaiting manuntok. Wala pa rin siyang reaction at ang mga kinikilos niya ay walang ka-effort effort.
A-ang lakas niya.. Fuck! No way! Kababae niyang tao, nagpapatalo ka Ethan?! Don't let her bring you down!
Isusuntok ko pa sana ang isang kamay ko ngunit sa sobrang bilis niya ay nahawakan niya ito agad at inikot ang dalawang kamay ko sa likod, pinalupot at pinagsama. Agad naman niyang binali at binalibag ako sa mesa.
"Araaaayyy!!!! Ang sakit! Tulong! Tama na!!!!"
"OA." aniya at naglakad palayo.
"Hindi pa tayo tapos! Humanda ka sakin!"
"I'm always ready," malumanay niyang sambit.
"Magtutuos pa tayo, taba! 'Wag ka pakampante!"
"Talagang 'di pa tayo tapos dahil dinumihan mo lang naman ang kamay ko." aniya at pinakita pa ang kamay niyang may bahid ng sauce ng spaghetti.
"Hahahahaha! Wala ka naman pala, Ethan! Isang kamayan ka lang nung freshman. Good game bro!"
"No, Bryant! You can do it, my baby! Paghigantihan mo ang taba na 'yon! Ang kapal ng mukha! Hindi na nahiya, hindi niya ba alam na apo ka ng may ari ng school?!"
Dahil sa sobrang inis ko ay dumiretso ako sa Disciplinary Office.
"Good morning, Dean Smith. May gusto lang sana akong i-report at i-request."
"Sit. What is it?" aniya na hindi pa humaharap sa'kin.
"There's this girl kasi, freshman siya. And guess what? Dalawang beses siya gumawa ng skandalo sa first day of school niya. At ang masama pa d'on, ako ang binangga niya! Tignan mo nga 'tong itsura ko oh!" pagsusumbong ko at pinakita ang kabuoan ko.
Dahan-dahan naman niyang inikot ang swivel chair niya paharap sa'kin.
"Hahaha, disaster. Who's that badass girl?"
YOU ARE READING
Bad Boy fell into Her
FanfictionHave you ever felt love? Where you can't feel anyone, or anything but your one and only love? I couldn't feel anything or anyone, but her.. until another 'her' came, and messed my life. She's not beautiful, she's fat, she's nothing compared to her...