#31

66 1 3
                                    

Cold's POV

"Manangggg!" Sigaw ko sa tahimik na mansion namin

Ganto ang mansion simula nung mawala si sabrina. Walang kabuhay buhay

"Bakit cold?" Tanong ni manang habang may hawak na pamunas

"Maliligo lang po ako. Dadalawin ko pa si sabrina e. Saan po ba makakabili ng maganda bulaklak? Pwede po bang bumili kayo ni mang ador?"

"Ay sige iho paki kamusta ako sa magulang ni sabrina sa hospital ah?. Pero hindi kaba muna kakain? Ilang araw ka nang hindi kumakain. Baka magkasakit ka niyan. Di yan magugustuhan ni sabrina" sabi ni manang. Ngumiti ako ng mapait ilang buwan n ang nakalilipas nang ma comatose si sabrina

"Okay lang ako manang. Taas na po ako" Sabi ko at agad nagtungo sa aking kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama kasabay ng pag buhos ng mga luha ko

'Miss na miss na kita Sabrina...'

Agad kong pinahid ang mga luha na patuloy na nag uunahang bumagsak sa aking mga mata.

'Its really hard to live without the presence of her.. Without the presence of sabrina'

I close my eyes..

'Please lord... Dont be unfair.. Pagalingin niyo siya'

"Coldddd!!" Sigaw ni manang na agad ng pabangon sakin mula sa pag kakahiga

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang pawis na pawis na muka ni manang

"Ano pong problema?" Tanong ko

Bigla nalang bumuhos ang luha niya.

Bigla akong kinabahan

"S-si s-sabrina-- wala na siya.." Umiiyak na bulong ni manang.

Biglang nanghina ang tuhod ko

"Hindi totoo yan.." Mahinang sambit ko

"Hindi yan totoo!! Hindi!!" Sigaw ko at tuluyan nang napaluhod

'Hindi to pwede... please lord wag si sabrina..'

"Manang hindi!!! Hindi yun totoo! Hindi!! Dadalaw ako sakanya! Dadalaw ako!!" Sigaw ko at agad tumakbo palabas

"Cold!!" Rinig kong sigaw ni manang pero hindi ko na ito pinansin.

'Hindi ito pwede... Please sabrina don't leave me.'

Patuloy ang pag agos ang aking luha mula sa aking mga mata bakit siya pa? Bakit? Hindi ko kaya. Ganon ba kalaki ang kasalanan ko para si sabrina ang kunin sakin? Bakit siya?

Binilisan ko ang pag mamaneho hanggang sa marating ko ang hospital. Nanginginig ang tuhod ko sa bawat pag tapak ko sa silid papalapit sa kwarto kung nasaan si sabrina.

Nang makarating aki sa tapat ng pinto,nakita ko si cheska na sobra ang hagulgol sa pag-iyak. Habang si nathan naman ay upo habang hawak ang buhok niya ganon din si dexter. Nang makita ako ni cheska, Agad niya akong niyakap

"Cold!!" Sigaw niya at yumakap  sakin "wala na... Wala na ang besty ko" mahinang sambut niya mabilis ko siyang inilayo sakin.

Nakaramdam ako ng galit! Bakit ganon kadali para sakanila ang sabihing patay na si sabrina?! Natutulog lang siya! Hindi siya patay.

"Bakit ganyan kayo?! Hindi siya patay okay?! Natutulog lang siya! Matapang siya! Kaya niya yan! Pwede ba?! Wag kayong gumagawa ng kwento?! Hindi siya pata--"

"Patay na siya!! Patay na siya cold! At dahil sayo yon! Sayo!!!" Sigaw sakin ni nathan at tuluyan na siyang umiyak

Hindi... Hindi ito pwede... Hindi!!

"Gusto ko siyang makita!! Buhay siya! Buhay siya! Malakas si--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng makatanggap ako ng suntok mula sa dad ni sabrina na kakalabas lang ng silid kung nasan si sabrina

"Kasalanan mo!! Wala--" hindi pa natatapos ang sasabihin ng dad ni sabrina ng mag salita ang mom niya

"Ano?! Mag sasakitan lang kayo!? You think magugustuhan ni sabrina yan?! Pwede ba?! Walang kasalanan si cold! Let him see his girl!" Sigaw ng mom siya at umali agad naman akong pumasok sa silid kung nasaan ang katawan ni sabrina na nakabalot na ng puting kumot agad ko naman iyong inalis at nakita ko ang walang buhay niyang katawan

"Noooo!! Panaginip lang to! Hindi! Sabrinaaaa!" Sigaw ko at agad yumakap sakanya

"Sabrina? Barney? Please wake up..." Bulong ko habang nakayakap sakanya at hinahaplos ang pisngi niya

"Sabrina... Please? Wake up. Hindi maganda ang joke mo. You're strong right? You're brave. Matapang ka. Sabrinaaaa!" Tuluyan na akong napahagulgol dahil wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat... Tanggapin na patay na ang maha ko. Patay na siya

"Sabrina?" Sambit ko at tumingin sa muka niya "mahal na mahal kita. Sorry sa lahat im really sorry" bulong ko

"Sabrinaaaaa!!" Sigaw ko habang nag hahabol ng hangin.

"Cold! Nakoooo! Anong nangyari sayo?" Nag aalang tanong ni manang

"Manang... Nanaginip ako... Patay na daw si sabrina" mahinang sambit ko at agad umiyak

"Manang hindi ko kaya.." Bulong ko

"Panaginip lang yun cold. Panaginip lang. Baka inaantay kana ni sabrina dalawin mo na siya magligo kana." Sambit ni manang at agad umalis

"Panaginip lang... Panaginip lang... Mahal na mahal kita sabrina"


--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Opposite AttractWhere stories live. Discover now