(School Rooftop) (4:50 pm)Hindi ko mapigilan na hindi ma nerbyos pag naiisip ko na ilang segundo na lang ay dadating na sya dito. Para bang anytime ma susuka na ako >.<
"Bella?"
at nag si tigasan na nga ang katawan ko nang marinig ko na ang kanyang boses. Halos nagising lahat ng paro-paro sa tyan ko at nagsisitaasan na ang balahibo sa braso ko, siguro anytime lalabas na yung ihi ko na kanina ko pa pinipigilan! syet dapat pala nag diaper ako
Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay ipinilit ko pa din na tumayo at taas noo ko syang tinignan
Hindi ko napigilan na mamangha sa kaharap ko ngayon. Para syang isang anghel na ibinaba ng langit, kahit araw araw ko syang nakikita--di ko pa din maiwasan na di ma inlove sakanya, sino ba ang hindi magkakagusto sa tao na to? Lahat na nasa kanya eh, kaya papa G naman ipaubaya mo na to sakin oh promise magpapakabait na ako
"...gio"
hindi ko alam kung kaya ko bang magsalita ng maayos dito, binigkas ko pa nga lang yung pangalan nya nanghihina na ako pano pa kaya pag sinabi ko na sakanya ang salitang 'I love you'? Baka anytime mag palpitate na ako dito
Ang hirap pala mag confess sa taong mahal mo no? pero naman bella kayanin mo! Ginusto mo to diba? kaya panindigan mo na! Ayan na oh! nasa harap mo na! sabihin mo na lang yung nararamdaman mo!
kunot noo nya naman akong tinignan
"Sayo ba galing to?"
ipinakita nya naman sakin yung green na sticky note na iniligay ko kanina sa locker nya
"...ako nga"
Tumango naman sya at prenteng umupo sa bench
"Bakit dito pa? nasa classroom naman tayo kanina ah ba't dito mo pa gustong magusap?"
*DUB DUB* *DUB DUB* tumigil ka puso!
"kasi ano..."
mas lalo tuloy akong kinakabahan, akala ko hindi totoo yung mga nakikita ko sa kdrama na pag nag confess ka sa taong mahal mo sobrang lakas at bilis yung takbo ng heartbeat mo pero ngayon masasabi ko talaga na totoo nga! parang nakikipagkarera yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok ngayon! syet syet syet kalmamorena puso! di pa nga ako umaamin eh easy ka lang jan!
sa sobrang kaba ko naisipan ko munang kunin sa bag ko yung dala kong tubig at ininom yun, habang kabadong kabado ako uminom nang tubig ay bigla na lang ako napatingin kay gio at kitang kita ko ang seryoso nyang tigtig sakin kaya sa pagkabigla ko ay muntik ko pa mabugahan yung mukha nya buti na nga lang ay mabilis kong natapkan ang bibig ko
"Oh, Okay ka lang? ano bang nangyayare--?" lalapitan nya na sana ako nang--
"I like you gio!!" napatakip naman ako ng bibig ko
syet! di ko na napigilan ang bibig ko! fck! fck! fck!
pareho kaming gulat na gulat sa nasabi ko kahit ako hindi ko inaasahan na lalabas agad yun sa bibig ko eh >.<

BINABASA MO ANG
A Certain Heart Fluttering
RomanceIsang typical na High School Love Story, na isang ta-tanga tanga na babae na nag ngangalang BELLA APOSTOL ay patay na patay sa mala perfect guy na kaklase nya na nag ngangalang GIO BORROMEO na itinuturing lang syang matalik na kaibigan-sakit no? But...