Ito ay isang kwento ng isang bata pangalan ay Marco, payat siyang bata, kayumangi ang kulay at bilog ang mata. Mag-isa lang siyang anak ng kanyang mga magulang na OFW sa ibang bansa. Kasama niya lang sa bahay ang kanyang lola Tanya.
Sa paaralan, mahusay siya sa subjek na matematika at siyensya. Madalas siya pa lagi ang pinupuri ng kanyang mga guro. Ngunit hindi lahat ng natatangap ni Marco ay masasaya at magaganda dahil madalas ay lagi siyang napagtrtripan ng kanyang mga kaklse. kaya't minsan mas ninanais niya pang mag-isa na lang kaysa may madamay pang ibang tao.
Isang umaga sa kanilang paaralan, naglalakad siya papunta sa kanilang klasrum galing sa banyo sa may likod ng kanilang paaralan nang biglang may humarang sa kanyang harapan na apat na lalaki, mga kaklase niya ito. Si Gevs, ang unang lumapit sa kanya, mayroon itong maliit na nunal sa kanya pisngi, maputi ang kanyang balat at mataba siya. Galing siya sa isang mayamang pamilya sa kanilang lugar at mayor ang kanyang tatay. Mula sa kanang likod ni Gevs ay si Tomas. Si Tomas ay may katamtaman na pangagatawan maliit lamang siya at mahilig siyang utusan ni Gevs. Minsan siya pa ang gumagawa ng mga takdang aralin nito. Sa gawing kaliwa na may ay si Paterno. Siya na nga yata ang matuturing pinakahenyo sa kanilang grupo. Henyo hindi sa paraang matalino at maraming alam sa mundo kundi henyong pinakakorni at walang kwenta magpatawa. Matangkad na payat si Paterno at palaging nakanguso ito at may singkit na mata. Ang nasa may pinakalikod ng grupo ay si Hulyo. Magkasing laki lang sila ni Gevs at siya ang pinakamaingay sa grupo. Siyempre hindi iyan ang totoo,kasi siya lang naman ang pinakawalang gana kausap at napakatipid niya magsalita at tahimik lang siya parati.
Balik tayo sa konfrontasyon ni Marco sa apat na nilalang na ito.
"HOY!!, nerdo!!" sabay kuha ng baunan ni Marco ng batang mayaman na si Gevs.
"Aba, aba mayroon ka na namang saging sa baunan mo."
"Siguro mahilig ka dito at kaya ka pala nagiging muka ng tsongo. HAHAHAHA"
sabay malakas na tawa ni Gevs, walang kareaksyon ang tatlong kasama nito maliban na lang kay Tomas na may pilit pang tawa,
"hihihihih" wika ni Tomas.
Pumunta sa likod ni Marco si Gevs sabay tulak ng malakas nito sa kanya. Napasandal si Marco kay Paterno at sabay na man sinikmuraan ito. Hindi makapagsalita si Marco sa kanyang natanggap na suntok. Hindi siya makalaban sapagkat napapalibutan siya. Noong nakadapa na ang katawan ni Marco sa lupa ay pinagsisipa naman nila ito. Halos maiyak na si Marco sa kanyang mga natatangap na sakit sa kanyang katawan. Buti na lang na may napadaan na mga ilang estudyante at nakita sila. Mabilis pa sa ala singko ang pagkawala ng grupo ni Gevs. Nakahandusay pa din si Marco sa lupa at hindi makakibo. Nang may ilang minutong nakalipas ay medyo nakabangon na siya mula sa pagkakadapa at umupo saglit sa isang sirang upuan na nakatambak malapit sa banyo.
wika ni Marco sa kanyang sarili:
" Lagi na lang ako inaapi ng aking mga kakalse, sana dumating ang panahon hindi nila ako sasaktan muli." sabay malakas na hagulgol ang lumabas sa kanyang mga muka.
Mula sa inuupuan ni Marco ay nakita siya ni Annie, Napakagandang babae nito. Mayroon siyang mahabang buhok at maputi ang kanyang mga balat. Noong grade 4 pa lang sila ay talagang gustong gusto na ni Marco si Annie at ngayong grade 6 na sila tila wala ng pinagbago ang kanyang na raramdaman kay Annie.
nilapitan ni Annie si Marco at nagsabi:
"Marco bakit ka andiyan?"
sagot naman ni marco:
"kasi nadapa lang ako at nahulog ako sa hagdan kaya ako nagkaganito."
hindi naniwala si Annie sa mga sinabi iyon ni marco kaya inusig niya pa ito sabi ulit ni Annie.
"Eh, bakit parang may pasa ka sa mga pisngi mo?".
"Ano ba talaga nangyari sayo?
Sa isip ni Marco ay ayaw pa niya itong aminin na napagtripan na naman siya ng kanyang mga kaklase. kaya't pilit niyang ikinukubli ang talagang nangyare sa kanya.
wika ni Marco:
"Pasensya na Annie, kailangan ko na talagang umalis baka mahuli pa ko sa aking klase."
Tumango na lang ang sagot ni Annie nang tumayo na at naglakad na si Marco papunta sa klasroom ay biglang sabi ni Annie na
"Sandali lang"
Lumingon si Marco kay Annie ulit para tignan ito. Nang bigla inabot ni Annie ang kanyang panyo sa kanya sabay pahid sa pisngi ni Marco ito. May kakaibang naramdaman si Marco sa kanyang sarili tila bang nawala ang lahat ng sakit ng katawan niya at bigla lumakas siya. Sabay talikod ng mabilis si Marco at tumakbo na parang kabayo sa bilis.
Sa klasroom, nakaupo na si Marco sa kanyang upuan at tila iniinda pa rin niya ang sakit ng kanyang katawan. Nang biglang pumasok ang kanilang guro na si Ginang Imelda.
"Mga bata nagawa ninyo ba ang mga takda ninyo" malakas na sabi ng matandang guro.
siyempre walang sumagot sa klase at tila napakatahimik ang tugon nila ng bigla sumagot ng mahina si Marco..
"akooooo poooooo"
Sabay tinginan lahat ng kanyang kaklase sa kanya at tila bang naiinis sa kanya.
sabi naman ni Ginang Imelda
"VERY GOOD MARCO ESPINOSA, ganyan ang mga batang nagwawagi sa buhay, masisipag at determinado talagang mag-aral."
pabirong palakpakan ang ginawa ng klase sa pag kakapuri ni Marco sa kanyang ginawa.
Lumipas ang ilang oras at natapos na ang kanilang klase, nagsi-uwian na ang mga iba at naiwang mag-isa si Marco sa silid aralan. Malas niya pa at siya ang CLEANERS noong araw na iyon kahit nananakit pa ang kanyang katawan ay tila di niya ito pinapansin para lang makapagwalis at punas sa klasrum. Hindi niya akalain na pumasok si Annie,
"Annie, bakit ka nandito" sabi ni Marco na may pamumula sa kanyang muka sa sobrang kilig. haha.
tugon ni Annie; "wala lang napadaan lang ako."
tinulungan na ni Annie sa pagbubura ng pisara si Marco. Masiya siyang ginagawa ito at sa kabilang banda masaya din si Marco dahil kasama niya ang kanyang crush.
Nagpaalam na sila sa isa't isa at umalis na sa paaralan. Si Annie ay pumunta sa kanyang driver at sumakay na sa kotse balik sa kanyang tahanan. Samantalang si Marco ay maglalakad pa pauwi sa kanyang bahay habang naglalakad si Marco ay di na matangal sa kanyang mga isipan ang mga masasayang sandali ng kanyang buhay. Madalas niya sinisipa ang mga batong kanyang nadadaan tila lahat ng kanyang nadaraanan ay napapangiti din.
Naglalakad ng mabilis papauwi si Marco sa kanilang bahay ng may nakita siyang matandang namamalimos sa daan at tila gutom na gutom ito. Hindi nagpatumpik tumpik ay binigyan agad ni Marco ang kanyang natitirang baon sa matanda. Nagpasalamat ang matanda sa ginawang mabuti nito sa kanya at sabay bigkas na
"Pagpalain ka sana ng Diyos, iho."
Kumaliwa siya sa may maliit na eskenita para magsilbing shortcut patungo sa kanilang bahay inakyat niya ang mababang mga bakod at lumusot sa may malaking butas. Nakalabas din siya at binabaybay na ang main road patungo sa kanyang tirahan. May nakita siyang ginagawang gusali doon at may mga gamit itong hinihila pataas sa kanyang pagbaybay ay nakita niya itong isang maliit na kuting umiiyak at parang gutom na gutom ito. Hahawakan na sana niya ito ng biglang itong kumaripas ng takbo at nagpunta sa may ginagawang gusali. Hinabol ni Marco ito.
POV: assistant ng operator ng crane
"Sa bandang kaliwa, kaliwa pa,"
"Unti na lang kaliwa"
Bigla napigtas ang taling hinihila ng crane at nahulog ito na dumagaan kay Marco.....
BINABASA MO ANG
Sa Loob ng mga Panaginip ni Marco
FanfictionSa panaginip lang natin maaaring gumawa ng gusto nating mundo Sa panaginip lang maaaring balikan ang mga masasayang panahon sa ating buhay Sa panaginip lang tayo makakaranas ng pinakamasamang pwede nating maranasan Ngunit sa kabila ng lahat, mas...