Unang Panaginip

36 1 0
                                    

Nasa ospital si lola Tanya at tinitignan maigi ang katawan ng kanyang apo. May pintig pa ang puso ng bata subalit nakaratay na lang ito sa kama walang magawa si lola kundi magdasal sa Panginoon hawak ang kanyang rosaryo. 

Makaraan ang ilang araw dinumog na ang walang malay na katawan ni Marco ng kanyang mga kamag-aral. Nabigla sila sa sinapit ng kanilang kaklase. Nang hihinayang ang mga guro nito dahil magaling at masipag na bata pa naman si Marco. Naandon din sa mga bumisita si Annie at ang tropa ni Gevs. Magkahalong inis at awa ang pumapaloob kay Gevs dahil hindi na niya mapagtritripan si Marco. kahit na ganon na lang ang pagtrato niya kay Marco ay mayroon din naman siyang puso bilang isang kamag-aral nito. Labis naman ang pag-iyak ni Annie dahil noong isang araw pa ay magkasama pa silang dalawa. 

Ipinagbigay alam ni lola Tanya sa mga magulang ni Marco ang sinapit ng kanilang anak. Nangako sila na agad agad na bumalik sa Pilipinas upang makita ang kanilang anak. 

Isang araw, pumasok ang doktor sa silid ni Marco, sinabi nito  kay lola Tanya na hindi na magtatagal ang buhay ni Marco sapagkat sobrang nadurog ang likod at matinding natamaan ang ulo nito. Halos sakluban ng langit si lola Tanya sa mga narinig niya sa doktor. TIla nawawalan na ng pag-asa si lola Tanya na isipin pang mabubuhay pa ang kanyang apo.

Kinagabihan, sina Marco at lola Tanya na lamang ang naiwan. Nakaiglip kahit papaano ang matanda dahil sa sobrang pagod niya sa pagbabantay sa kanyang apo.

POV: Marco 

Sa madilim na paningin ni Marco ay may tilang maliit na liwanag ang nagniningning. Palaki ng palaki ang liwanag  na ito halos mabulog siya sa sobrang liwanag na kanyang nakikita. Ang maliwanag na ilaw ay bigla naging isang hugis tao ang itsura nito. 

"Marco....," 

mahinang pagkakasabi ng  taong liwanag na ito sa kanya

Hindi makadilat ng husto si Marco dahil napakaliwanag talaga nito ngunit naririnig niya ang mga sinasabi sa kanya ng liwanag na ito.

"Marcoo,,... malapit na maputol ang iyong buhay"

Ipinakita ng taong liwanag ang katawang nakalatay sa kama. Nagulat si Marco na siya pala ang nakahiga doon at nakikita niya ang kanyang lola Tanya katabi ang katawan niya. 

"hindi ka na makakabalik pa sa mundong ibabaw, ngunit bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon para makasama ang mga taong gusto mo."

wika ng taong liwanang. 

"Bibigyan kita ng isang kapangyarihan na magagamit mo upang makipag-usap sa tao."

Halos hindi makapaniwala si Marco sa narining niya mula sa taong liwanag. hindi tiyak ang pagkakasabi nito kung anong kapangyarihan ang kanyang matatangap.

Biglang naglaho ang maliwanag na ilaw na may itsurang tao at nagising si Marco mula sa kama hinihigaan niya. Halos nakakatayo siya at para bang wala nangyare sa kanya. Ginigising niya si Lola Tanya, at sa sobrang pagkagulat ng kanyang lola na makita ang kanyang apo nakatatayo at nakakapagsalita na. Sobrang niyakap ni Lola Tanya ang kanyang apo na para bang ito na ang mga huling araw niya sa mundo. 

"Marco, ikaw ba yan bakit parang ang lakas lakas mo na" sabi ni lola na may pagkagulat

"Opo, lola ito po ako malakas na malakas hindi ko na maalala ang mga nangyari sa akin." tugon ni Marco 

"Apo, wala ka bang naaalala sa nangyare sayo." lola Tanya 

"Mayroon po, ang naaalala ko lang po ay nung hinahabol ko yung pusa tapos bigla na lang ako nawalan ng malay." wika ni Marco 

"Salamat sa Diyos, at buhay ka na at gising." may paluhang pagkakasabi ni lola Tanya.

"Sabi ng doktor sa akin na hindi ka na daw magtatagal pa ng ilang buwan, pero bakit ngayon parang napakalakas mo at wala kang bali sa katawan." pagdududang sagot ni lola 

"hindi ko din alam lola, ang alam ko lang ay may nakita akong ilaw na may itsurang tao, sinabi niya sa akin na magkakaroon daw ako ng kapangyarihan para sa ganon muli ko daw kong makausap ang mga gusto kong kausapin." sabi ni  Marco

"baka lola, ito na yung kapangyarihan na sinasabi niya sa akin, na para bang magiging superman ako at wala na ko mararamdaman na sakit pag ka gising ko." pasagot na biro ni Marco sa kanyang lola Tanya.

Halos alas tres na ng umaga at magkausap  pa rin ng matagal ang mag-lola sa silid at hindi nila alam na mag-uumaga na pala. Lumabas lang ng saglit si lola upang bumili ng pagkain si lola Tanya. Pagbalik nun matanda ay nagulat na lamang siya na tila mahina at nakaratay na ulit ang kanyang apo. Halos sumama ang pakiramdam niya sa kanyang nakita. May halong pagdududa siya dahil kanina lamang ay magkasama silang dalawa at nagtatawanan pa. Bigla na lang naging tuwid ang aparato na nagsasabing wala ng buhay ang bata. 

Nalaglag ang mga pinamiling pagkain ng matanda dahil sa hindi ito makapaniwala na wala ng buhay ang bata. Malakas na hagulgol ang lumabas sa mga bibig ni lola Tanya at napaluha ito ng marami. 

Naramdaman ni lola Tanya ang mga luhang dumapi sa kanyang mga labi. Bigla siyang nagising mula sa isang masamang panaginip niya. Tinignan niya ang aparatong nagsasabi sa buhay ng isang tao. Nagulat na lamang siya na hindi pa ito tuwid at buhay na buhay ang kanyang apo. Niyakap niya ang kanyang apo at napangiti na buhay pa ito. Sinabi niya sa kanyang sarili mabuti na lang panaginip lang pala ang lahat. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Loob ng mga Panaginip ni MarcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon