The.Story.Behind.The.Song

53 1 0
                                    

A/N: This is purely based on my thoughts and imaginations so bear with me guys. Amateur writer lang po pagpasensyahan nyo na lang. Thanks for reading. God speed

P.S. Do not forget to listen to the song.

-----------------------------------

~TSBTS #1~

"Try to Let Go"

by Kristine Mirelle

"I try to let but I can't let you go.."

Those are the words na palaging laman ng isip at puso ko. It's been what? 2 years? Ang tagal na din pala. Ang tagal ko ng dinadala ang mga katagang 'yon. Hanggang kailan ko pa kaya kakayaning dalhin ang mga 'yon?

Hindi na iba sa atin ang salitang brokenhearted. Isang pusong sugatan. Sa pinakamalas na pagkakataon, isa ako sa pinakapalad na tao na maging 'brokenhearted.

Call me Elyna-the person who tried to let go a person she love and unfortunately, she can't.

2 years ago...

Kami pa. Masasabi ko na naging meaningful din ang buhay ko ng maging kami officially. Sino ba ang taong tinutukoy ko? He is Jerald--my ex. He courted me almost a year. Nung unang attempt nyang manligaw sakin way back third year high school, he was busted. I don't know. Actually I'm attracted naman sa kanya. Pero hindi ko sinasabing gusto ko na sya. Well, nababaitan ako sa kanya kahit mabiro at mukhang babaero. Hindi rin ako ganun kasikat sa campus nun coz im the type of person na tahimik lang at hindi sociable. Maingay lang pag mga kaclose ang kasama. Well, him? It's the other way around. He's famous in the campus and halos lahat yata ng curricular activities sinasalihan. Kaya nung time na nagpaparamdam na sya or akala ko lang, kasi hindi talaga ako makapaniwala na mapapansin nya ko, I ignored him talaga. Kahit pa kumakalat na sa klase yung pagpapacute nya sakin at yung panliligaw nya kuno. I ignored everything. Even my bestfriend ipinipilit nya na pansinin ko naman daw si Jerald kesyo todo effort daw ang pacute. Hanggang sa dumadalas at lumalala na ang pagpapapansin nya sakin na umabot na yata sa buong campus. I don't know how to ignore him kasi pati mga teacher namin ay alam na din. Feeling ko nga sikat na din ako or assuming lang? Hehe. Sa classroom namin hindi na magkamayaw ang pagmamatchmake samin at dumadalas yun ng dumadalas. Minsan hindi ko na mapigilang maflatter kasi hindi naman ako sanay na ginagawang topic at pinaguusapan eh. Kahit nga sa discussion napupunta sa amin ang usapan kasi kinukunsinti sya ng teachers. Lalo sa math kasi favorite nya yun. Kapag gumagamit sya ng variable sa equation pag nagsosolve sya sa board, lagi nyang ginagamit ang e at j. That's our first letter name. Syempre sinabi nya yun mismo sa klase nung tinanong ng classmates ko. There was a time na parang lulubog na ko sa hiya. Pero hinahayaan ko lamang sya. Wala naman akong magagawa eh.

He always surprise me like maglalagay sya ng flowers at kung anu anu sa bag ko pag wala ako sa room. Pag naman recess, lagi nya akong binibilhan ng snack. Pag tinatanggihan ko tinatapon nya. Nakakahinayang naman pera din yun eh so tinatanggap ko na lang. Pag uwian lagi syang sumasabay sakin papalabas. Kulang na lang sumabay na sya sakin papauwi. Ilang buwan pa ang lumilipas at hindi ko namamalayan na nasasanay na ko sa kanya at sa set-up namin. Until that time..

INTRAMURALS. Event na kung saan may mga booth such as marriage,blind date, massage, and jail booth.

JAIL BOOTH. This was the most anticipated moment. Sa jail booth, hinuhuli ang mga student na lumalabag sa rule. At isa ako sa mga nahuli nun because of my shoes. The rule was huliin ang mga girl na nakarubber shoes. Since kahit na may event at pasosyalan ang mga student, at dahil kj ako super simpleng get-up lang ako. Blouse, pantalon and rubber shoes. I don't have the guts to wear sleeve less, mini skirts and stilletto. Basta ang mahalaga pumasok ako dahil may attendance daw. Na akala ko lang pala. So that time nahuli nga ako. I expect na marami kaming nasa jail since hindi lang naman yung rule na nilabag ko ang rules so that means maraming mahuhuli. Ako na siguro ang may pinakamalaki ang matang nagulat nung makita ko kung sino ang nag-iisang kasama ko sa kulungan kuno nila. Siya ay walang iba kundi si Jerald. At dahil nagtataka nga ako syempre kinausap ko sya at tinanong. He answered ,"Nilabag ko din ang rules nila. For loving a girl wearing a rubber shoes today." O diba? Kumusta naman ang sagot? Kinilig ba ako nun? Ewan. Sabi ko na lang. "Talaga. Okay." Wala akong masabi eh. Speechless. Babanat ba naman kasi ng ganun. At sa susunod na sinabi nya, dun ako biglang na speechblock. "Yna, may pag-asa ba ko sayo?" That time para akong maiihi kasi first time kong tanungin ng ganun eh. Mas maganda pa sana kung tinanong na lang nya ko about algebra or chemistry. At dahil nga na-speechblock ako este natameme, sya ulit nagsalita, "Kahit konti ba hindi ako nagkaroon ng konting spark dyan?" sabay turo sa may kaliwang dibdib ko. Lalong nataranta ang isip ko nun. First time din nya kong kausapin ng hindi pabiro at nararamdaman ko kung gaano sya kaseryoso ng time na yun. Hindi ko alam kung panu ko nasabi ang mga katagang, "Pag napalabas mo ko dito ngayon mismo, tayo na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The.Story.Behind.The.SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon