Chapter 3
"BES!"
Muli akong napabalikwas nang tapikin ako ni Marge sa balikat. Napatingin pa ako sa paligid at napagtantong dumarami na ang tao sa loob ng room namin. Hindi ko rin namalayan ang pagdating ni Marge dahil kanina pa ako tulala.
"Nandiyan ka na pala," sabi ko.
Sinabit niya ang bag sa likod ng upuan niya. "Oo at mukhang wala ka na naman sa sarili. May nan-trip na naman ba sa'yo maliban sa'kin?" Hindi niya maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi.
Umirap ako pero napatulala na naman. "Wala na ang manika. Pero hindi naman ako nakatulog dahil may bumabato sa bintana ng apartment ko."
Tumango-tango siya. "Pakiramdam ko talaga may nananakot sa'yo eh."
"Iyan din ang pakiramdam ko," sabi ko. Napabuntong-hininga na lang.
"Gusto mo mag-overnight ako sa apartment mo nang isang gabi?" tanong niya, tinataas-baba pa ang dalawang kilay sa dereksyon ko.
Tinampal ko ang noo niya at bahagyang inilayo ang mukha.
"Hindi na. Mas lalo lang ako mapupuyat kung matutulog ka ro'n. 'Di ka na naman mauubusan ng kwento panigurado."
Pareho kaming natahimik nang dumating ang guro. Hindi na tuloy siya nakapagtanong pa tungkol sa nangyari. Wala rin naman akong maisasagot. Nawala rin naman agad iyong bumabato. Pero ang kaba ko, hindi mawala-wala hanggang ngayon.
Nang mag-lunch, tumakbo na naman kami papuntang canteen. Maaga kaming pinalabas kaya naman wala pa masyadong tao.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko nang muli ko siyang makitang pumasok sa canteen. Well, sa katunayan niyan ay hinihintay ko talaga kung dito ulit siya kakain sa canteen namin. Hindi naman ako nagkamali at ito na naman siya, sumisigaw na naman ang kakisigan niya!
Pinaghahampas ko ang balikat ni Marge nang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa lalaking kararating lang.
"Ano ba, Apol! Muntik na 'kong mapaso. Bakit ba?" bulalas niya.
Tinuro ko ang dereksyon ni Dom gamit ang nguso ko. Naramdaman kong pabalang niyang hinarap ang tinuro ko bago suminghap.
"Oo, Apol, nakikita ko si Dom," aniya nang pinaghahampas ko na naman siya. "Ano naman ngayon?"
"Ano kayang ginagawa niya rito?" impit na sigaw ko.
Inirapan ako ni Marge pagkatingin ko sa kanya. "Kakain malamang. Huwag kang assuming!"
Itinuloy na niya ang pagkain samantalang pinagpatuloy ko naman ang pagtitig kay Dom habang kumakain.
Mula paglapit niya sa counter, pag-order niya ng pagkain, pagtalikod niya mula sa kinaroroonan namin at pag-upo sa malapit na mesa. Lahat ng iyon ay pinanood ko habang titig na titig sa kanya. Kahit na ang likod niya ay napakagwapo!
Napapikit ako nang pukpukin ako ni Marge ng kutsara sa ulo.
"Kumain ka muna bago tumitig. Nakakahiya! Kapag ikaw nakita niyang nakatitig... naku!"
Ngumuso ako. "Ano naman? Okay nga kapag nakita niya ako. Para malaman niyang interesado ako sa kanya."Iling lang ang naging sagot niya.
Tinapos na namin ang pagkain at saka lumabas ng canteen. Napapa-ingit pa ako dahil ayoko pang umalis doon. Pero itong babaeng 'to eh hindi man lang ako mapagbigyan. Hinatak na niya ako palabas.
"Saglit na lang naman eh! Titingin lang," sabi ko, nakanguso sa dereksyon niya.
"Kanina ka pa nakatitig, hindi nakatingin!"
Mas lalong tumulis ang pagkakanguso ko. Magsasalita na sana ako nang maestatwa ako sa kinatatayuan ko.Parang naging slow motion ang lahat nang lumabas siya ng canteen. As usual, mag-isa pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pinupunta niya rito dahil may sariling canteen naman ang mga college pero hindi na ako nagtanong. Mas ayos na 'tong nasisilayan ko siya araw-araw kahit tuwing lunch lang.
Sinundan ko siya ulit ng tingin. Hindi ko napansing nakanganga na ako kaya tinikom iyon ni Marge. Tinampal ko na lang kamay niya dahil pabiro pa niyang pinunasan ang gilid ng labi ko.
Inalog-alog ko pa si Marge. "Bes!" Walang boses na lumabas sa bibig ko. Nagtatalon lang ako hanggang sa may maapakan ako.
Agad akong tumingin at humingi ng sorry. "Sorry po! 'Di ko sinasadya!"Nakagat ko yata ang dila ko dahil pagkaharap ko sa taong naapakan ko ay si Dom iyon. Si Dom!
"It's okay," sabi niya bago naglakad palayo. Bahagya pa niyang nabunggo ang balikat ko.
At nang mawala na siya sa paningin ko, napahawak na lang ako sa manggas ni Marge.Nanunuot pa rin ang bango niya sa ilong ko. Para siyang amoy bulaklak. Matamis pero matapang. Hindi ko alam na mas lalo palang nakakagwapo kapag mabango ang isang lalaki. Bakit mga kaklase ko amoy dugyot? Mga amoy araw.
"Pakikurot ako, Bes. Baka nananaginip lang ako." At ang luka, kinurot naman ako sa tagiliran nang pagkalakas-lakas. "Aray ko naman! Galit na galit, gusto manaket!"
"Ang kire kasi, Bes. Alam kong mahilig ka sa gwapo pero 'di naman siya ganoon kagwapo for me."
Inirapan ko siya. "For me," I mocked her. "Kung hindi siya gwapo, sino pala ang gwapo for you?" tanong ko.
Nalukot naman ang mukha niya. "Wala! Hindi ko pa nakikita ang true definition ng gwapo. Tara na! May klase pa tayo."
Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at saka sumunod sa kanya.Kapag talaga nahanap niya ang lalaki para sa kanya, hindi na niya papansinin kung gwapo iyon o hindi. Hindi na tuloy ako makapaghintay na ma-inlove ang bessy ko. Matagal ko nang ipinagtataka kung paano siya magmahal.
Though mahal niya ako, iba pa rin kapag iyong lalaki nang makakasama niya sa paglaki. Hindi naman pwedeng ako lang ang kasama niya habang-buhay. Umay, Bes!
BINABASA MO ANG
Dom, the Cursed Doll
Mystery / Thriller"It all started when I met him. Then, I fell for him. In the end, I do not know anymore." Dom is my schoolmate. Na-meet ko siya sa hallway ng Architecture building na mukhang papuntang canteen. Mabilis akong magka-crush lalo na kapag gwapo kaya nama...