Chapter 4
PAGBALIK namin sa room, paalis na ang mga kaklase ko. Kumunot ang noo namin ni Bes bago kalabitin si Ace, ang president namin.
"Saan punta? Lilipat ng room?" tanong ni Marge."Wala raw klase. May biglaang meeting mga teachers." Halos 'di na niya kami tiningnan dahil sa pagmamadaling lumabas.
Napailing na lang kami dahil nangunguna pa siya sa pag-uwi niya. Hindi ko nga alam kung paano namin naging president ang isang ito.
"Ayoko pang umuwi!" bulalas ko sabay salampak sa silya."Ako uuwi na. Bahala ka riyan!" Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko, ang KJ!
"Samahan mo muna 'ko!" Hinatak ko siya paupo sa katabing silya.
"Ano namang gagawin natin dito? Magtititigan? 'Wag na oy!" Akmang tatayo siya nang malawak ko siyang nginitian.
"Puntahan natin si Dom!"
Lumukot na naman ang mukha niya. "Baliw ka na ba? Nakagat mo nga dila mo kanina nang makaharap mo, pupuntahan mo pa? Kung kinausap mo kanina, edi sana may first convo na kayo."
Napanguso ako. May punto kasi siya. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya imbis na mag-hi, tinitigan ko na lang hanggang sa makaalis. Ito tuloy ako ngayon, ang laki ng pagsisisi.
"Hindi ko naman siya kakausapin, 'di ko kaya. Titingnan lang natin siya mula sa labas," sabi ko.
"Bahala ka. Kaya mo na 'yan mag-isa."
Ginamit ko na ang alas ko. Kumurap ako nang mabilis na tila nagpapa-cute. "Puhlease?"Lalong lumukot ang mukha niya. "Oo na! Tigilan mo lang 'yang mukhang 'yan. Kaumay!"
Natawa ako nang tumayo na siya. Sumunod ako sa kanya at sinukbit ang braso sa kanya.
"'Di mo talaga matitiis ang ka-cutean ng bessy mo,'no?" Hinilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya."Cute, your face! Mas cute pa aso ko sa'yo."
Sabay kaming natawa habang papunta sa Architecture building. Kung kaklase ng ate ni Marge si Dom, paniguradong Archi ang isang iyon. Meant to be nga yata kami dahil magsi-Civil Engineering ako.
"Sa second floor pa ang room nina Ate," sambit ni Marge pagkarating namin sa building.
Mas maraming halaman sa paligid ng building ng Architecture kumpara sa building namin. May isang malaking sign na CAFA sa harap ng mga halaman. Kulay maroon iyon. May isang bench pa akong nakita sa tabi na napo-fold kung gusto mo ng may table o wala. So innovative!
May isang malaking Christmas tree kaming nadaanan sa unang palapag pagkapasok. Nang sipatin ko ay gawa iyon sa pinaglumaang thesis papers. Kakaiba talaga utak ng mga Archi pagdating sa mga ganito.
Nasa gilid lang ang hagdan pagkadaan namin sa Christmas tree kaya nagtungo kami roon. May pangilan-ngilang mga estudyante ang kasabay namin sa pag-akyat. Nag-uusap sila tungkol kina Norman Foster, Frank Lloyd Wright, Zaha Hadid at kung sinu-sino pang hindi ko kilala. Paniguradong mga architects iyon. Itong tatlo lang talaga ang kilala ko.
"Napaka-studious ng mga tao rito. Paano kaya nakapasok si Ate?" tanong ni Marge na ikinatawa naming dalawa.
"Creative kasi ate mo. Tamad lang talaga mag-aral," sagot ko.
"Ayoko mag-Archi. Halos walang tulog lagi si Ate. Hindi na rin madalas makasama sa mga outings namin dahil may pasok minsan kahit Linggo."
Napanguso ako. "Malas pala. Sigurado ako nagtampo si Ate. Mahilig pa naman gumala ang isang iyon."
"Sinabi mo pa."
Huminto kami nang makarating kami sa ikatlong silid sa kanan mula hagdan. Nakabukas ang pinto nila dahil hindi naman sila naka-air conditioner. Rinig tuloy namin ang ingay sa loob.
Halos hilahin ko rin pabalik si Marge nang sumilip siya sa loob.
"Huwag ka sumilip! Baka makita tayo," sabi ko, bahagyang nataranta dahil may ilan sa mga estudyante sa loob ang napatingin sa amin.
"Ano ka ba! Classroom ni ate 'to. Madalas ko na siyang puntahan at gambalain dito."
Napakagat na lang ako sa labi ko at nakisilip. Hinanap agad ng mga mata ko si Dom. Naroon siya sa bandang dulo malapit sa bintana. Nasa harap siya na nakatanaw sa labas. May pasak pang earphones sa kanyang tainga habang nakapangalumbaba.
Ang gwapo!"Yes, miss, si Monica ba?" tanong ng isang lalaking may katangkaran. Payat siya na medyo moreno.
"Hi, Kuya Jace. Yes po," sagot ni Marge. Wow, at kakilala pa talaga niya.
Mayamaya pa ay lumabas na si Ate Monica. Bigla siyang napangisi nang makita ako kasama si Marge.
"Wala akong pera," bungad niya kay Marge.
"Epal! Alam mo naman kung bakit kami nandito." Pinaningkitan ako ni Marge ng mga mata.
"Alam ko." Tumingin siya sa'kin. "So, you like Dom."
Tinakpan ko agad ang bibig niya nang may kaklase siyang dumaan. Tumingin iyon sa amin at ngumisi. "Snob 'yon. Huwag ka ma-fall do'n," sabi niya bago umalis.
"Nasabi na ni Abi," ani Ate Monica. "Hindi siya masyadong nakikihalubilo sa 'min maliban na lang kung may group projects."
Muli kong sinulyapan si Dom na ngayon ay may kinukuha na sa bag niya. Bigla siyang napatingin sa pinto at nagtama ang mga mata namin. Napapitlag ako sabay hila kina Marge at Ate Monica.
"Nakita niya 'kong nakatingin!" bulong ko, kinabahan sa nangyari.
"Ayos lang 'yan. Wala naman yata siyang pakialam kung titigan mo siya maghapon," sabi ni Marge.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Epal ka talaga, Bes! Bakit hindi mo na lang ako suportahan gaya dati?" Inirapan ko siya.
"Oo na. Oo na. Ito si ate oh! Sa kanya ka magpatulong."
"Hindi na, 'no! Okay na ako sa patingin-tingin lang."
"'Di mo sure," sabay nilang sambit.
Pinagbalik-balik ko ang tingin sa kanilang dalawa bago umingit. "Ewan ko sa inyo!"Nagmartsya na ako pababa ng hagdan at iniwan sila roon. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis. Siguro kasi iba lang ang pakiramdam ko ngayon. Ibang-iba kasi nakuha ko pang sundan siya hanggang sa bahay niya. Iba talaga ang tama ko sa kanya. Malayong-malayo sa mga nagustuhan ko dati.
Mukhang gustong-gusto ko kasi si Dom. Partida hindi ko pa siya kilala. Paano kung magkausap na kami?
D
ear diary,
Mukhang inaamag ka na sa drawer kaya ginamit na kita. Gusto ko lang kasi magkwento. Ayaw naman ni bessy. Naiirita na raw sa 'kin. Sus!
Pero grabe! OMG! Hoo! Hindi ako makahinga. Nagtama ang mga mata namin kanina! Waaaah! Teka, wait, diary hihinga lang ako.
Ayan, okay na. Pero gosh! IT WAS JUST SLIGHTLY PERO NGINITIAN NIYA AKO. OMYGASH! I think I'm crazy kasi sobrang kinikilig talaga ako.
Nagkabungguan kasi kami sa hallway kanina. Hindi naman malakas. Pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kasama ko pa si Marge kaya sobrang nataranta ako. Nag-sorry ako pero wala na akong nasabi pagkatapos. Umalis tuloy siya.
Sayang 'yon! Sayang na sayang. Unang convo pa naman sana namin kung sakali. Huhuhu! Napagalitan pa ako ni bes kasi raw hindi ko kinausap. Siya kaya ang kumausap nang malaman niya ang pakiramdam! Para akong may kausap na artista. Hoo! Hindi pa rin ako makapaniwala. I kennot!
Iyon na nga. Sinundan ko kasi maghapon si Dom sa school. Alam ko na ang room niya. Isa siyang Architecture student at ayon kay Ate Abi, na sumingit sa usapan namin, isnabero raw siya. Ang cool lang!
Sinilip ko siya sa room nila. May nakapasak na earphones sa tenga niya at nakatingin sa labas ng bintana. Parang nag-shoo-shoot lang ng music video! Hanggwapo niya talaga!!!
Syempre umalis na kami after. Meant to be nga yata kami kasi Engineering talaga ang kukunin ko sa college. Para kaming sina Popoy at Basha. Kelegs!
Sampaguita st. Brgy. San Pablo
Malapit lang bahay nila sa 'min!Stalker,
ApolPs. Diary, hindi ko na lalabhan ang damit kong dumikit sa kaniya. Kyaaah!
BINABASA MO ANG
Dom, the Cursed Doll
Mistério / Suspense"It all started when I met him. Then, I fell for him. In the end, I do not know anymore." Dom is my schoolmate. Na-meet ko siya sa hallway ng Architecture building na mukhang papuntang canteen. Mabilis akong magka-crush lalo na kapag gwapo kaya nama...