Prologue

37 1 0
                                    

Come up to meet you, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are

I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apart

Lahat ng mag kaklase ko ay nakatingin sa akin ngayon. Focus na focus sila sa performance ko. Kumakanta ako while playing the guitar.

Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh, let's go back to the start

Running in circles
Coming up tails
Heads on a science apart

I really like this song. Napaka simpleng kanta pero ang sarap pakinggan at ulit ulitin. Pati gusto ko yung mga kulot sa dulo ng mga linya, feeling ko ang galing galing ko nang kumanta kapag naaachieve ko yung notes.

Hala, yung mataas na part na. Sasakit nanaman yung leeg ko nito. Pero dapat hindi ko ipahalata na nahihirapan ako kahit kinakabahan ko na baka pumiyok ako.

Sinara ko nalang ang mga mata ko para mabawasan ang kaba ko at para maramdaman ko ang emotion ng kanta.

Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard

Oh, take me back to the start...

Pagkabukas ng mga mata ko, napatingin ako sa mga classmates ko na nakalabas ang mga phones at kinukunan ako. Nahiya naman si ako. Mas napressure tuloy ako.

I was just guessing
At numbers and figures
Pulling the puzzles apart

Questions of science
Science and progress
Do not speak as loud as my heart

Habang isa isa kong tinitignan ang mga classmates ko, napadako ang aking paningin sa isang lalaking nakaupo sa isa sa mga sulok ng kwarto. Seryoso lang ang mukha niya habang nakahawak sa phone niya na nakatutok sa akin.

Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh, and I rush to the start

Running in circles
Chasing our tails
Coming back as we are

Siya si Jack. Ang malaking KJ sa buhay ko. Palagi nalang siyang nakangisi sa akin. Tapos kung makapagasar akala mo perpektong tao. Hindi naman gwapo.

Slight lang naman...

Ha nako, tumataas ang prisyon ko! Kalma teh.

Nobody said it was easy
Oh, it's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be so hard

I'm going back to the start

Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi ko na inalis ang mata ko sa kanya. Titigan challenge ang peg namin. Syempre hindi ako papatalo. Kung akala niya nasisindak niya ako, pwes hindi! Hampasin ko siya ng tubo eh.

Nagpalakpakan ang mga classmates ko at tinawag na rin ako ng teacher namin sa Music. Sabi niya maganda daw ang boses ko at nakakuha ako ng mataas na marka. Practical test kasi namin iyon. So bale kapag wala kang talent sa Music, he he he... umasa ka nalang sa Math grade mo. Kung meron kang aasahan.

Nagpaaalamat ako at naglakad na paupo sa aking upuan dahil iba naman ang mag peperform. Umupo ako sa bakanteng upuan sa kabilang sulok ng kwarto na kasalungat ng kay Jack.
Walang may gusto ng area nato kaya kung titignan parang loner ako.

Asa naman tatabihan ko siya. Mabaho yun eh.

Nakarinig ako ng pagusog ng upuan sa aking tabi. Lumingon ako at nakita ko si Jack na nakaupo habang nakataas pa ang mga mahahabang mga paa niya sa harapanan niya. Nakatingin lang siya sa harap at hindi ako pinapansin. Hinayaan ko nalang siya at pinanuod ang bestfriend kong nagperform ng piano.

Maya maya pa ay may naramdaman akong hininga sa aking kaliwang tainga. Nagulat ako at napalayo kaya naman dikit na dikit na ako sa wall na nasa kanan ko.

Tinignan ko ang obvious na obvious naman na gumawa nun tinaasan ko siya ng kilay. Alam na niya ang ibig sabihin niyan. Palagi kasing ganito ang drama naming dalawa. Mangaasar siya, mapipikon naman ako. Pero hindi panaman ako masyadong pikong ngayon. Medyo palang. Self-control is the key.

Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Unti unti ay linapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Mabagal ang kilos niya pati at napaka intense ng mga mata. Hindi ko magets kung ano ang trip niya ngayon.

Nang kaface to face ko na siya, tinabingi niya ang kanyang mukha papunta sa kanang tainga ko. Nanigas naman ako sa aking kinauupuan. Ang lapit niya masyado!!! Hindi ko alam ang gagawin ko!!! Nagpapanic na ako sa kaloob looban ko pero hindi ko pinapakita sa itsura ko.

Nasan na ba ang teacher? Bakit walang pakialam eh mukha na kaming PDA dito eh.

"Nasaan yung 'The Scientist' sa kinanta mo?"

The ScientistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon