Chapter 1

27 1 0
                                    

Abby's POV

Tapos na ang klase ko ngayong araw na ito at pauwi na ako. I had always liked studying. Ever since bata ako, hilig ko na talaga ang pagaaral. Other people around my age mostly hate going to school. Hindi ko nga sila magets eh. I mean, they should be thankful that they have the opportunity. Yung iba nga diyan gustong gusto pero hindi makapagenroll.

Naglalakad ako papunta sa main gate ng school. Nilalakad ko lang ang papunta at pauwi sa school. Nagtitipid kasi ako as a way to save money.

Nakita ko si Manong Nonong, yung guard sa gate. Nakangiti at kumakaway sa mga estudyanteng pauwi narin. Yung iba meron pa siyang secret handshakes at nagdadab pa.

"Lakas mo kuya! Power!" Sabi ko sakanya noong naparaan ako sa harapan niya. Nag fist bump naman kaming dalawa nang katulad sa big hero. Yung may falalalala, pero yung samin walang ganun.

"Mas mapower yun ineng!" Sabay turo sa likod ko.

Napalingon naman ako and there stood before me, a man, na kinaiinisan ko. Yung tipong bad vibes kana sakanya kahit wala PA siyang ginagawa. Take note ha? PA.

"Hey yow!!!" Sabi niya at yinakap ako. Nasubsob naman ako sa kilikili niya.

"Aaaaahhhhh!!!!!"

Pinagtutulak ko siya kasi kadiri! Hindi panaman noya suot yung polo niya, naka sando lang siya. Noong una hindi niya ako binitiwan. Mas lalo pa niya akong sinubsob dun.

Sumisigaw parin ako at alam kong napapatingin narin sa amin yung ibang schoolmates namin. Yung ibang mga lalake sumisigaw pa ng 'Nice one!' at 'Ninja!'.

Hindi ko sila pinansin at inabot ko ang buhok ni Jack.

"Aw! Aray ko! Tama na Panget!" Nabitawan niya ako. Paano niya akong hindi bibitawan, eh inikot ikot ko lang naman ang kanyang ulo dahil sa pagkakasabunot ko sakanya.

Small circle, small circle, Biiiig circle.

Iyan ang nasa isip ko habang kinakalbo ko siya. Siya naman ay hinawakan ang aking kamay na nasa buhok niya at pilit inaalis.

"Kadiri kang lalake ka! May buhok pa yung kilikili mo tapos ilalagay mo yung mukha ko dun?! Magdusa ka!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya.

Natanggal niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. I was reaching my other hand para yun naman yung gamitin kong pagsabunot pero nahuli niya rin ito at linagay sa aming harapan. Hinila pa niya yung kamay ko kaya naman mas lumapit pa ako sakanya.

Nakatingin siya sa akin ng nakakaloko at linapit ang aking kanang kamay sa kanyang bibig. Nagpupumiglas parin ako pero mas malakas siya.

"Ayaw mo ba ng buhok sa kilikili?" Tanong niya. Binuksan niya ang kanyang bibig at bahagyang kinagat ang aking kamao.

"Sige, kagatin ko pa iyan. Galing panaman akong banyo. Hindi ko na kasi napigilan eh. Gusto nang lumabas." sabi ko pero syempre hindi yung totoo noh.

Agad naman niyang itinigil ang ginagawa at binitawan na ang mga kamay ko. Nakasimangot na siya ngayon. Tss. Ewan ko ba sakanya. Hindi ito ang unang beses na ginawa niya sa akin yung pakagat kagat drama niya.

"Ayoko ng may buhok, gusto ko nagwawax." Linampasan ko na siya at lumabas na ng gate.

"Pawax ka na boss. Okaya shave nalang masakit daw pag wax sabi ng misis ko." Narinig ko pang sabi ni Manong Nonong dahil hindi pa ako masyadong nakakalayo.

Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang aking cellphone. Tinignan ko ang oras. 3:17 pm palang at meron pa akong oras para umuwi ng dorm na nirerentahan ko para magbihis ng uniform doon sa cafe na pinagtratabauhan ko. 4 pm ang pasok ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ScientistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon