Brother's Advice

430 12 0
                                    

"Kuya, bakit ganoon?" Nasa sala sila at nanunuod ng basketball ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan nilang magkapatid.

"Bakit? Ayun padin ba?" Balik-tanong naman ng kausap.

Tumango ito. Yumuko, at tila hirap na hirap na sa sitwasyon.

"Nahihirapan ka na?" Tanong ulit sa kanya ng kausap.

"Oo kuya eh, pero kailangan kong maging matatag. Ayun naman yung sabi mo diba?"

Tumawa ng mahina ang binata, tinapik sa balikat ang nakababatang kapatid. Ibinalik niya ang atensyon sa pinanunuod pero nasa ibang bagay ang pag-iisip. 

"Ganyan na ganyan din ako dati e. Sobrang hirap talaga, yung tipong di mo na alam yung gagawin mo? Minsan nga dumadating na sa puntong, gustong-gusto ko ng sumuko, siguro dahil sa sobrang pagod at sawa na ako sa ganun, pero bigla ko siyang naiisip e. Siya at yung mga pinagdaan naming dalawa. Kaya pumapasok sa isip ko na, eto naman talaga yung gusto ko e. Ang mapasaya siya at wag na wag siyang masasaktan. Kaya dapat panindigan ko na." Mahabang paliwanag niya sa kapatid.

Sa pang-sampung pagkakataon, na pa-bilib na naman siya ng kanyang Kuya. Ang Kuya niya lang naman talaga ang takbuhan niya sa mga ganitong sitwasyon. Alam niyang napagdaan na din kasi ng Kuya niya to. Kaya sa bawat salitang binibitawan nito, talagang lalo siyang nagiging pursigidong ipaglaban yung babaeng mahal niya. Gusto niyang tularan ang Kuya niya, yung Kuya niyang sobrang hirap na hirap noon pero dahil palaban ay sobrang masaya na ngayon. 

"Paano niyo ba nalagpasan ni Ate Julie yung sitwasyon niyo noon, Kuya?" 

Tumingin ito sa malayo at animong may ini-imagine at biglang napangiti. 

"Hindi kami bumitaw, Barq. Hindi kami agad sumuko, pinaglaban namin yung nararamdaman namin. Pinaglaban namin yung isa’t isa." Masaya niyang tugon sa nakababatang kapatid. 

"Sana kagaya kita, Kuya Moe."

Napalingon siya dito, ngumiti. Yung ngiting nagsasabing, “Kaya mo yan, Magalona ka diba?” Inakbayan niya ang nakababatang kapatid at ginulo ang buhok.

"Kaya mo yan, Barq! Ako nga nakaya ko e, ikaw pa kaya? E diba nga, ikaw tong nagpumilit sakin noon na ligawan si Julie dahil kung hindi ko yun gagawin, uunahan mo ko?" Natatawang kwento neto sa kanya at ikinatawa naman yun ng kapatid.

"Buti nalang niligawan mo si Ate Julie no?" Saad nito na ikina-kunot naman ng noo ng binata. 

"Ha? Bakit naman?" Takang tanong nito sa kapatid.

"Kasi kung hindi mo niligawan si Ate Julie, siguro nga naunahan kita, baka di ko pa nakikilala  yung babaeng mahal na mahal ko ngayon." 

Napatawa naman si Elmo, napaisip siya na ganun din ba siya ka-corny noon tulad ng kapatid niyang si Arkin? Siguro nga, oo, ganun naman talaga pag nagmamahal diba? Kahit corny o cheesy basta maparamdam mo sa kanya na mahal mo talaga siya. Naalala na naman niya ang mga pinagdaanan nila ni Julie noon. Natatawa nalang siya at naiiling.

Na sa ganung posisyon siya ng biglang.. 

*TSUP* 

Napabalikwas siya. Hala, hinalikan ba siya ng kapatid niya? Kadiri naman tong si Arkin oh. Sarap kayang mag-day dream tapos hahalikan ka ng kapatid mo? Tapos.. Tapos.. Sa labi? 

PROCESSING 10%

PROCESSING 37%

PROCESSING 45%

PROCESSING 68%

PROCESSING 88%

PROCESSING 94%

PROCESSING 97%

PROCESSING 100%

ANO?! HINALIKAN AKO NI AR— Hindi niya natuloy ang sinasabi ng isip ng makarinig siya ng malutong na tawa.. Malutong at pamilyar na tawa.. Teka?

o.O

O.O 

"Baby?!" Gulat na tugon nito. 

"Hi babyyyyyy kooo!" Masayang tawag nito sa binata at kumandong pa sa kanya.

Napangiti ang binata, parang magkasama lang sila kaninang umaga dahil hinatid niya ito sa taping, pero miss na miss na agad niya ang nobya. Tinadtad niya ng halik ang dalaga na ikina-tili naman nito. 

"Hahahahahahahahaha. Moeeee! Sto—hahahahahaha! Ta-hahahaha ma-hahahaha naaaaa!"

Natatawang itinigil ang pag-lalandi sa nobya, at ipinatong niya ito sa ibabaw niya. Tumagal sa 3 minuto ang pagtitigan, at biglang ikiniskis ng dalaga ang ilong nito sa kanya. 

"Namiss kita, Elmo ko." Malambing na sambit sa nobyo.

"Mas namiss kita, Julie ko." Ganti nito sabay dampi ng labi sa dalaga. 

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pitong minuto tumagal ang kanilang paghahalikan. Ng magkalayo na ang kanilang labi, ay ngumiti sila sa isa’t isa ng kay ubod ng tamis. Pinulupot ng binata ang kamay sa bewang ng dalaga, tinitigan niya ito sa mata, ngumiti, at idinampi ulit ang labi sa dalaga..

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima..—

"Eww both of you, get a room." Sigaw ni Arkin ng madatnan ang ginagawa ng kapatid at ng nobya nito.

Nagulat ang dalawa sa nag-salita. Tatayo na sana si Julie sa ibabaw ni Elmo, pero hinigpitan lang lalo ni Elmo ang pagkakayakap sa bewang nito. 

"Hoy Barq! Pag kayo naman ang naglalampungan ni Leana, di naman namin kayo iniistorbo ah."

Nakasimangot at iritadong sagot nito. 

Natawa naman si Julie sa inasal ng nobyo dahil halatang nabitin ito dahil sa pangiistorbo ng kapatid.

"Kuyaaaaaaa!!" Nahihiyang saway ni Leana sa kapatid ng kanyang nobyo.

"Oh bakit? Ang arte kasi nyang boyfriend mo, e pareho naman kaming malandi." 

Natatawang sabi ni Elmo at naasar naman na si Arkin sa kanyang Kuya. Natawa naman ang dalawang babae sa inaasal ng magkapatid. 

Tumayo na si Julie at lumapit kay Leana. Umupo naman ng maayos si Elmo sa sofa.

"Tara na nga, bago pa kayo magsuntukan diyan. Lumamig nadin tuloy yung dala naming pagkain ni Leana kanina." Yaya ni Julie.

"Hay nako Ate, mauna na nga tayo, gutom na ako. Hinarot din ako niyan ni Arkin e, tapos ngayon ang arte nung nakita kayo ni Kuya Moe." 

Natawa naman si Julie sa sinabi ni Leana at nauna na nga silang pumunta sa dinning table. Naiwan ang dalawang magkapatid at halata padin kay Arkin ang pagka-asar sa Kuya. Natawa nalang si Elmo at susunod na sa dalawa ng bigla siyang hawakan ni Arkin sa balikat. Lumingon ito sa kapatid at tila nag-iintay itong mag-salita. Pero ng di padin nagsalita ay umiwas ito ng tingin sa kapatid dahil nawe-weirduhan ito.

"Kuya." Tawag ni Arkin sa kapatid.

Tumingin ulit ito sa nakababatang kapatid, at nagtataka sa asal nito.

"Salamat." Naka-ngiting sambit ni Arkin. 

Napangiti naman si Elmo dito at humawak din sa balikat ni Arkin. 

Na-obserbahan niya din na magkasing-tangkad nadin pala sila nito. 

"Basta Barq, kung mahal mo talaga siya. Ipaglalaban mo siya ng buong puso. Ingatan mo si Leana, dahil ikaw din ang kawawa sa huli." Payo sa kapatid.

"Oo kuya, pangako yan. Mamahalin at ipaglalaban ko si Leana katulad ng ginawa mo kay Ate Julie noon.."

"Hanggang ngayon.." Pagpapatuloy ni Elmo. 

"Baby!" "Babe!" Sigaw ng dalawang babae na nanggagaling sa dinning area. 

"Ang mga babae talaga, mainipin." Saad ni Elmo na naiiling.

"Pero mahal na mahal padin natin." Tugon naman ni Arkin ng nakangiti. 

At sabay nilang pinuntahan ang dalawang babaeng mahal na mahal nila.

The End. ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Brother's AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon