FIRST
"Walang hiya ka!! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako!" sigaw ni mama sa aking tatay. " Bakit? Wala ka namang silbi eh! Puro ka lang pasarap! Gusto mo patayin kita ha?!" sagot ni papa sabay sampal at tulak sa aking ina. Nakita ko ang aking pinakamamahal na ina na napahiga dahil sa nangyari. " MAMA!" iyak ko. "Lalayas na ko dito! Ayoko nang makita ang mga pagmumukha ninyo! Mga bwiset!" sabay punta nya sa kwarto at paglabas nya, may bitbit na syang bag. "Maghiwalay na lang tayo. Hindi ko na kaya. Hindi na kita mahal."
Ayon ang mga huling alaala ko bago ako nag high school. Ngayon, andito ako sa aking classroom at inaalala ang pangyayari noon,na isa sa mga pinaka mapait na naranasan ko noong bata pa ko.
" Elle!" tawag ni Lyn,isa sa mga kaklase ko ngayong 3rd year. " May seating arrangement tayo at sa kasamaang palad,lalaki ang makakatabi mo.Pasensya na't hindi ko napilit si maam. May regla eh. " Pagpapatuloy nya.
Tumango ako kahit labag sa aking loob. Simula noong maghiwalay sila papa at mama, madami akong natutunan. Ang hirap mag adjust sa una dahil palagi kaming sabay kumain,nagsisimba and all. Pero dahil sa nagkaroon ng iba si papa, nasira na ang pagtingin ko sa mga lalaki. Natatakot na kong makasalamuha sila dahil sa tuwing may nagtatangkang makipag kaibigan sakin, naiisip ko kaagad ang posibilidad na paano na lamang kung sasaktan din nila ako tulad ng ginawa ng aking ama?! Paano kung manloloko lang din sila!? Kaya hindi na ko umasa at nagtangka pang magkaroon ng kaibigan. Ang gusto ko na lang, makapagtapos at maging isang guro.
Lumapit ako sa aking upuan at dahil asa dulo ito, madadaanan ko ang dalawang lalaki. Nagtatawanan sila at napatingin ako sa lalaking makakatabi ko.Pansin ko na kahit nakaupo sya, ang tangkad pa din nya. Nakataas ang ayos ng buhok,halatang madaming nagkakagusto at nakakaagaw pansin ang kanyang inosenteng ngiti.Nakikipagtawanan sya sa iba naming magiging kaklase ngayong taon. Mga kaklase at kaibigan nya siguro. Nagulat ako nang bigla syang tumingin sakin kaya yumuko ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag. Tahimik akong dumaan sa kanilang harapan at saktong pag-upo ko ay biglang dumating ang aming guro. "Goodmorning class! So dyan na kayo for the rest of the school year. Hope that maging close kayo sa isa't isa." Ngiti nya.
Napatingin ako sa aking katabi na tamad na nakaupo at pinapatunog ang ballpen. Kanina lang ang saya nya, bakit ngayon nag iba agad ang aura nya? Siguro kasi ako makakatabi nya. Isa sa pinakaboring na tao sa batch namin.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa labas ng bintana. " I hope so."
��