CHAPTER 1
LIBRARY: Class Escape
“BILISAN MO! KUMILOS KA NA DYAN! TANGHALI KA NA NAMAN SA KLASE MO!”Seriously, mother's voice is the best alarm clock.
Pupungas-pungas pa akong bumangon mula sa kama ko. Nakakatamad talaga pumasok. Haaay. Bumaba na ako at dumiretso sa banyo. Inintay mapuno ang bath tub at saka naligo. 10 minutes. 20 minutes. 30 minu― “HOOOOY! ANO BA?! MAY BALAK KA PA BANG LUMABAS DYAN AT PUMASOK?!”Napatayo ako bigla. Ang sarap pa man din magrelax dito tapos mang-iistorbo sila? Naku naman! Umahon na ako at nagsuot ng bath robe. Lumabas na rin ako sa kwarto at saka umakyat sa kwarto ko. Hassle talaga masiraan ng banyo sa kwarto. Nagbihis na ako at saka bumaba sa kusina para kumain ng almusal. 10 minutes na akong late. Pero di ako papayag na umalis ng bahay na walang laman ang tyan kaya kakain ako kahit anong mangyari! Hotdog. Itlog. Rice. Pandesal. Hot Choco. 25 minutes late. Ang saya naman nito. Tumayo na ako at kinuha ko na ang bag ko. Lumabas na ako at saka dumiretso sa motor ko. Dahil late na ako, ano pa bang dapat gawin? Eh di paharurutin yung motor. Ilang minuto lang ay nasa school na ako. Pinark ko na yung motor ko at saka kumaripas ng takbo papunta sa 4th floor. Kapag susuwertihin ka nga naman. Late ka na nga, ang layo pa ng classroom mo. Nasa 3rd floor na ako nang makaramdam ako ng katam. Katamaran. Ayoko na pumasok sa klase ko. Pagagalitan lang naman ako ng prof ko kaya aabsent na lang ako. Katatapos lang naman ng quiz kaya paniguradong di magpapaexam ngayon yun. Upakan ko kaya sya?
Imbis na ituloy ko pa ang pag-akyat sa 4th floor, lumiko na lang ako at dumiretso sa library. Wala na rin lang naman akong gagawin, dun na lang muna ako tatambay. Pumasok na ako sa loob at saktong-sakto, iilan lang ang tao. Madalas na di rin nagtatagal yung iba dito sa loob dahil may mga klase panigurado. Kinuha ko yung Library Card ko at saka nag-ikot-ikot sa library. Naghahanap ako ng magandang babasahin nang mapadaan ako sa section para sa mga bata. Pangbatang textbooks, encyclopedia, almanac, at fairytales. Hindi ko alam kung anong natripan ko at kinuha ko yung isang fairytale. The Lost Prince. Hmm. Bago para sa akin yung libro, bukod kasi sa di ako mahilig sa fairytales, mukhang di naman talaga ito ganung kakilala kumpara kala Cinderella. Umupo ako sa lapag at sinimulang buklatin ang libro. Mukhang maganda naman ang kwento. Tungkol sa isang prince na duwag. Dahil lumaki syang walang ama. Pero dahil sa katungkulan ay kailangan nyang umalis sa palasyo nila para magligtas ng prinsesa. At dahil sa kaduwagan at dahil di sya sanay sa gubat ay naligaw sya. Kung saan madami syang pagsubok na nadaanan pero syempre sa ending nailigtas pa rin nya yung prinsesa and they lived happily ever after. Napahikab ako pagkatapos kong basahin yung libro. Nasa huling page pa rin ako ng libro nang may mapansin akong kakaiba. Dahil lang ba ito sa antok ko o nababaliw na ako?
NOTE:
Hanggang dito pa lang talaga ang progress ng story na 'to. Di ko alam kung kailan ko madadagdagan. Nakakatamad kasi magtype kahit may naiisip na akong scenes. Hahaha. Kapag di naman nagkareads 'to, uwian na e. Hahahaha. Basahin nyo sana! XD
BINABASA MO ANG
More Than A Book
Teen FictionWaking up with a prince charming on your side may be unusual. Seeing someone dressed like a knight is rare. But knowing that he came from a book is unbelievable. MORE THAN A BOOK is a story of a girl who will meet his own prince charming in the most...