His Smile

17 1 2
                                        

CHAPTER 2

His Smile

Nababaliw na yata talaga ako. Hindi. Imagination lang siguro to. Pero sobrang ayos ng pangyayari. Parang totoo. From a poker face look of the prince, ngumiti sya. Oo, ngumiti talaga sya! Yung itsura nya ngayon sa page ng libro, medyo poker face na ulit. Pero hindi na kasing serious nung unang tingin ko. At nakatingin sya. Alam mo yung tingin na parang nanunuot sa laman at buto? Pati yata sa ugat ko nararamdaman ko yung tingin nya. Kakaiba. Kinikilabutan ako. Kung pwede pang madagdagan ang balahibo na tatayo sa katawan ko, baka madagdagan pa 'to. Buti na lng at wala akong kasama sa table na kinauupuan ko. Mukha na siguro akong nakakita ng multo ngayon. Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa page ng libro. At habang unti-unti kong nilalapit ang mukha ko para matitigan si Prince Charming, muntik na akong mapasigaw nang biglang pumikit si Prince Charming. Nababaliw na ba ako? Sobrang stress lang ba 'to? Naloloka na yata ako.

Tinitigan ko ang picture nya habang hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakapikit pa rin sya. Yung parang itsura ng mga bidang babae sa movies na makakatikim na ng first kiss nila. Ganun. Para syang natatakot sa pwedeng mangyari pero at the same time, parang naghihintay naman sya na may mangyari nga.

Unti-unti nyang dinidilat yung mata nya. Oo, gumagalaw na talaga sya. Mukha na talaga akong ewan dito. Pero imbis na matakot dahil may gumagalaw characters ng libro, naaaliw lang ako. Para akong nakatuklas ng isang matinding sikreto. Iniintay ko syang dumilat nang tuluyan. At nang nakadilat na sya, nginitian ko sya. Mukha syang nagtataka dahil sa pagngiti ko.

"Good day, my lady! Can you hear me?"

NASA MATINONG PAG-IISIP PA BA AKO? NAGSASALITA NA SI PRINCE CHARMING!

"O-Oo. N-Naririnig kita."

"You are the one. You can make me real. You are the one who can help me ti get out of here! My name is Prince Kevin. And you are?"

Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Dahil bukod sa inglisero si Prince Kevin, alam ko namang di normal 'to. Bago pa may makakita sa akin, sinarado ko na yung libro.

"Mrs. Cruz, mag-a-out po ako ng libro."

"Library Card, please."

Pinakita ko na yung library card ko. Nagpunch sa computer at...

"Akin na yung libro."

Kinakabahan ako. Baka pagtawanan nya ako o ano.

"Ito po..." Iniabot ko na yung libro. Wala naman syang naging wild at violent reaction.

"Nako, Ms. Rivera, hindi na pwedeng ilabas itong book na 'to."

"P-po? Bakit po?" Hindi pwede 'to. Kailangan ko pang makausap si Prince Kevin.

"Magkakaroon kasi ng booksale ang university. Kasama ito sa mga ibebenta." Pagpapaliwanag ni Mrs. Cruz.

"Bibilhin ko na po! Magkano po ba?"

"Nako. Next week pa kasi magbebenta e. Balikan mo na lang next week."

"Sige na, Mrs. Cruz, bibilhin ko na po ngayon. Kahit doble magbabayad ako. Please po. Gusto kasi ng kapatid ko to. Please, Mrs. Cruz." Pagmamakaawa ko sa librarian.

"Hay nako, sige na nga. Pero wag mo na lang muna ipagsasabi sa iba dahil bawal talaga tong ginagawa natin."

"Salamat po! Magkano po ba to?"

"150php." Woah. Nagulat ako sa price nya. Medyo mahal para sa isang second hand na children's book.

"Sige po. Kukunin ko na." Kinuha ko yung wallet ko mula sa bag at kumuha ng 150 pesos. Binigay ko kay Mrs. Cruz at binalot nya na ang libro at binigay sa akin.

"Salamat, Mrs. Cruz. Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya. Y-yung kapatid ko po pala."

"Sige na, sige na. Bumalik ka na sa klase mo. Wag ka na lang maingay, okay?"

"Yes, Mrs. Cruz!"

Lumakad na ako at nagpunta sa susunod na classroom. Maaga ako dahil wala pa yung mga kaklase ko na malamang ay umattend sa first class.

Umupo ako sa loob ng classroom at iniintay na dumating sila. 20 minutes pa pala bago sila dumating. Lumabas uli ako at pumunta sa banyo. Kating-kati na ako na makita uli sya.

Pagpasok ko sa banyo, wala ring tao. Pumasok ako sa isang cubicle at saka umupo. Kinuha ang libro at saka binuksan sa page 34. Ang page kung saan nakita ko syang gumalaw.

"You're back, my lady! I am starting to get worried because you suddenly left me."

"Teka nga! Magkaliwanagan tayo. Nagtatagalog ka ba o hindi?" Mahina kong tanong sa kanya. Pumikit sya. Mga 10 seconds siguro. Ang tagal ha?

"Oo naman."

Bakit ang tagal nya sumagot? Inayos pa ba nya yung utak nya para makapagtagalog? May magical translator ba sya sa utak?

"Anong pangalan mo?" Tanong nya.

"Ako si Mavel. Mavel Rivera. Mavs for short. Bakit ba ko nagpapaliwanag sayo?"

"Mavel, sa dami ng nakabasa sa kwentong to, ikaw ang unang tao na nakakita ng paggalaw ko. Alam kong ikaw ang makakatulong para makalabas na ako dito."

"Ano? Gusto mong palabasin kita mula dyan sa libro?"

Hindi lang ata ako ang nahihibang. Pati yata tong si Kevin, nahihibang na rin.

"Oo, ang sabi sa amin. Kapag may nakakita na sa aming tunay na kaanyuan, maaari na kaming makalabas mula sa nakakasawang pamumuhay dito sa libro." Mukhang seryoso na sya sa gusto nyang mangyari.

"Paano ba kita mapapalabas?"

"Sa susunod na pagdating ng kabilugan ng buwan, itapat mo lang ang libro sa liwanag na magmumula sa buwan at hintayin ang aking pagdating."

"Ganun lang? Itatapat lang kita sa liwanag mula sa buwan lalabas ka na? Di ka pa naitatapat sa liwanag ng buean kahit kailan?"

"Minsan na akong naitapat, ngunit hindi nila alam na may buhay sa loob ng libro kaya wala ring nangyari. Kailangan ko rin ng naniniwala sa akin bago kami makalabas."

Sasagot pa lang sana ako kay Kevin nang marinig ko na may nagbukas ng pinto. Sinara ko na ang libro at saka ibinalik sa bag ko. Lumabas na ako sa CR at pumunta na sa classroom.

Pumasok na uli ako sa loob ng classroom. Kinakabahan ako. 

AN:

Wala pang kalatoy-latoy. Hahaha. Walang sustansyang update. Vote and comment! Dali na, uy. XD Sapilitan na to. :D

♥DreamedUp

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon