Teaching Love - II

74 4 0
                                    

Dear Love,

Matagal ko ng gustong sabihin sayo na kras na kras kita. Mahal na nga yata kita e. Malungkot ako na aalis ka pero asahan mong maghihintay ako sa pagbabalik mo. Darating ang panahon na magiging karapat-dapat din ako sayo. Hintayin mo sanang dumating ang panahong iyon.

Nagmamahal,

Goma

Tiniklop ni Goma ang kakapiranggot na yellow pad na pinagsulatan niya at inilagay sa loob ng brown bag. May tatlong suman din sa loob niyon.

Buti na lang may vacant period, dadalawa lang sila ng isang classmate niya, tulog pa ito. Kung saan-saan kasi naglalagalag ang mga classmates niya kapag walang klase.

Huminga siya ng malalim. Anlakas kasi ng kaba niya. Paanong hindi siya kakabahan e iyon ang araw na balak niyang magtapat kay Love. Iyon din ang huling araw nila sa iskul bago sila gumradweyt. At maaaring huling pagkakataon na makapagtapat siya.

Habang sipit ang brown bag, pumunta siya ng library. Tulad ng inaasahan, nandoon ito. Ang sipag talaga ng Love ko, huling araw na ng klase, nag-aaral parin, isip niya habang wala sa sariling pinapanood ito na busy sa pagbabasa ng libro.

"You, what is that?" tawag ni Ms. K, ang librarian nila, bago pa siya makapasok.

"Ah...eto po? suman po."

"Bawal ang pagkain dito. ilagay mo yan diyan." turo nito sa counter na nadaanan niya.

"Pero..."

"Sa labas ang canteen, hindi dito!"

Takte, panira ka sa plano e! Di ko naman kakainin e! Ibibigay ko lang! yan sana ang gusto niyang sabihin pero tahimik na lang siyang sumunod. Magpapakabuti siyang tao para kay Love.

Hindi na ito sumagot. Parang wala lang nangyari bumalik sa pag-aayos ng mga papel sa mesa nito.

Umupo siya sa pinakasulok na upuan na nasa kabilang sulok ng mesang inuupuan ni Love. Kunyari ay nagbabasa siya ng libro na kinuha lang niya sa nadaanang shelf.

Tapos habang hindi inaalis ang tingin kay Love, lumipat siya ng kabilang mesa. Yung mas malapit kay Love. Dalawang mesa na lang ang pagitan nila. Tapos lumipat ulit siya. Buti na lang sila lang ni Love ang tao sa Library...wag nang isama si Ms K. Hindi siya gaanong mahihiya o paghihinalaan ng masama.

Bago siya lumipat ng mesa kasunod ng kay Love, nasulyapan niya ang sarili sa glassdoor ng bookshelf. Hinawi at inayos niya ang buhok. Ngayon talaga extra papogi siya. Sa buhok nga lang kasi nga wala naman siyang maayos-ayos na damit.

Nang sumulyap siyang muli sa direksiyon ni Love, nakatingin na ito sa kanya. Nahulog niya ang libro sa sobrang taranta. Nang mapulot na niya ito ay puso naman niya ang tumalon at nahulog ng makitang tumatawa ito. Bigla siyang tumalikod. Mula sa gilid ng mata ay sinipat niya ito at nakitang nasa libro na ulit ang atensiyon nito.

Hoo, anlamig! aniya habang hinihipan ng mahina ang dalawang kamay. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit. Nasa libro parin ang atensiyon ni Love.

"Pwede ba akong..." Napaigik siya at natapilok ng may humawi sa kanya. Paglingon niya ay may nakaupo na sa silyang katabi ni Love.

"Hi, Love. Flowers for you. Ikaw lang binigyan ko niyan sa dami ng nagkakandarapa sakin. At eto pa, chocolates. Sa UK pa yan binili ni Dad." Si Stephen. May dala itong bouquet at isang malaking box na kulay ginto.

Humigpit ang kapit niya sa libro. Di bale na nga lang. Tumayo siya at binalik ang libro sa shelf.

"So ano? Girlfriend na ba kita? Sana bago ka pumuntang America, pumayag ka ng maging girlfriend ko. It's not that I can't afford to go there pero sige ka, baka maunahan ka ng iba..." Gusto niyang balikan at bugbugin si Spencer pero magiging mas mabuting tao siya para kay Love.

Pero takte, hindi niya talaga mapigilang mainis. Yun lang kasi ang paraan para di siya maiyak. At sa sobrang inis nga niya, kinuha niya ang supot sa counter at itinapon sa basurahan. Iiling-iling namang tumingin sa kanya si Ms K.

Masama ang loob na dumiretso siya ng CR. Nakasampung buntunghininga ata siya bago siya lumabas

Sampung minuto bago matapos ang break, bumalik siya ng classroom. Sanay naman siyang kinukutya at pinagtatawanan pero iba ang tinging binibigay sa kanya ng klasmeyt niya.

"Eww ang kapal...kala niya talaga magugustuhan siya. Yuck!" Yun ang nari-rinig-rinig niya maliban sa mga nagbubulung-bulungan.

"Ano uulitin ko bang basahin?" Ngising aso si Spencer ng sabay-sabay omoo at nagtawanan mga klasmeyts niya. Ng tingnan niya ang kamay nito ay may nakita siyang yellow na papel.

"Dear Love...matagal ko ng gustong sabihin..." Umakto itong nasusuka na umani ng tawanan sa mga kababaihang fans club nito. At si Love...si Love tahimik lang na nakatingin sa kanya.

"Akin nayan!" Aniya na hinablot ito.

"Hep! Pigilan niyo yan," senyas nito kay Majimbo at lalaking pandak pero malaki ang katawan na bagong sidekick ata nito.

Hinawakan siya ng mga ito hanggang sa matapos basahin ni Spencer ang sulat. Pula-pula siya sa magkahalong pagkapahiya at galit. Hindi siya makatingin kay Love. Hindi siya makatingin sa kahit sino. Kahit siguro sarili niya hindi niya matingnan. Nang pakawalan siya ng mga ito, hinablot niya agad ang kamay at dumiretso ng pinto.

"Can I see it?" Huminto siya ng marinig ang boses ni Love. Nang lumingon siya, kaharap na niya nito na itinaas ang brown bag. "Para sa'kin?" Nakanganga naman si Spencer sa likod nito.

Tumango siya.

"Thank you." Matipid itong ngumiti. Nang bumalik ito ng upuan ay para siyang tangang sinundan ito ng tingin. Maya-maya may pumalo sa kanya.

"What are you doing here? Go back to your seat." Si Mrs Kalachuchi.

Teaching LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon