Teaching Love - XII

57 2 1
                                    

Pagkababa niya ng taxi ay biglang sumulpot si Mark na mukhang nag-aabang sa labas gate ng eskuwelahan kaya lalo niyang binilisan ang hakbang para hindi abutan nito. Pero sadyang maliliit ang mga biyas niya kaya maya-maya lang ay nasa tabi na niya ito.

"Hi babe," anito sabay akbay sa kanya. Malaking pagkakamali na naging boyfriend niya ito dahil sa panggogoyo ng mga kaibigan niya. Ang gusto niya lang naman ay ang maka-move-on pero imbes na makalimutan niya si Goma ay nadagdagan lang ang sakit ng ulo niya. Babaero ito, mabisyo, selfish at maraming beses nang nahuli niyang nagsisinungaling. Kaya nga wala pang isang buwan ay nakipagkalas na siya rito pero para itong multong bumabalik-balik.

"Mark, ano ba?" madiin niyang sabi at saka inalis ang kamay nitong nakaakbay sa kanya. Ilang beses na niyang tinapat ito pero sadyang makulit. Gusto na niya talaga sigawan ito pero umiiwas siya sa gulo at baka mawala pa siya sa dean's list lalo't Dean pa ng College nila ang Mama nito. "Male-late nako," aniya na muling tinulak ang kamay nito. Bakit ba maraming baliw ngayong araw na to? Bulong niya sa sarili. Yung kaharap nga lang niya ngayon ay hindi nakakatuwa. Si Jaime ang isa pang baliw na tinutukoy nita pero at least, mapagkakatiwalaan niya ito.

"Babe, I'm sho sorry." Nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya ay naamoy niya ang alak rito. Napangiwi siya. Nang minsang malasing ito sa isang event sa school nila ay gumana ang pagiging manyakis nito. "Hinde mo ba ako na-mish?" Muling siya nitong inakbayan.

"Mark, lasing ka lang—"

"Shushunduin kita mamaya okey?"

"Hindi pwede, m-magagalit ang boyfriend ko" aniya sabay iwas rito.

"Boyfriend? Aashan? Wala naman akong nakikitang kashama mo a. Wag ka na kashing magpakipot," anito na tinangka siyang akbayan. Nagpumiglas siya at mabilis na itinulak ito.

Sasagot pa sana ito pero may biglang tumapik sa likod niya. Lumingon siya at nakaramdam ng relief ng makitang si Jaime iyon.

——-

Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagbaba ng labi ni Jaime sa labi niya. Ang intensiyon niya lang naman ay papaniwalain si Mark na boyfriend niya ito pero sinamantala ng siraulong si Jaime.

Umakyat ang kamay niya para hambalusin ito pero mabilis na hinuli ni Jaime ang kamay niya. "Nakatingin," pabulong na tukoy nito kay Mark kaya hindi siya nakapalag. Hinayaan niyang ipatong nito ang dalawang kamay niya sa balikat nito habang ang mga kamay naman nito ay dumausdos sa baywang niya.

"Bitawan mo'ko," sagot niya ng pabulong din. Nagulat siya ng, sa halip na sumunod, ay muling dumampi ang labi nito ang labi niya.

Bilang ganti ay hinila niya ang ilang piraso ng buhok sa likod ng ulo nito. Asiwa itong ngumiti na alam niyang nagpipigil lang na dumaing sa sakit.

"Aw! Aray!" anito na agad siyang binitawan.

Nang lumingon siya, wala na si Mark. Hinataw niya ng isang beses ng handbag niya si Jaime na sa halip na masaktan at narinig niya pa ang malutong na tawa nito habang patakbo niyang tinahak ang direksiyon ng classroom niya.

——-

"Anong ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay na tanong niya ng bumaba si Jaime sa taxing dala nito. Heto't parang sirang plaka na ngang pabalik-balik sa memorya niya ang ginawa ni Jaime kaya hindi siya makapag-concentrate sa klase. Ito naman ay hindi lang manhid kundi ipinagbubunyi pa yata ang kalokohang ginawa.

"Sinusundo ka. Like an ideal boyfriend," anito na todong nakangisi.

"Ayokong makita ang pagmumukha mo," aniya na inangilan ito.

"Wait, is this about the kiss? Don't tell me hindi ka pa maka-get-over?" Lalong lumapad ang ngiti nito. Nang itaas niya ang bag niya ay mabilis agad itong dumistansiya sa kanya. Saka nanlaki ang mata nito. "Don't tell me that was your first kiss?"

"Asa ka. Hindi!" Sigaw niya rito.

Ito naman ang nag-iba ang timpla ng mukha.

"Tsaka ano bang pakialam mo?"

Sa halip na asarin siya, bigla itong nagseryoso nito. "Late na, pinapasundo ka ni Tatay." Tatay rin ang tawag nito sa tatay niya. "Sakay."

Hindi narin siya nakipagtalo lalo't nakita niyang nakaabang si Mark at nakatingin sa kanila sa di kalayuan. Hanggang sa makarating sila sa nirerentahang apartment nila ng tatay niya ay hindi siya nito inabalang kausapin o tingnan. Pero akma niyang bubuksan ang pinto ng taxi ng bilga nitong i-lock iyon.

"Jaime!" alarma siyang napalingon rito.

"I'm sorry," anito. Inantay niya tumawa ito pero nanatiling seryoso ang mukha nito.

"Para san?" aniya na kunyari ay may tinitingnan sa labas.

"Na nagtampo ako. At dun sa..." sa halip na tapusin ang sinasabi ay ngumuso ito sa direksiyon niya nang nakangisi. Mukhang di naman talaga ito guilty kaya sinuntok niya ito sa braso. Pero sa laki ng braso nito at sa liit ng kamao niya ay mukhang hindi nito ininda iyon. Tawa lang ang isinagot nito

"Buksan mo ang pinto," galit niyang utos rito. Nang parang wala lang itong narinig ay hinila niya ang buhok nito.

"Aw! Sandali! Bubuksan na! Bubuksan na!" Sigaw nito na pilit tinatanggal ang kamay niya sa buhok nito.

Nang marinig niyang ang click ng lock ng pintuan ng taxi ay binuksan niya iyon at agad siyang bumaba. Sakto namang bumukas ang pinto nila at dumungaw ang tatay niya. Sa kasamaang-palad, sinenyasan nitong pumasok si Jaime sa bahay nila na siya naman ikinasiya ng loko.

Teaching LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon