"Good Morning, Sunshine!" Masaya akong bumangon mula sa kama ko at nag-inat.
Ngayong araw ang Last First Day ko bilang Highschool Student huhu. Pero masaya din ako ngayong araw dahil makikita ko na ang aking bestfriend at ang aking crush ❤.
Ako nga pala si Rachel Bernardino. 16 years old at nag-aaral sa Beckham College. Simpleng tao lang. Typical nerdy type tipong nakasalamin ng malaki, laging naka pony tail ang mahaba kong buhok, maitim ang skin complexion. Pero hindi ako matalino katamtaman lang. Nerd lang ako physically. Yeah in short panget. Pero may maganda rin namang napunta sakin which is ang pagiging matangkad at katamtaman lang ang pangangatawan. Other than that wala na. Yun lang maganda saken. T.T
Kaagad akong bumangon at inayos ko ang kama ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng kama ay kinuha ko ang tuwalya ko at kaagad na pumasok sa banyo. Paglabas ko ng banyo ay kaagad na akong nag-ayos ng sarili ko, kinuha ang backpack ko at bumaba na sa kusina para sa almusal.
Pagbaba ko nakita ko na si mama na busy sa paghahain ng mga pagkain.
"Hi Ma!"bati ko sa kanya at kiniss agad sya sa cheek.
"Hi anak! Good Morning. Kumain ka na baka malate ka pa sa school" sabi ni Mama. Meron pa namang 30 mins. na natitira kaya siguradong di ako malalate. Walking distance lang naman ang BC (Beckham College).
"Ma ang lapit lang ng school ko kaya di ako malalate haha" sabay kain ng pancake. The best talaga luto ni Mama.
"Pinapaalala ko lang baka malate ka na naman. First day mo ngayon kaya bawal malate. Ayokong magkaroon ka ng record ngayong first day mo." umupo na si Mama at kumain na din.
"Opo." Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Oo nga pala di nyo naitatanong madalas akong malate sa klase. Ewan ko ba simula first year late din ako eh. Ako lang ata yung nerd na hindi time consious.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ko kay Mama at naglakad na papuntang school.
Pagdating kong school 6:40 palang. So pwede pa kong tumambay saglit. Pumunta ako sa Oval ng school at naupo sa isa sa mga bench. Wala pang masyadong estudyante ngayon dito malamang nasa classroom silang lahat at nag-aantay ng mga kabarkada nila o di kaya baka inaantay nila kung magiging kaklase ba nila ang mga crush nila. How pathetic! Joke haha parang di ako ganon eh noh!
Napatingin ako sa kanan ko at di ko inaasahan ang makikita ko. Nakita ko lang naman si Matt Martinez. OMG to the Highest Power. Andito sya. This is Destiny <3 Sya lang naman ang Team Captain ng Basketball Varsity Team ng College namin. Bukod sa magaling mag basketball, mayaman, gwapo rin sya, maputi, matangkad at chinito <3 Matalino din sya. Last Year kasama sya sa Star Section.Di ko nga lubos maiisip kung pano niya naipagsasabay ang academics at extracurricular nya. Hanga talaga ako sa kanya. Matagal ko na syang crush since First Year pa.
Pinagmasdan ko lang sya bale tatlong bench ang pagitan namin. Parang ang lalim naman ng iniisip nya at mukha syang malungkot. Bumuntong hininga sya at kaagad na tumayo siguro pupunta na yung classroom.
Ano kaya problema non? :/ Napatingin ako sa relo ko. Shemay! 5 mins na lang time na. Ganun ko talaga sya katagal natitigan? Yan talaga napapala ng mga malalanding kagaya ko haha. Mapapapunta na naman ako nito sa office. Ang tagal ko kasing tinitigan si Matt eh ayan tuloy.
Dali-dali akong tumakbo papuntang 5th floor. Dun pa kasi classroom ng mga 4th Year. Ano ba namang school,ggraduate na ko't lahat-lahat di man lang naisipang palagyan ng elevator tong school. Sayang ang binabayad ng mga estudyante. Ang mahal mahal ng tuition eh. Kinukurakot siguro! Tsk tsk.
Pagdating ko doon eh kasabay ko lang yung teacher namin pumasok. Ayos! di ako ma-ooffice. Muntikan na haha. Pumunta na ko kung saan nakaupo si Mitch. Buti na lang may bakante pang upuan sa tabi nya.
Si Michelle Oliveros nga pala. Mitch for short bestfriend ko ever since the world begun. Magkasosyo ang mga family namin sa business kaya close na close kami. Mukha syang mayaman compared sa kin. Ako kang ata ang mayamang mukhang mahirap T.T.
Sya ay 1/4 Spanish. Maganda, kikay, mapagbiro at baliw. Hinawaan lang naman nya ako ng pagkabaliw.
"Whooo! Buti na lang nakaabot ako" hinihingal kong sabi kay Mitch.
"Oo nga! Kundi ma-ooffice ka na naman first day na first day eh. Wala ka talagang patawad kahit first day bibigyan mo ng record ang sarili mo" sermon sa kin ni Mitch. Haha para ko na talagang nanay yan kung makapanermon.
"Sorry Nay" sabay belat. Sanay na sa kin si Mitch. Magsasalita pa sana si Mitch pero biglang nagsalita ang adviser namin.
"Good Morning Class!" bati ni Miss Locsin sa min. Tingnan mo tong teacher na to ang aga aga nag-mamaasim ang pes. Hindi magandang bungad sa klase tsk tsk
"Good Morning Miss". sabay sabay naming bati.
"Okay. I will be your adviser for the rest of the year whether you like it or not " nakataas ang kilay nya habang sinasabi yan tas tiningnan kami.
Nagpatuloy sya sa pagsasalita. " Your first subject would be Homeroom. Let's start with your introduction. I will call your name one by one" pagpapatuloy pa nya. Hay introduction na naman. Tuwing first day na lang. :/
Tuloy lang sya sa pagtawag ng mga pangalan hanggang sa tinawag nya si Mitch.
"Michelle Oliveros" tawag ni Miss.
"Yes Miss" at kaagad syang pumunta sa harap.
Ngumiti sya at nagsimulang magsalita "My name is Michelle Oliveros. Mitch for short. 16 years old. That's All." at bumalik na sya sa upuan nya.
"Ang haba ng sinabi mo haha" sabi ko sa kanya pagbalik nya.
"Walang pakeelaman haha pwede na yon :P" aba't nagbelat pa ang gaga haha
"Rachel Bernardino" Oooops! ako napala sunod na mag-iintroduce.
"Yes Miss" at kaagad akong tumayo.
"My Name is Rachel Bernardino. 16 years old. I love everything about Kpop. LOL that's all" tapos nagbow ako. O diba! Para bongga ang finale. At bumalik nako sa upuan ko.
Tiningnan lang ako ni Miss ng nakataas ang kilay at tinawag na yung sunod na student.
"Last but not the least
.
.
.
.
.
.
.
Matt Martinez" tekkaaaa???!! waaaaiiitt??!! Sandaliii??!! Hannuuudaaww??? si Matt?? Kaklase namin sya?? Totoo ba to?? Eh ang talitalino nya bat hindi sya sa Star Section napunta.
"OMG kaklase natin si Matt?! Yung Team Captain ng Basketball Varsity Team?!" di makapaniwalang sabi ng kaklase kong si Margot Landot. Don't get me wrong hindi Landot ang apilyedo nya. Tawag lang sa kanya yan ng mga classmates namin kasi malandi talaga ang image sa school namin at marami rin nagsasabi na ganon talaga sya. Halos lahat ata ng mga gwapong lalaki dito sa school ay nilalandi nya.
At marami pang bulung-bulungan ang nangibabaw sa classroom.
"Silence! Matt you may now introduce yourself" biglang sigaw ni Miss Locsin kaya napatahimik ang lahat. Nag memenopause na ata to si Miss Locsin kaya laging bad mood >.<
Sinampal sampal ko ang sarili ko baka namali lang ako ng dinig o namamalikmata lang ako pero nakita ko si Matt na papunta sa harapan at nagsimula ng mag-introduce.
"Hi! I'm Matt Martinez. 16 years old. I am a member of the Basketball Varsity Team. Hope we can all be friends" sabay ngiti. Nagtilian yung mga kaklase naming mga babae.
Sya nga!!! O___________O
-----
OMG kaklase nya si Matt!!! Tara Tili! Haha
Done with First Chapter. Sana nagustuhan nyo! :) VOTE, COMMENT and BE a FAN!!! :D
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Notice Me
Teen FictionIto ay isang storya tungkol sa isang normal highschool girl na matagal ng may crush sa isang lalaking kung tawagin nila ay almost perfect. Gwapo, matalino, mayaman at chinito. Si girl naman ay nerdy type, maitim in short panget. Ginawa nya ang lahat...