[2] Seatmate ko sya!

1 0 0
                                    

Sya nga?! Si Matt nga?! Pwede na bang tumambling? Aba matagal ko ng pinangarap na mapunta sa Star Section para maging kaklase sya. Nag-aral nako't lahat lahat kulang na lang literal na sunugin ko ang kilay ko para lang maging kaklase sya pero fail ang plano ko. Nerd lang ako outside pero sa utak hindi.

OMG?! Totoo nga! Si Matt na matagal ko ng crush since First Year ay kaklase ko na ngayon. Dati tinitingnan ko lang sa malayo ngayon makikita ko na ng malapitan. Dati pumupunta pa ako ng kabilang room para lang sumilay sa kanya ngayon hindi ko na kailangan lumabas dahil pwedeng pwede ko na syang makita dahil sa iisang room kami nag-aaral. Sheemmmaayy!!! This is so very destiny na!!!

"Bes diba si Matt yan yung matagal mo ng crush" pabulong na sabi ni Mitch. Hindi rin ata sya makapaniwalang kaklase namin si Matt.

"Oo sya nga!" sabi ko sabay ngiti ng malapad. Haha nagkakatotoo na ang aking mga pangarap haha.

"Ayyyiiee kiligers ka naman dyan" sabi ni Mitch na mukhang kilig na kilig.

"Haha syempre naman noh matagal ko ng gustong maging kaklase si Matt at ngayon natupad na haha" Yeah right! you read it right as in simula first year pa lang.

"Okay class quiet! Okay that's all for your Homeroom subject. You can now take your break. Class dismissed." sabay taas ng kilay samin at walk-out dala-dala ang mga gamit nya.

------

Asa canteen kami ngayon at si Mitch ay kasalukuyang nakapila sa counter para bumili ng snacks namin.

Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng section na pwede nyang paglipatan ay sa section pa talaga namin. This is destiny haha Hindi na ko natigil sa destiny destiny kanina pa. Paulit-ulit, teh?

"Hoy!" kumaway-kaway si Mitch sa mukha ko para lang makuha nya ang atensyon ko.

"Mitch, Tell me this is not a dream, right?" tanong ko kay Mitch na tulala at parang di pa rin makapaniwala with matching tulala effect pa.

Bigla nya kong pinitik sa noo. "Aray naman bes ang sakit!" habang hawak ko yung noo kong pinitik nya.

"Para ka kasing ewan bes. Kanina ka pa ganyan eh. Pa english english ka pa. Ganyan ka ba talaga pa na-shoshock? At oo hindi ka nananaginip totoo ang lahat kanina. Kaklase talaga natin si Matt na ultimate crush mo." sabi saakin ni Mitch para iconfirm talaga yung kanina.

"Hay bes chance ko na to. Pano ko ba masasabi sa kanya ang nararamdaman ko." tanong ko kay bes. Gusto ko na talaga sabihin para mapansin nya ako at para malaman nya ang matagal ko ng tinatago sa loob ng 3 years.

*PAK!*

"Aray nakakailan ka na ah!" sabay himas sa ulo kong binatukan nya. Parang matatanggal na ata ulo ko don eh.

"Shunga hindi ganon kadali yon. Hindi mo pwedeng basta sabihing may gusto ka sa kanya para mapansin ka nya at magiging mag jowa kayo. Kailangan nating magkaroon ng plano, hindi tayo pwedeng sumugod ng walang dalang armas." litanya ni Mitch. Sabagay tama sya hindi ko pwedeng basta sabihin yon baka mailang pa yon sa ken.

"Sabagay tingnan mo naman tong itsura ko. Pano nya ako mapapansin kung gan---" malungkot na sabi ko.

Hindi na ako pinatapos ni Mitch na sumagot at nagsalita ulit sya "Hep! Hwag mong masyadong idown ang sarili mo. Hindi na problema yan ako na ang bahala sayo. Basta kailangan natin ng plano para mapansin ka nya. Tawagin na lang natin itong "OPERATION make him notice me"" inemphasize talaga nya ang OPERATION make him notice me with quote using fingers. Tinaas baba pa nya ang kilay nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Make Him Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon